Mother Lily, pangkabog ang piano concert; Regine Velasquez at Ogie Alcasid, may concert for a cause

by PEP Troika
Apr 24, 2020
Iba-ibang sound trip: Mother Lily, Regine Velasquez, at Ogie Alcasid may kanya-kanyang online concert para aliwin ang homeliners.
PHOTO/S: Regal Entertainment Facebook / @reginevalcasid / @ogiealcasid Instagram

GORGY RULA

Tawa nang tawa si Lily Monteverde Yu nang nakausap ko pagkatapos niyang magpa-concert ng live streaming sa Facebook account ng Regal Entertainment.

Pinamagatang "Good Vibes" ang piano concert ni Mother Lily nitong Biyernes, Abril 24.

Mahigit 30 minutes din siyang tumutugtog sa piano.

Sinimulan muna niya ng "Pambansang Awit," at tuluy-tuloy na siyang nagpapatugtog ng mga paborito niyang piyesa.

Mga anak niya ang audience sa concert na iyon.

Sabi ni Mother, pampa-good vibes lang ang live streaming concert niya habang ang karamihan ay nananatili sa bahay dahil sa COVID-19 pandemic.

Masusundan pa ba ang concert na yun ni Mother?

“Gusto ko. Pero eto si Roselle, tanungin mo,” sagot ni Mother sa akin at saka ipinasa agad ang telepono sa anak.

Ayon sa anak ni Mother Lily na si Roselle Monteverde, ganado ang ina na tumugtog ng piano.

“Naku, napagod na nga siya. Gusto niyang isang oras yun,” sabi ni Roselle sa akin.

Continue reading below ↓

Ang gusto lang daw ni Mother Lily ay mapangiti tayo habang pinapanood siya sa kanilang Facebook account.

Hindi raw yun fundraising concert.

Ang pag-aari nilang film company na Regal Entertainment ay may limang pelikula na na-hold ang shooting dahil sa ECQ, na extended hanggang May 15.

Itutuloy pa rin daw nila ang mga pelikula kapag maging normal na ang lahat.

Continue reading below ↓

Sabi ni Roselle, kailangan nilang tapusin ang mga yun.

NOEL FERRER

Ako naman, high pa rin ako sa usapan namin nina Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, at Regine Velasquez kanina sa aming Level Up Exclusive! radio program.

Sayang, sabay pala ng piano concert ni Mother Lilya kaya hindi ko iyon napanood.

Hanggang kanina, napag-usapan namin ang mga creative ways ng Pinoy para makapag-cope sa quarantine.

Namamangha talaga kami ni Gladys Reyes.

Si Juday, pagluto at paggawa ng face mask para sa frontliners ang kanyang kontribusyon.

Ako naman, sa tuwa ko, mukhang maganda ang collab namin ng boss ng ABS-CBN Orchestra na si Eric Bolante.

Naku, Gladys, abangan mo ang entry ko sa Quarantune Jamming mamaya! LOL.

JERRY OLEA

Streaming pa more ang mga fund-raising concert ng local singers sa social media.

Lalo na’t extended hanggang Mayo 15 ang ECQ sa NCR.

Magkasunod na gabi ang pa-concert ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Continue reading below ↓

Kakatapos lang nitong Biyernes ng 6 p.m., Abril 24, ang slot ni Ogie sa Songs of Hope concert series para makatulong sa COVID-19 emergency response efforts.

Nag-live kanina sa Facebook page ni @OgieAlcasidOfficial.

Proyekto ito ng World Vision Philippines, kung saan isa si Ogie sa mga celebrity ambassador.

Ayon sa post ni Ogie sa Facebook, tumutulong siyang lumikom ng pondo para sa mga sumusunod:

1. Sanitation Kits for families in need

2. Basic Personal Protective Equipment (PPE) for Medical Workers and caregivers

3. Disinfectant Kits for health facilities poor communities

4. Tents for isolation unit

5. Cash aid to the most vulnerable families

Continue reading below ↓

Bukas, Sabado, Abril 25, may handog na live online concert si Regine.

Pinamagatang One Night With Regine, mapapanood ito sa Facebook page na @ABSCBNnetwork at YouTube channel na @ABSCBNonline.

Para ito sa benefit ng Bantay Bata through ABS-CBN Foundation.

Special guest ni Regine si Lea Salonga.

“Samahan nyo po ako sa isang gabi ng kantahan at pagtutulungan!” paanyaya ni Asia’s Songbird sa Twitter at Instagram.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iba-ibang sound trip: Mother Lily, Regine Velasquez, at Ogie Alcasid may kanya-kanyang online concert para aliwin ang homeliners.
PHOTO/S: Regal Entertainment Facebook / @reginevalcasid / @ogiealcasid Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results