Mabuhay ang mga artistang mapamaraan sa paglikom ng donasyon!

by PEP Troika
Apr 26, 2020
Tom Rodriguez, Drew Arellano, Matteo Guidicelli, Jericho Rosales
Sa pamamagitan ng kanyang talento sa pagguhit, nakalikom si Tom Rodriguez (dulong kaliwa) ng donasyon para sa mga nawalan ng pagkakakitaan dahil sa COVID-19 crisis. Si Drew Arellano (pangalawa sa kaliwa) naman, tinulungan ng mga kaibigang sina Matteo Guidicelli (pangalawa mula kanan) at Jericho Rosales (dulong kanan) sa kanyang fund-drive.
PHOTO/S: Instagram: @akosimangtomas / @drewarellano / @matteog / @jerichorosalesofficial

GORGY RULA

Mahigit PHP100,000 na pala ang naipamigay na tulong ng Guhit Pantawid.

Ang Guhit Pantawid ay isang inisyatibo ng artists upang magbigay ng tulong sa jeepney drivers, street vendors, at construction workers na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa enhanced community quarantine.

Isa ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez sa mga volunteer artists na gumuguhit ng portraits sa halagang P500 per head.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Tom sa aming radio program sa DZRH noong Biyernes, April 23, ang kinita sa kanilang Guhit Pantawid ay diretsong napupunta sa mga tinutulungan nilang street vendors, PUV drivers, at construction workers.

Natutuwa si Tom dahil sa mga nagawa niya sa Guhit Pantawid ay marami na silang natulungan.

“Actually, marami pa sanang gustong sumali galing sa program na nasa ibang bansa… saka yung mga nandito na hindi makatulong dahil GCash lang po ang available, e.

“E, karamihan po sa mga tinutulungan namin ay wala talagang bangko. Sa GCash lang sila nakakatanggap ng ayuda,” dagdag na pahayag ng Kapuso hunk actor.

Nakikita raw sa Facebook account ng nagha-handle ng Guhit Pantawid kung kanino napunta ang mga financial assistance mula sa naturang programa.

Natuwa ring ibinalita sa amin ni Tom na bukas, April 27, ay magkakaroon siya ng art session sa mga batang inaalagaan sa SOS Children’s Village sa Muntinlupa.

“Kinausap kami ng SOS Children’s Village, isang NGO [Non-Government Organization] siya na nagpu-provide ng alternative care sa mga abandoned children at mga orphans.

Continue reading below ↓

“Naka-lockdown sila at marami silang villages dito sa Pilipinas na marami silang mga bata, at gusto nilang magkaroon ng art seminar, para ma-empower sila sa mundo ng sining.

“Naka-lockdown kasi ang mga batang inampon nila. Naisipan nilang i-introduce ang mga bata sa sining.

“By the end of the program na gagawin ko sa Monday, tuturuan ko silang mag-drawing, gagawa sila ng mga greeting cards o thank you cards para sa mga tumatayong nanay nila doon sa village.

“May ka-partner din sila na gagawin ding card na puwedeng bilhin sa mga tindahan.

“Parang insurance company yata yung ka-partner nila,” kuwento ni Tom.

Nakakatuwa na ngayong naka-ECQ (Enhanced Community Quarantine) pa tayo, nagagamit ni Tom ang talento niya sa pagpipinta.

Kaya nag-suggest kami sa kanya na baka puwede na siyang magpa-one-man exhibit ng mga nagawa niyang paintings.

“May mga ilan nang nagtanong sa akin. Dati, natatakot ako, pero ngayon, parang gusto ko na siyang subukan.

Continue reading below ↓

“So ngayon, habang naka-lockdown kapag matapos ko na yung Guhit Pantawid, makapag-umpisa na uli akong magpinta sa canvass, sa mga oil at water color paintings, at sa acrylic.

“Baka makakuha ako ng isang tema…baka next year o this year mangyari rin,” sagot sa amin ni Tom.

JERRY OLEA

Tinitimbang-timbang ko pa sa aking diwa ang balitaktakan kaugnay sa partisipasyon ni Imelda Papin sa "Iisang Dagat" music video.

Traydor nga ba si La Papin, o makabayan sa pagnanais niyang magkaisa ang mga bansang China at Pilipinas?

Pero dito sa Guhit Pantawid project ni Tom, buong-puso akong nagpupugay sa Kapuso actor.

Aba! Sa PHP500 minimum donation, magkakaroon ka na ng portrait na gawa ni Tom.

Harinawang ma-inspire pa si Tom sa mga kaganapan sa COVID-19 upang lalo siyang maging malikhain sa sining ng pagguhit!

NOEL FERRER

Kanya-kanyang talent, kanya-kanyang paraan ng pagtulong.

Mabuhay ka, Tom Rodriguez!

Worth mentioning din ang magandang effort ni Drew Arellano na Drew’s Closet na nag-iimbita ng mga kaibigan niya na kumuha ng item sa closet nila at mag-donate at magkaka-auction.

Continue reading below ↓

Ang halagang yun ay diretsong mapupunta sa beneficiary na choice ng magdo-donate.

Nauna na si Matteo Guidicelli with his triathlon stuff at sumunod si Jericho Rosales with his motor gear at iba pang riding paraphernalia, at parehong malaking halaga ang kanilang nalikom para sa naturang fund-raiser!

Ang creative na, ang saya pa!

Tunay na sa kagipitan, lalabas ang pagkamalikhain, maparaan at kabayanihan ng mga Pinoy!

Mabuhay sina Tom, Drew, Echo, at Matteo!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pamamagitan ng kanyang talento sa pagguhit, nakalikom si Tom Rodriguez (dulong kaliwa) ng donasyon para sa mga nawalan ng pagkakakitaan dahil sa COVID-19 crisis. Si Drew Arellano (pangalawa sa kaliwa) naman, tinulungan ng mga kaibigang sina Matteo Guidicelli (pangalawa mula kanan) at Jericho Rosales (dulong kanan) sa kanyang fund-drive.
PHOTO/S: Instagram: @akosimangtomas / @drewarellano / @matteog / @jerichorosalesofficial
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results