Vic Sotto, memorable ang 66th birthday dahil sa quarantine

by PEP Troika
Apr 28, 2020
Vic Sotto on celebrating his 65th birthday in quarantine: "Ang dami na ngang naggi-greet sa akin... Wala siguro silang ginagawa sa bahay. Naghihintay na lang sila kung sino ang may birthday, para batiin nila."
PHOTO/S: Screen grab from Eat Bulaga Facebook Live

GORGY RULA

Sinorpresa si Vic Sotto ng mga Dabarkads ng Eat Bulaga! sa Facebook live ng noontime show nitong Abril 28, Martes ng tanghali, bago umere ang replay ng programa.

Ngayong araw ang 66th birthday ni Bossing Vic.

Sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros ang nag-host ng Zoom meeting.

Tinawag nila si Bossing Vic at ang misis nitong si Pauleen Luna.

Ipinalabas muna nila ang VTR kung saan may binu-blow na cake ang mga Dabarkads sa naturang video, at saka nila binati si Bossing.

Continue reading below ↓

Pagbalik sa Zoom, unang bumati si Ryzza Mae Dizon.

Sumunod ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos.

Biniro pa ni Bossing Vic si Juday na baka magpadala pa ito ng adobo, huwag na raw mag-abala.

Magkakasunod na pumasok sina Baeby Baste, Maine Mendoza, Alden Richards, Allan K, Jimmy Santos, Rudy Robdriguez, at Joey de Leon.

Kinantahan pa ni Joey si Vic ng Eat Bulaga! jingle, pero pinalitan niya ang lyrics akma sa enhanced community quarantine.

Tuwang-tuwa si Bossing Vic sa birthday wish ni Alden na sana masundan na raw si Talitha.

“Sana nga, para quarantine baby,” sagot niya kay Alden, na tinatawag niyang Richard.

Pagkatapos ng co-hosts ng EB, pumasok na ang mga anak ni Bossing Vic na sina Danica, Paulina, at Mayor Vico Sotto.

Nahiya raw si Vico magbigay ng birthday wish dahil napapanood sila nang live.

Pero touching naman ang ibinigay niyang mensahe kung saan nagpasalamat siya sa kanyang ama na talagang naglalaan ng oras sa kanilang magkakapatid, na kahit sa mga maliliit na programa sa school ay present daw ito.

Continue reading below ↓

Sobrang na-appreciate daw nila ito, dahil alam nila kung gaano ka-hectic ang schedule ng kanilang ama.

Biniro pa nila si Vico na baka may sumingit pa raw na litratong nakahubad.

“Natatakot na nga ako mag-Zoom, baka ma-hack na naman,” sagot ni Mayor Vico.

Pinuri ni Bossing Vic ang Pasig amyor sa lahat ng mga ginagawa nito sa kinasasakupan.

Nagpasalamat si Vic sa inihandang sorpresa ng Eat Bulaga.

“Napakaespesyal nitong aking birthday.

“First time ito. Isa ito sa pinaka-memorable na birthday sa buhay ko.

“Ang dami na ngang naggi-greet sa akin. Ngayon pa lang, mga 500 na. Napagod din ako sa kasasagot.

“Wala siguro silang ginagawa sa bahay. Naghihintay na lang sila kung sino ang may birthday, para batiin nila,” pabirong pahayag ni Bossing Vic.

JERRY OLEA

Nakakaaliw si Joey de Leon sa pag-awit niya sa Instagram ng Eat Bulaga! “quarantheme” song kaugnay sa kaarawan ni Bossing Vic:

“Mula noong lockdown, quarantine tayo/ Wala nang pasok ang Dabarkads n’yo/ Mga bahay, naging studio/ Kapu-Zoom na... Eat Bulaga!

Continue reading below ↓

“Buong bansa, sana’y makisama/ ‘Wag pasaway at sa bahay muna/ Isang araw, balik-tuwa/ Live na ulit... Eat Bulaga!”

Ligtas na kaarawan, Bossing!

GORGY RULA

Bago natapos ang FB live ng EB Dabarkads para sa 66th birthday ni Vic Sotto, in-announce niyang meron silang sisimulang fundraising program.

Ito ay para sa mga maliliit na negosyanteng magsisimula uli ng kanilang maliit na negosyo pagkatapos ng Enhanced Community Quarantine.

Tinawag ito ni Bossing Vic na "Kabuhayan ni Juan."

Sabi niya, pagkatapos ma-replay noong Sabado, Abril 25, ang 25th anniversary celebration ng Eat Bulaga, ang dami raw na nag-request kung paano sila makakuha ng kopya ng espesyal na celebration na iyun na ginanap sa Clark, Pampanga.

“Ang ganda nun, e. Napapaluha pa ako nung pinanood ko iyun.

“Kaya may kopya kami ng DVD nun na ibebenta ng Eat Bulaga! para collector’s item niyo, e,” pakli ni Bossing Vic.

Ang malilikom sa pagbebenta ng DVD copy ng 25th anniversary celebration ng Eat Bulaga! ay gagamitin nilang tulong na ibibigay sa mga taong may maliit na negosyo na naapektuhan ng ECQ.

Continue reading below ↓

Bahagi ng pahayag ng EB host, “Tulong lang sana natin sa ating mga medyo kinakapos na mga Dabarkads, lalo na yung may mga maliliit na business.

“Yung mga microbusiness na magmula nang mag-quarantine, nawala, e.

“Malaking bagay sa kanila yun.

"Katulad ng mga naglalako ng fishball, mga naglalako ng buko, mga magbabalot or iyung mga may tricycle o sari-sari store, o ‘yung mga business na natigil dahil sa quarantine.

“Hindi naman sila napabayaan ng ating gobyerno, dahil meron naman silang ayuda.

"Pero siyempre, yung iniisip natin, pagkatapos ng quarantine, e, papaano na sila?

“I’m sure, yung mga naipon nila, kahit kokonti, mas malamang na naubos na.

“Paano sila magsisimula uli? Iyon ang gustong tulungan ng Eat Bulaga.

“Iyon po sana ang aking hihilingin.

“Iyong mga napagbilhan nito, pupunuan po yun ng Eat Bulaga.

“Yung mapipili nating mga small business, ating tatawagin… basta, yung mga maliit na business na natigil at gusto magsimula uli, yun ang gustong tutulungan ng Eat Bulaga.

Continue reading below ↓

"Puwede raw mag-message o i-check sa FB page ng Eat Bulaga! o mag-email sa eatbulaga@eatbulaga.tv

NOEL FERRER

Happy birthday, Bossing Vic!

Lahat ng mga birthday ngayon, simple yet meaningful.

Back-to-basics at back-to-the-core, kaya maa-appreciate mo lahat ng nag-aabala sa birthday mo in time of quarantine.

Isa pang gusto nating batiin na may birthday din ngayon ay ang Master Director na si Direk Chito Rono!

Continue reading below ↓

Maligayang Bati mula sa amin sa PEP Troika.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vic Sotto on celebrating his 65th birthday in quarantine: "Ang dami na ngang naggi-greet sa akin... Wala siguro silang ginagawa sa bahay. Naghihintay na lang sila kung sino ang may birthday, para batiin nila."
PHOTO/S: Screen grab from Eat Bulaga Facebook Live
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results