Fanny Serrano, naeskandalo sa netizens na ibinabalandra ang katawan sa TikTok

by PEP Troika
Apr 28, 2020
Babala ni Fanny Serrano sa netizens na mahilig mag-post ng revealing photos at videos sa social media: "Pero kung ang motibo nyo ay ang magpainit ng libido ng iba sa panahong ito eh teka lang, ‘noh... isip-isip naman kayo."
PHOTO/S: CTTO

JERRY OLEA

Andaming lalaking Pinoy ang nagti-Tiktok, sumasayaw nang maharot, at mapang-akit ang ngiti.

Sandamukal din ang mga dalagang Pilipina na summer sizzler ang OOTD sa Instagram at Twitter.

May kaugnayan ba ito sa boredom ng mga tao gawa ng ECQ?

Bakit naglipana ang “flesh in the pan(demic)”?

Diskumpiyado rito ang celebrity hair and makeup artist na si Fanny Serrano.

Himutok ni Fanny sa Facebook nitong Abril 28, Martes:

"Hindi ko talaga ma-getz kung ano ang purpose ng mga ibang netizens posting their photos na almost nude, halos naka-expose ang suso ng mga girls sa sobrang pakita ng kanilang cleavage...

"mga lalaking naka-swimming trunk/underwear na ibinabalandra ang mga bukol ng ari nila...

"mga bagets na girls and boylets na naka-sexy pose na talbog pa ang mga boldstars na attention seekers!!!

"At lahat ay nakakalat sa social media!!!"

Hindi raw kanais-nais, lalo na sa mga kabataan, ang ibuyangyang sa social media ang kanilang katawan.

Continue reading below ↓

"Ano ba talaga ang goal ng mga sexy postings nyo sa panahong ito na ang buong mundo ay nagdaramdam dahil sa covid-19 na nakamamatay ng todo-todo?!?

"Maliligtas ba sa virus ang sinumang makakakita ng sexy posting nyo na yun?!? Kung ganun nga ang magiging effect ng posting nyo eh di GO!

"Pero kung ang motibo nyo ay ang magpainit ng libido ng iba sa panahong ito eh teka lang, ‘noh... isip-isip naman kayo."

Ang siste raw, nagiging pangkaraniwang na lang ang mapangahas na photos at videos na wala raw ipinagkaiba sa pagbebenta umano ng sarili.

"Kasi, maraming underage ang gumagala ngayon sa social media at nakikita yang mga pinopost nyo!

"Baka sarili nyong mga parents, mga anak or younger brothers and sisters nyo ang nakakakita!

"Hellooooo! Feeling nyo ba ay nag-e-enjoy ang lahat ng netizens sa mga postings nyo?

"Don't get offended please... ganyan kasi ang photos ng mga ibinibenta ang mga sarili!

Continue reading below ↓

"I am sooo sorry pero nagpapaalala lang po ako na baka mapagkamalan kayo!”

NOEL FERRER

You are what you post!

Ingat talaga kung ano ang ilalabas mo sa publiko dahil itinatambad mo rin ang sarili mong pagkatao.

Kani-kanyang motibo iyan na maaaring hindi ikinaaliw ni TF, palayaw ni Tita Fanny.

Valid naman yun dahil ang tanong, nare-regulate ba na ang nasa tamang edad lang ang makakakita ng mga mapangahas na posts?

With that, malaking factor din ang intervention ng pamilya sa pag-determine kung ano ang nararapat o hindi akma sa kanilang paghubog ng mga paniniwala.

Oh well, habang wala pang rules in place, kani-kanyang lookout muna siguro iyan.

GORGY RULA

Sa totoo lang, ang dami na raw tinatanggal na posts ang TikTok.

Hindi ko alam kung ano ang basehan nila. Pero kanya-kanyang buhay tayo.

Dala na lang siguro ng boredom gawa ng ECQ, kaya napapansin na iyan ni TF.

Kung ano man yung mga hanash niya, hindi iyan nagma-matter sa mga TikTokers.

Continue reading below ↓

Ang importante, marami silang likes.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Babala ni Fanny Serrano sa netizens na mahilig mag-post ng revealing photos at videos sa social media: "Pero kung ang motibo nyo ay ang magpainit ng libido ng iba sa panahong ito eh teka lang, ‘noh... isip-isip naman kayo."
PHOTO/S: CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results