Indie film director GA Villafuerte, pumanaw sa edad na 42

by PEP Troika
Apr 29, 2020
Direk GA Villafuerte, aktibo pa sa pangungumusta at pagpasalamat sa mga kaibigan kahit naka-confine sa ospital mula last week. Hanggang sa binawian ito ng buhay ngayong Miyerkules, April 29.
PHOTO/S: CTTO via GA Villafuerte Facebook

JERRY OLEA

Pumanaw ang prolific indie director na si Glen Anthony "GA" Villafuerte nitong Abril 29, Miyerkules.

Binawian siya ng buhay sa Pasay General Hospital bandang bandang 12:10 p.m.

Ika-42 kaarawan niya noong Abril 2, at ang shoutout niya sa Facebook noong araw na iyon ay pasasalamat sa kanyang buhay.

"Thank you Lord for giving me additional number of my life. Also, to some of my family and some of my friends always there for me," saad noon ng direktor.

Aktibo pa si Direk GA sa Facebook nitong mga nakalipas na araw.

Noong Lunes, Abril 27, nag-thank you siya sa mga nagpadala sa kanya ng mga bagay-bagay.

Kahapon, Abril 28, in-update pa niya ang kanyang cover photo sa Facebook.

Nagbiro pa itong bagay siyang maging sirena tulad ng kanyang edited photo.


Continue reading below ↓

ONE WEEK AT THE HOSPITAL

Ayon sa isang kaibigan ay isang linggo nang nilalagnat si Direk GA at may respiratory issues.

"Before ng COVID-19 pandemic, may sakit na si GA," saad ng indie actor na si Francis Cariaso nang maka-chat namin nitong Miyerkules ng hapon.

Tila nakaranas si Direk GA ng sintomas ng coronavirus nang isugod ito sa ospital sa Pasay City.

Pero hindi pa kumpirmado kung positibo ito sa COVID-19.

Kuwento pa ni Francis, "Last week nahirapan siyang huminga. Pinasundo namin siya para madala sa Pasay General Hospital.

"Nag-COVID test siya noong dinala siya, pero wala pang result until now na pumanaw na siya.

"Hanggang kaninang umaga, kausap namin siya. Pinadalhan pa namin siya ng needs niya sa hospital."

DIREK GA'S MOVIES

Mahigit 100 pelikula ang isinulat at dinirek ni GA.

Karamihan dito ay sexy films tulad ng Bahid, Bahid Dos, Id’nal (Mapusok), Ang Lihim ng Mga Nympha, Kapa, Hardinero, Hayok, Nympho, Kaniig, at Sabik (Nananabik).

Continue reading below ↓

Titulo pa lang ng pelikula ay halatang mapang-akit na.

Nariyan din ang Katas, Tsikboy, Brutal, Idlip, Boy Kabayo, Boi Toi, Init, Webcam, Beki Love, Bagong Paligo, Ghost Lover, Ex-Men, Harot, Matig, Silip, at Tubig at Langis,

Mayroon pang Erotica, Weelab, Pindot, Warat, Lagok, Pasabit, Tuhog, Sibak, Tikim, Diliryo, Palusot, Check-In, Mapagbigay, Lihim sa Eskinita, at marami pang iba.

Lahad ng kaibigan ni Direk GA na si Francis: "Mga 75 percent ng movies niya, kasama ako bilang actor, make-up artist, production designer, production assistant.

“Kung ano ang need niya, lagi akong nakasuporta."

Ngayong Miyerkules ng gabi raw ang nakatakdang cremation ng director. Pagkatapos ay dadalhin ang abo sa bahay nito sa Imus, Cavite.

“Hindi ko pa alam kung may lamay dahil sa lockdown," ani Francis.

NOEL FERRER

Nakikiramay tayo sa mga naiwan ni Direk GA Villafuerte.

Ano ba ang nangyari? Nakasama ko siya sa GMA-7, at hindi siya nawawalan ng kuwentong masasaya.

Continue reading below ↓

Nasaan ka man, GA, sana ay maligaya ka!!!

GORGY RULA

Sabi nga ng karamihan, sa panahon ng COVID-19, ang hirap-hirap mamatay, lalo na pag may iba kang karamdaman.

Mas nakilala si Direk GA sa indie films na karamihan ay may temang kabadingan.

Hindi kilala ang mga artista ng kanyang mga pelikula. Pero ang maganda rito ay nabibigyan niya ng pagkakataong makaarte sa harap ng kamera ang mga kabataang gustung-gustong mag-artista.

Nakilala ko na siya noong nasa GMA Artist Center pa lang siya.

Kaya nagulat din ang ibang taga-GMAAC na nakasabay niya noon.

Meron sanang magbigay-linaw kung ano talaga ang ikinamatay niya.

Nakikiramay po kami.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk GA Villafuerte, aktibo pa sa pangungumusta at pagpasalamat sa mga kaibigan kahit naka-confine sa ospital mula last week. Hanggang sa binawian ito ng buhay ngayong Miyerkules, April 29.
PHOTO/S: CTTO via GA Villafuerte Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results