Award-winning actresses Gina, Sandy, Jaclyn, Elizabeth, Lorna tampok sa Actors' Cue

by PEP Troika
Apr 30, 2020
Sa pamamagitan ng Facebook live session na Actors’ Cue, ttalakayin ng mga premyadong aktres na sina Gina Alajar, Sandy Andolong, Jaclyn Jose, Elizabeth Oropesa, at Lorna Tolentino ang kanilang mga pelikula.

JERRY OLEA

Tampok sina Gina Alajar, Sandy Andolong, Jaclyn Jose, Elizabeth Oropesa, at Lorna Tolentino sa unang Facebook live session ng Actors’ Cue. (In alphabetical order iyan, huh!)

Idi-discuss ng mga premyadong aktres ang kanilang movies, at makikipag-interact sila sa audience sa Mayo 1, Biyernes, 8 p.m., via Zoom sa Facebook page ng Extendthelove Cinema Series.


Continue reading below ↓

“Nag-umpisa lang po itong small initiative na ito dahil I wanted to help my immediate staff and film crew na nawalan ng work,” pahayag ng organizer at moderator na si Direk Adolf Alix Jr. nang maka-chat namin via Messenger nitong Abril 29, Miyerkules.

“I decided to put some of my films online—4 Days, Kinabukasan, and Porno—for viewing and donation.

"Pero mas marami pong lumalapit at dahil na-extend pa ang quarantine kaya naisip ko pong gawin itong event na ito.”

Napapayag ba agad ni Direk Adolf ang mga nasabing aktres na makibahagi sa Actors’ Cue?

“Hindi po ako nahirapang i-convince sila dahil aside from sharing about their craft, donations made will benefit yung mga maliliit na staff and crew na nawalan ng trabaho because of the quarantine,” tugon ni Direk Adolf.

“Direk Gina even suggested that we also give to Mowelfund for the film workers there.

“Kinausap ko po sila via FB at ipinaliwanag na parang roundtable discussion po ito where they’ll talk about their films, and also they can ask questions sa kanilang kasama sa panel tungkol sa acting.

Continue reading below ↓

“Magandang pagkakataon ito dahil we are still celebrating the centennial, so, to gather these good actors and hear them talk about their work ay magandang pagkakataon for Pinoy film enthusiasts.

“And they come from different generations, so, iba-iba po ang perspective.”

Bilang paghahanda sa pagiging moderator, ni-review ni Direk Adolf Alix ang ilan sa mga pelikula nina Gina, Sandy, Jaclyn, Elizabeth, at Lorna. “

Pakiramdam ko nga po, nag-thesis ako uli,” pakli ni Direk Adolf.

Para sa mga susunod na discussions ng Actors’ Cue ay nag-commit na sina Piolo Pascual, Ananda Everingham (Thailand), Nicholas Saputra (Indonesia), Rhydian Vaughan (Taiwan), Sylvia Sanchez, Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Meryll Soriano, Angeli Bayani, Bembol Roco, Ricky Davao, Alan Paule, Noni Buencamino, Raymond Bagatsing, Jericho Rosales, Sid Lucero, Enchong Dee, at Arjo Atayde.

Sa bawat panel discussion ay limang artista ang mga panauhin.

“Bihira po natin silang makita na magsama-sama,” sabi pa ni Direk Adolf.

Continue reading below ↓

“Bonus din po to talk about their work as actors yung other Asian actors na mahuhusay rin at kinilala sa kanilang mga bansa sa larangan ng pag-arte.”

NOEL FERRER

Maganda sana ang Moral (1982) cast ang first assembly ng guests ng Actors’ Cue.

Pero instead of Anna Marin ay ang Cannes Best Actress naman na si Jaclyn Jose ang kasama.

OK na OK ako sa fundraising activity na ganito.

Pero sana, it will extend help to those na wala talagang nakuha sa FDCP program o sa kahit na anong fundraising event.

Wala ba tayong centralized list ng filmworkers na below minimum wage?

Baka tulad ng Social Amelioraton Program ay may nadodoble at merong hindi nabibigyan ng ayudang kasama natin sa industriya.

Paano nga ba yung ganito, Tito Gorgy?

GORGY RULA

Siguro, isa iyan sa dapat ayusin ng FDCP (Film Development Council of the Philippines), Sir Noel.

Hindi ko alam kung ano ang mabuting gawin.

Continue reading below ↓

Tuluy-tuloy naman yata ang pag-uusap at meeting nina Madam Liza Diño sa stakeholders ng TV and film industries.

Dito naman sa Actor’s Cue, sana ay maganda ang presentation niyan at pumayag ang mga producers na ipahiram ang mga pelikula ng mga de kalibreng artistang ito.

Ang iba roon ay na-restore na ng ABS-CBN.

Pero ang ilan ay hindi pa alam kung puwedeng ilabas ang ilang mahahalagang eksena, gaya ng Moral nina Lorna, Sandy at Gina, o kahit ang pelikulang Mister Mo, Lover Boy Ko (1965) ni La Oro.

Maganda kung muling mapanood ang ilang unforgettable scenes ng mga pelikulang iyun.

Ito na lang muna ang puwede nating gawin, bilang hindi pa tayo makakagalaw kahit matapos na itong ECQ.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pamamagitan ng Facebook live session na Actors’ Cue, ttalakayin ng mga premyadong aktres na sina Gina Alajar, Sandy Andolong, Jaclyn Jose, Elizabeth Oropesa, at Lorna Tolentino ang kanilang mga pelikula.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results