Pauleen Luna, nagbenta ng milk tea sa mga kapitbahay; birthday ni Vic Sotto, kulang ang handa

by PEP Troika
Apr 30, 2020
Pauleen Luna, simple lang ang naihandang birthday party para sa asawang si Vic Sotto noong April 28. Natapat daw kasi iyon sa biglaang pagbenta niya ng milk tea sa mga kapitbahay nila sa Alabang.
PHOTO/S: @pauleenlunasotto Instagram

GORGY RULA:

Malakas ang food business ng ilang celebrities, gaya ng Hazelberry ni Ara Mina at Martina’s pastries ni Ai-Ai de las Alas, dahil sa delivery service ng mga ito sa customers.

Pero hindi naman sinuwerte ang negosyo ng iba dahil napilitan silang magsara gawa ng Enhanced Community Quarantine.

Nalungkot si Pauleen Luna dahil kabubukas lang noong Marso ng Bestea MilkTea shop niya sa Alabang, pero isinara noong Marso rin dahil sa ECQ.

Pero noong nakaraang Lunes, April 27, naisipan lang daw niyang magtinda ng Bestea milk tea niya sa mga kapitbahay sa village nila sa Alabang.

“Nakakaloka! Nagbenta ako ng milk tea sa mga kapitbahay. Ewan ko ba bakit ko ginawa. Hahaha!” text ni Pauleen noong Lunes.

Tinanong ko siya kung ano ang plano niya sa 66th birthday ng mister na si Vic Sotto noong April 28.

Ang tagal niya bago nakasagot dahil abala pala siya sa paggawa ng milk tea.

Continue reading below ↓

In-announce lang daw niya sa Facebook account ng homeowners sa kanilang village, ang dami na raw agad umorder.

Kaya naubos daw ang araw niya sa paghahanda ng milktea.

Mahigit 300 cups daw ang naibenta niya noong araw na iyun, kaya lupaypay siya at hindi na niya naasikaso ang iba pa sanang ihahanda sa birthday ng asawa.

Tinanong ko siya uli kahapon, April 29, kung kailan siya uli magtitinda ng milk tea.

Sinagot niya agad ako na hindi na raw muna dahil sobra raw siyang napagod sa dami ng mga umu-order.

Nanghihinayang din siya dahil mahigit isang buwan nang sarado ang shop niya sa Alabang.

Ang best friend niyang si Pia Wurztbach ang isa sa partners niya sa negosyong ito.

Napagtanto namin na pagkain pa rin talaga ang swak na negosyo pagkatapos nitong ECQ.

Iyun na ang fallback ng karamihang mawawalan ng trabaho sa showbiz.

NOEL FERRER:

Learn new skills and make your talent relevant! 'Yan ang paalala ko sa mga 'alaga' kong artists ngayon.

Continue reading below ↓

Until may vaccine at gamot sa coronavirus, hindi na tayo babalik sa ating kinagawian.

Tanggapin na natin yun!

Pero ang guideline ko rin: Do things with a lot of SENSITIVITY. May pagmamalay sa damdamin at pangangailangan ng karamihan ng ating mga kababayan.

Pairalin ang COMPASSION o pagkakaroon ng empathy at pagkilos nang may malasakit sa kapwa.

At ang lagi kong paalala: BE RELEVANT. Siguruhing may kabuluhan ang mga pagkakaabalahan.

Kasama iyan sa reinvention sa sinasabing NEW NORMAL.

JERRY OLEA:

Andaming nagpapa-deliver ng pagkain sa panahon ng ECQ, di ba?

Matatagalan pa ang social distancing. Kaya sa pagsapit ng New Normal, hindi praktikal na mag-open ng restaurant.

Mas OK iyong food delivery!

Siyempre, malaking tulong ang social media, partikular ang Facebook, Instagram, Viber, at Messenger para mai-promote ang tinda mo.

Defined dapat ang market mo. Keri na iyong hanggang karatig-barangay lang.

Kailangang marunong tayong dumiskarte sa buhay.

Matira ang matibay!

Siyempre, dapat manatili pa rin tayong makatao at may malasakit sa kapwa!

Continue reading below ↓

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pauleen Luna, simple lang ang naihandang birthday party para sa asawang si Vic Sotto noong April 28. Natapat daw kasi iyon sa biglaang pagbenta niya ng milk tea sa mga kapitbahay nila sa Alabang.
PHOTO/S: @pauleenlunasotto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results