Miss International 2005 Precious Lara Quigaman, buntis sa third baby nila ni Marco Alcaraz

by PEP Troika
Apr 30, 2020
Inanunsiyo ng celebrity couple na sina Marco Alcaraz at Precious Lara Quigaman na 18 weeks pregnant ang aktres. Excited naman ang mga chikiting na sina Noah at Tobias na magkaroon ng bagong kapatid!
PHOTO/S: The Alcaraz Youtube

NOEL FERRER

Bongga ang pasabog ng unang episode sa Youtube Channel ng mga inaanak ko sa kasal na sina Marco Alcaraz at Miss International 2005 Precious Lara Quigaman, o The Alcaraz.

THEY ARE PREGNANT with their third baby.

Nakakatuwa lang, kasi “na-surprise at natawa” ang celebrity couple sa pagbubuntis ni Lara.

Mayroon silang dalawang anak—ang seven years old na si Noah at one-year-seven months na si Tobias.

Medyo mahirap lang itong pagbubuntis ni Lara dahil hindi siya makapunta sa ospital for check-ups dahil sa ECQ. Kaya humihingi sila ng dasal at suporta mula sa netizens.


Continue reading below ↓

Maganda at productive ang kanilang pinagdaraanan dahil sa bagong vlog ng napakagandang mag-anak na ito!

Guest din pala ang couple sa ANC Conversations with Martin Nievera bukas, May 1.

Natuwa si Martin nang makausap sina Lara at Marco dahil sobrang saya at bungisngis daw pala ng couple! Good vibes lang lagi!!!

JERRY OLEA

Sa panahon ng community quarantine na ang mga mag-asawa ay magkapiling 24/7, asahan nating maraming mabubuntis.

May mga excited nga at umaasam na makabuo sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Natawa rin tayo sa video kung saan umapela ang isang misis kay Pangulong Duterte na sana’y matapos na ang lockdown.

Dahil suko na raw ito sa araw-gabing honeymoon nila ng mister.

GORGY RULA:

Eighteen weeks na pala ang ipinagbubuntis ni Lara.

Kaya hindi ito nabuo during ECQ.

Marami kasi ang umaasang mabubuntis sa mga susunod na buwan dahil sa pagka-quarantine natin.

Ilang linggo na lang, malalaman na kung boy o girl ang ipinagbubuntis ni Lara.

Continue reading below ↓

Sana, maka-girl na sila ngayon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inanunsiyo ng celebrity couple na sina Marco Alcaraz at Precious Lara Quigaman na 18 weeks pregnant ang aktres. Excited naman ang mga chikiting na sina Noah at Tobias na magkaroon ng bagong kapatid!
PHOTO/S: The Alcaraz Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results