Vice, Paolo, Roderick: Sino bibida sa Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa?

by PEP Troika
Apr 30, 2020
Sino kina Vice Ganda, Paolo Ballesteros, at Roderick Paulate ang bagay na bida sa Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa ni Direk Joel Lamangan?
PHOTO/S: Web / Instagram

JERRY OLEA

Natapos na ni Direk Joel Lamangan ang script ng pelikulang Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa.

Ang napupusuan niyang magbida rito ay si Vice Ganda, Paolo Ballesteros, o Roderick Paulate.

Malayo ang istorya nito sa pelikula niyang Ang Huling Birhen sa Lupa (2003) na pinagbidahan nina Maui Taylor, Ara Mina, at Jay Manalo.

Kaya lang, senior citizen na si Direk Joel, ah?! Bawal sa kanya ang lumabas ng bahay, di ba?!

"Nagagalit ako diyan!” talak ng 65-anyos na direktor nang makahuntahan namin nitong Abril 29, Miyerkules ng gabi sa Makati City.

"Bakit naman kaming lahat? Diyos ko! Nagtatrabaho pa kami, ‘no? Puwede pa kaming pakinabangan.

"Bakit naman kami pagbabawalan! Kung ganoon, ang mga senador at congressman na senior citizens, lahat iyon pagkadami-dami.

"E, di bawal din sila! Paano ba iyon?"

LIMITED SHOOTING LOCATIONS

E, saan sila magsu-shooting?

Bawal mag-shooting sa NCR at CALABARZON o mga karatig-lalawigan na Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Continue reading below ↓

Pati sa Pangasinan at anim na probinsiya ng Central Luzon (Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales) ay may enforced quarantine pa rin.

“Ay, naku! Paano tayo makakapag-shooting? Sa mga pinakamalalayong lugar ang shooting," pakli ni Direk Joel.

Kung sa Ilocos Norte kaya?! Sa Pagudpud, malapit-lapit na sa Laoag na nabanggit sa amin ng direktor.

“Naku, nauna na roon si Armida," tukoy ni Direk Joel sa pumanaw na actress-producer na si Armida Siguion-Reyna.

"Nag-shooting kami roon ng Dung-aw,” napangiting pagbabalik-tanaw ni Direk Joel.

UNFORGETTABLE MOVIE IN LAOAG

Noong 1975 pa ipinalabas ang Dung-aw, na idinirek ni Lino Brocka.

Gumanap dito si Armida o Tita Midz bilang Gabriela Silang.

Ang papel ni Direk Joel sa movie ay si Kulas, kanang-kamay ni Gabriela.

"Tanong sa akin ni Armida, 'Marunong ka bang mangabayo?' Natakot ako, baka pauwiin ako, kaya ang sagot ko, 'Yes, Ma'am!'"

Napasubo si Direk Joel noon.

"Diyos ko! Kailangan kong mag-aral mangabayo. Ang laki-laki ng kabayo nila. Ang laki-laki-laki!" pagmumuwestra pa ni Direk Joel.

Continue reading below ↓

"Ang sakit-sakit ng p*k* ko. Ang sakit-sakit talaga. Pero tiniis ko."

Hanggang sa nag-take na raw sila ng eksena ay pinanindigan na lang ni Direk Joel ang pangangabayo.

"Eto na! 'Shooting na tayo! Action!' Tsug! Tsug! Tsug!

"'Huwag kang mawawala sa tabi ni Armida! Mawawala ka sa frame!' sigaw ni Lino.

"Ambilis-bilis ni Armida mangabayo! Ganun-ganun siya, 'Day! 'Cut! Good!'"

Naloka si Direk Joel na ang kasunod na eksena ay mangangabayo pa rin sila ni Armida paakyat sa burol.

"Hindi pa ako buking-buking noon. 'Action!' Tsug! Tsug! Tsug! Tsug! Pataas, naabot ko! Tsk! 'Cut! Very good!'

"Tuwang-tuwa si Armida," napalakpak pang balik-tanaw ni Direk Joel.

ON RESTRICTING SENIOR CITIZENS

Siyanga pala, ang daughter-in-law ni Armida na si Bibeth Orteza ay nag-shout out sa Facebook nitong Abril 30, Huwebes ng umaga.

Si Bibeth ay misis ni Direk Carlitos Siguion-Reyna.

Hindi rin pabor si Bibeth sa pagbabawal sa senior citizens na lumabas ng bahay sa oras na mapatupad ang modified quarantine.

Continue reading below ↓

Ani Bibeth, "To disallow us seniors from going out even after ECQ is to declare us dead even before we are."

NOEL FERRER

Ay! Kahit sino, puwedeng gumanap diyan sa Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa—ke si Vice man o si Paolo o ang mahal natin na si Kuya Dick!

Pero sang-ayon din ako kay Direk Joel na marami tayong seniors na mas useful citizens pa kaysa sa mga pasaway na kabataan.

Basta, extra precaution lang dapat kapag lalabas ng bahay.

Magsuot ng masks, sundin ang social distancing, at magkaroon ng saktong working hours, senior citizens will survive and deliver.

Teka, teka, sino ba sa atin sa PEP Troika ang senior?

GORGY RULA

Ilang tumbling na lang, kukuha na ako ng senior citizen ID, at mai-enjoy ko na ang 20 percent discount sa mga bilihin.

Iyan ang ikinatutuwa ngayon ng komedyanteng si Shalala na kakakuha lang ng kanyang senior citizen card.

Continue reading below ↓

Pero ang lalong ikinatutuwa ni Shalala, lagi raw sinasabi sa kanyang hindi siya mukhang senior citizen.

Kaya puwede pa siguro siyang lumabas na hindi masisita kung sakali.

Kaya pa raw niyang magtrabaho, basta mag-iingat lang.

Iyan din ang sinasabi ng karamihang nasa showbiz na over 60 years old na, pero puwedeng-puwede pang lumabas at magtrabaho. Mag-iingat lang daw sila.

Pero may ilan namang pabor na sumunod sa quarantine rule na ito, dahil naniniwala silang hindi pa talaga safe lumabas at magtrabaho pagkatapos nitong ECQ.

Pero si Direk Joel ay sobrang bagot na bagot na at gusto nang magtrabaho.

Dahil kahit isa na siyang senior citizen, hindi siya sanay na walang ginagawa.

Tatlong buwan na raw siyang walang trabaho, kaya gusto niyang makapagsimula na kapag nasa General Community Quarantine na tayo.

Himutok niya sa kanyang Facebook account:

"Ako ay Senior Citizen. Pinakikinabangan ako ng lipunan. Kaya ko pang maghanapbuhay.

"Protektahan niyo ako. Marami pa akong magagawa para sa bayan.

Continue reading below ↓

"Huwag gamitin ang aking katandaan para yurakan ang aking karapatang maging MALAYA!"

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino kina Vice Ganda, Paolo Ballesteros, at Roderick Paulate ang bagay na bida sa Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa ni Direk Joel Lamangan?
PHOTO/S: Web / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results