Labor Day events on Facebook: Regal movies streaming, first session of Actors' Cue

by PEP Troika
May 1, 2020
(Kaliwa) Nakipag-live chat ang aktor na si Eric Quizon (kaliwa) bago ang free streaming nng 2004 movie nila ni Kris Aquino na si So Happy Together; (kanan) mamayang gabi ang first session ng Actors' Cue tampok ang award-winning actresses na sina Gina Alajar, Sandy Andolong, Jaclyn Jose, Elizabeth Oropesa, at Lorna Tolentino.
PHOTO/S: Regal Facebook / Adolf Alix Jr. Instagram

GORGY RULA

Humingi ng paumanhin si Eric Quizon sa live chat via Zoom nitong Mayo 1, Biyernes, sa Facebook page ng Regal Entertainment.

Dahil sa technical difficulties ay na-late ang start ng FB live session.

Sa halip na 11:00 a.m. ay mga 11:16 a.m. na iyon nag-start.

Nagkuwento si Eric tungkol sa friendship nila with So Happy Together co-star Kris Aquino.

Aniya, nakasama pa niya noon sa lunch si dating President Cory Aquino, at iba pang kapamilya ni Kris.

Sinagot din ni Eric ang ilang tanong ng netizens.

Continue reading below ↓

Hindi na nakapag-live si Direk Joel Lamangan, na direktor ng movie nina Eric at Kris.

Bandang 11:36 a.m. nagsimula ang streaming ng So Happy Together (2004).

Mamayang 3:30 p.m., mapapanood ang pelikulang You to Me Are Everything (2010, directed by Mark Reyes).

Bago ang streaming, may live chat at question and answer by 3:00 p.m. sa dalawang bidang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ang pangatlong pelikula sa live streaming ay ang I Will Always Love You (2006) nina Richard Gutierrez at Angel Locsin, sa direksiyon ni Mac Alejandre.

6:00 p.m. ang live streaming nito, at magkakaroon din ng live chat at Question and answer nang 5:30 p.m.

Ang malilikom dito ay para sa mga COVID relief programs at para sa frontliners.

Inaasahan ang suporta rito ng fans ng mga bida ng tatlong pelikulang ito, at sana ay masundan pa ng classic films ng Regal.

JERRY OLEA

Ang Mayo 1 ay Labor Day.

Continue reading below ↓

Dati-rati, sa araw na ito ay nagra-rally ang mga manggagawang Pilipino sa Mendiola.

May pa-party noon sa Boracay, ang LaBoracay.

May pagdiriwang din sa San Juan, La Union, ang LaBor Union.

Sandamukal din ang nag-a-Alay Lakad mula Quiapo o Ortigas patungong Antipolo.

Sa panahon ng COVID-19 pandemic at ECQ, waley na ang mga ito.

Naka-house arrest tayo.

At least, puwede nating matunghayan muli ang tatlong Regal blockbusters today.

Samantala, nag-post si FDCP Chairperson Liza Diño ngayong Biyernes ng umaga sa Facebook:

“Today is LABOR DAY.

“I know walang pasok but I am dedicating this day to the staff, crew, performers and all the workers of the AUDIOVISUAL industry who have been severely affected by this Covid-19 crisis.

“Yes I am working, but more like LABOR OF LOVE.

“Mabuhay ang mga manggagawa ng industriya ng audiovisual at pelikula! Saludo ako sa inyong lahat!

“Kakayanin natin 'to basta magkaisa tayo.”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Holiday ang Mayo 1.

Mukha talagang we are on extended holiday.

OK naman iyang streaming ng mga pelikula, at iba pang concerts, programs, and activities.

Aside from Regal, ginagawa rin iyan ng CCP at ibang theater groups.

Kahit na anong fundraiser para sa mga nangangailangan, mainam na suportahan.

Kasi, sa huli’t huli, tayo-tayo rin ang magtutulungan!

JERRY OLEA

Reminder! Ngayong Mayo 1, Biyernesang 8:00 p.m. ang unang session ng Actors’ Cue sa Facebook page ng Extendthelove.

Panelists sina Gina Alajar, Sandy Andolong, Jaclyn Jose, Elizabeth Oropesa, at Lorna Tolentino, with Direk Adolf Alix Jr. as moderator.

Interesting ang talastasan nila bilang mga artista, at interactive ito sa mga manonood.

Continue reading below ↓

Sina Gina, Sandy, at Lorna ay mga bida sa pelikulang Moral (1982, directed by Marilou Diaz Abaya).

Sina Gina at Sandy ay bida sa pelikulang High School Scandal (1981, directed by Gil Portes).

Sina Gina at Jaclyn ay bida sa pelikulang Mulanay: Sa Pusod ng Paraiso (1996, directed by Gil Portes).

Tampok sina Gina at Lorna sa kontrobersyal na Manila By Night aka City After Dark (1980, directed by Ishmael Bernal).

Kasali sina Lorna, Jaclyn, at Gina sa Mano Po 5: Gua Ai Di (2006, directed by Joel Lamangan).

Nagkasama sina Gina at Elizabeth sa Ded Na Si Lolo (2009, directed by Soxie Topacio).

Sina Sandy at Elizabeth ay parehong nasa cast ng Aguila (1980, directed by Eddie Romero).

Tampok sina Gina, Jaclyn, at Elizabeth sa pelikulang Circa (2019, directed by Adolf Alix Jr.).

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Kaliwa) Nakipag-live chat ang aktor na si Eric Quizon (kaliwa) bago ang free streaming nng 2004 movie nila ni Kris Aquino na si So Happy Together; (kanan) mamayang gabi ang first session ng Actors' Cue tampok ang award-winning actresses na sina Gina Alajar, Sandy Andolong, Jaclyn Jose, Elizabeth Oropesa, at Lorna Tolentino.
PHOTO/S: Regal Facebook / Adolf Alix Jr. Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results