Mayor Ina Alegre, nagbunga ang paghihigpit sa Pola, Oriental Mindoro

by PEP Troika
May 1, 2020
Pola, Oriental Mindoro Mayor Ina Alegre on fight against COVID-19: "Hindi namin alam kung ano ang gamot dito. Wala akong sapat na facilities. Kaya talagang sobrang higpit ko. Kapag hindi ko naman hinigpitan, papaano naman ang mga tao kapag mahawa sila o magkasakit?"
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Nananatiling COVID-19 free ang Pola, Oriental Mindoro.

Ito ay ayon sa mayor ng nasabing bayan na si Jennifer Cruz.

Pamilyar sa mga taga-showbiz si Mayor Cruz dahil una siyang nakilala bilang ang dating aktres at film producer na si Ina Alegre.

Sobrang maingat daw si Ina sa Pola dahil wala silang ospital doon.

Hindi raw nila kakayanin sakaling magka-COVID sa kanilang bayan.

“Honestly, wala kaming hospital dito sa aming bayan. Meron lang kaming health center.

"Kaya ganoon na lang ang pag-iingat ko rito," pahayag ng former actress nang nakapanayam namin via Zoom sa radio program namin sa DZRH.

Patuloy niya, “Hindi namin alam kung ano ang gamot dito. Wala akong sapat na facilities.

"Kaya talagang sobrang higpit ko.

“Kapag hindi ko naman hinigpitan, papaano naman ang mga tao kapag mahawa sila o magkasakit?

“Meron tayong provincial hospital, siyempre, nandoon ang ibang may sakit din. E, baka magkahawa-hawa rin.

Continue reading below ↓

“Buti naman, may nagagamot sa provincial hospital.

"Pero dito sa bayan ko, hindi ko kaya."

Base sa 2015 census, ang Pola ay may populasyong 34,701 katao.

Halos dalawang oras pa raw ang biyahe ng provincial hospital mula sa Pola, kaya kung meron mang ma-stroke sa kanila, maaring mamatay bago pa man dumating ng hospital.

Kaya ospital daw ang gustong simulang proyekto ni Ina pagkatapos nitong COVID-19.

Ang Kapamilya actor na si Ejay Falcon ay isa ring taga-Pola, Oriental Mindoro.

Ayon kay Ina, mahal na mahal si Ejay sa kanilang bayam dahil lagi itong nagbibigay ng pamasko at may projects din para sa mga kabataan at senior citizens.

Sabi pa ni Ina, maliit lang ang bayan ng Pola, pero maganda at welcome na welcome daw ang sino mang gustong mag-shooting doon.

Bago nag-ECQ ay nakapag-shooting pa roon sina Gabby Concepcion at Dina Bonnevie ng isang indie film.


Continue reading below ↓

Ngayon ay nasa GCQ o General Community Quarantine na ang Pola, pero naghihipit pa rin si Mayor Ina.

Wala muna raw siyang pinapalabas o pinapapasok sa kanyang bayan.

Meron lang daw siyang in-assign na tagabili o tagapamalengke sa labas ng Pola, para hindi na kailangang umalis ang mga tagaroon.

NOEL FERRER

Sa panahon ngayon nasusukat ang kakayahan ng mga lokal na opisyal.

Kasi, sila ang in touch sa mga tao sa ibaba, sa constituents nila.

Sa mga katulad ni Mayor Ina, suporta ang kailangan niya mula sa kanyang mga kababayan.

Tunay ngang kahanga-hanga ang kanyang reinvention at transformation.

Sana’y ipagpatuloy pa niya ang manilbihan nang mahusay at tapat.

Napag-aaralan at napagsasanayan iyan!

Kakayanin niya iyan, maging bukas lang ang puso niya at isipan, higit sa kung anupaman.

JERRY OLEA

Kapuri-puri si Mayor Ina sa kanyang political will upang pangalagaan ang kanyang constituents.

Noon pa ako naglambing sa discoverer ni Ejay na si Sir Benjie Alipio para marating ko ang Pola, pero dedma ito.

Continue reading below ↓

Aware ako na sa tuwi-tuwina ay nagsi-share si Ejay ng blessings sa kanyang mga kababayan, kaya mahal na mahal siya ng mga ito.

Sana makapamiyesta tayo sa Pola pag waley na ang COVID-19 pandemic!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pola, Oriental Mindoro Mayor Ina Alegre on fight against COVID-19: "Hindi namin alam kung ano ang gamot dito. Wala akong sapat na facilities. Kaya talagang sobrang higpit ko. Kapag hindi ko naman hinigpitan, papaano naman ang mga tao kapag mahawa sila o magkasakit?"
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results