Fuccbois star Kokoy de Santos, tampok sa Boys' Love series with Alex Diaz

by PEP Troika
May 1, 2020
Alex Diaz and Kokoy de Santos star in iWant's Boys' Love series Oh Mando!, directed by Fuccbois director Eduardo Roy Jr.
PHOTO/S: iwant

JERRY OLEA

Kapana-panabik ang BL (Boys’ Love) series ng KoLex na Oh, Mando!.

Ang KoLex ay portmanteau, o blending ng mga pangalan, ng mga bidang sina Kokoy de Santos at Alex Diaz.

Viral si Kokoy nitong mga nakaraang araw dahil sa mga maseselang eksena nila nina Ricky Davao at Royce Cabrera sa Cinemalaya 2019 film na Fuccbois, na pinirata sa YouTube at Facebook, at nagkalat ang videoclips and screenshots sa Twitter, Messenger at Viber.

Ang direktor ng Oh, Mando! ay ang multi-awarded na si Eduardo “Edong” Roy Jr., na siya ring nagdirek ng Fuccbois, Lola Igna (2019), Pamilya Ordinaryo (2016), Quick Change (2013), at Bahay Bata (2011).

Inurirat ko si Direk Edong kung ano ang mae-expect ng mga manonood sa Oh, Mando!, at kung kailan ang streaming nito sa iWant TV.

“Actually, natigil ang shoot on our 4th day dahil sa pandemic. Meron pa kaming five days,” sabi ni Direk Edong nang maka-chat ko nitong Abril 30, Huwebes, via Messenger.

Continue reading below ↓

“Boys’ Love series ito na Pinoy style.

"Ang dating ay light, sweet and full of kilig moments.

“Iyan ang unang gagawin ko kapag na-lift na ang community quarantine.”

Nasa cast din ng Oh, Mando! si Barbie Imperial.

GORGY RULA

Mukhang lalong palalakasin ang iWant TV pagkatapos ng ECQ.

Natutuwa ang ilang producers na may commitment na sa naturang digital platform.

Bongga raw ang bayaran, at ang iba ay fully paid na kahit hindi pa sila natatapos dahil sa pandemic.

Hindi pa ito saklaw ng MTRCB, kaya magiging mapangahas kaya itong BL series ni Direk Edong?

Sa totoo lang, marunong umarte itong si Kokoy de Santos.

Sana mabigyan pa siya ng ibang magandang material, hindi mga temang kabadingan lang.

JERRY OLEA

Kasali rin si Kokoy sa iWant digital series ni Julia Barretto na I Am U, kung saan may bonggang eksena sila ni Ina Raymundo.

Nasa cast din ng I Am U si Yayo Aguila, na tampok din sa Fuccbois bilang hot momma na kahalikan ni Royce Cabrera.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Mukhang magaling at sanay sina Kokoy at Alex sa roles na kanilang ginagampanan kaya, I’m sure, kumportable sila sa pinagsamahang project na ito.

Is this art imitating life or life imitating life?

Para ba itong JLC at Bea na may blurring ng fact and fiction?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Diaz and Kokoy de Santos star in iWant's Boys' Love series Oh Mando!, directed by Fuccbois director Eduardo Roy Jr.
PHOTO/S: iwant
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results