Ai-Ai delas Alas, may fallback na kapag nag-retire sa showbiz

by PEP Troika
May 2, 2020
Ayon kay Ai-Ai delas Alas, ang paggawa ng ube pandesal ay posibleng maging fallback niya sakaling mag-retire na siya sa showbiz.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Sumuko na si Ai-Ai delas Alas sa dami ng order ng ube pandesal sa Instagram account ng Martina’s Pastries.

In-announce niya sa kanyang IG account na hindi muna sila tatanggap ng order dahil hanggang 300 pieces lang ang kaya nilang gawin sa isang araw.

Pero baka Tuesday next week ay bubuksan na raw nila uli ang order.

Kailangan pa kasi nilang tapusin ang mahigit isang libong pirasong ube pandesal na order na may schedule na ng delivery.

“Hindi namin kaya, e. Kami-kami lang kasi, ako, si Sancho, Shanna (asawa ni Sancho), ang bf ng anak ko na si Vince.

“Magandang problema naman ‘to, e. Mabait si LORD,” text ni Ai-Ai sa PEP Troika kahapon, May 1.

Tulung-tulong daw silang lahat, pati ang asawa niyang si Gerald Sibayan.

Hindi raw nila akalaing ganoon karami ang makukuha nilang order.

Pero sabi nga ni Ai-Ai, nagpapasalamat siya dahil natutunan niya itong gawin, kaya hands-on siya rito.

Continue reading below ↓

Masasabing ito na ang fallback ng masipag na aktres sakaling gusto na niyang mag-retire sa showbiz.

“Kaya napakabait ng Diyos, dahil meron agad akong fallback.

"In case, eto na yung pang-retirement plan ko,” dagdag niyang text sa amin.

Pero matagal pa siguro itong pinaplanong retirement ni Ai-Ai dahil marami pa siyang gagawin sa GMA-7 kapag matapos na itong ECQ.

Continue reading below ↓

Ang natitiyak naming gagawin agad ni Ai-Ai ay ang pagbabalik ng The Clash na nasa Season 3.

Nagsisimula na silang magpa-audition online.

Magkakaroon nga ng The Clash reunion live ngayong May 2, Sabado ng 5 p.m., sa The Clash Facebook, Twitter, at YouTube Channel.

Kasama ni Ai-Ai ang kapwa judges na sina Christian Bautista at Lani Misalucha.

Continue reading below ↓

Makiki-jamming sila sa mga The Clash champions na sina Golden Cañedo at Jeremiah Tiangco, pati ang hosts na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

Magbibigay naman ng instruction at tips sina Ken Chan at Rita Daniela kung paano mag-submit ng audition video online.

Sinasabi ni Ai Ai na itong The Clash ang talagang ini-enjoy niyang gawin.

NOEL FERRER

Maging inspirasyon nawa ang ginagawa at pag-acquire ni Ai-Ai ng bagong skill para sa mga katulad nating displaced sa trabaho.

Sana, ma-experience na natin ang ube cheese pandesal ni Ai-Ai kapag nakaluwag-luwag na siyang mag-take ng orders.

Congratulations!!!

JERRY OLEA

E, di ba, si Pauleen Luna ay sumuko rin sa dami ng orders sa kanyang milktea sa kanilang subdivision?

Labor Day kahapon, Mayo 1, kaya makatuturan ang pag-post na iyan ni Ai-Ai sa kanyang ube pandesal na sadyang katakam-takam.

Ang Labor Day hanash naman ni Pokwang sa Facebook: “Kapag mahusay at masipag ka, marami kang trabaho na maaaring mapasukan.

Continue reading below ↓

“Maraming tatanggap sa ‘yo. Tandaan mo, mo iisa lang ang buhay mo pero ang kumpanya, marami iyan at kailangan nila ang kagaya mo!”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Ai-Ai delas Alas, ang paggawa ng ube pandesal ay posibleng maging fallback niya sakaling mag-retire na siya sa showbiz.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results