ALV talents at That's Entertainment graduates, gumawa ng special collab music videos to inspire

by PEP Troika
May 3, 2020
Gumawa ng collab videos ang talents ng ALV (kaliwa) at ang That's Entertainment graduates (kanan) para maghatid ng inspirasyon sa mga kababayan natin sa gitna ng ipinapatupad pa ring community enhanced quarantine
PHOTO/S: Facebook / Instagram

JERRY OLEA

Nagsama-sama ang ALV Women (female talents ni Arnold L. Vegafria) para sa music video ng kantang "If We Hold On Together" na pinasikat ni Diana Ross.

In-upload ito noong Abril 28, Martes, sa Facebook page ng ALV Talent Circuit, Inc.

Kumurot sa aking puso ang partisipasyon dito ni Sylvia Sanchez habang nakaratay sa higaan at nagpapagaling matapos tamaan ng COVID-19.

Tampok din dito sina Aiko Melendez, Sunshine Cruz, Beauty Gonzalez, Pinky Amador, Samantha Lopez, Almira Muhlach, Shaira Diaz, Bernadette Allyson, Ara Arida, Ali Forbes, at Devon Seron.

Continue reading below ↓

“There’s always a ray of hope amid this global crisis,” post ng Ultimate Star na si Aiko Melendez sa FB noong Tuesday morning.

“As proud Filipinos, there’s so much we can do to beat the virus through our own humble efforts, as long as we all hold on together.

“Me and my fellow ALV sistahs came up with this collab video to hopefully lift your spirits and inspire you to make your quarantine break a lil more meaningful and productive.

“Please like or share our anthem of hope and positivity.

“Stay home and save lives!

“We shall overcome!”

Ang video ay in-edit ni Teejay Marquez.

Nagsanib-puwersa rin ang ALV Men (actors, influencers and events hosts) to share their love and good cheer to their fans.

Ni-reprise nina Jinggoy Estrada, ER Ejercito, Monsour del Rosario, Raymond Bagatsing, Joko Diaz, Alvin Anson, Jao Mapa, at RJ Ledesma ang awiting "You" ni Basil Valdez.

Continue reading below ↓

Kasali sa video si Gary Estrada, pero hindi siya kumanta.

In-upload ang music video nitong Mayo 2, Sabado ng tanghali, doon din sa FB page ng ALV Talent Circuit, Inc.

Kaakibat nito ang mensaheng, “Let’s kick off the month of May with positive vibes.

“Hopefully, things change for the better and go back to normal after two weeks.

“Meanwhile, let’s all remember to be disciplined and responsible citizens.”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Isang kakaiba at nakakatuwang effort naman ang ginawa ng mga taga-That’s Entertainment na likha ni Janno Gibbs.

Kasama niya rito sina Manilyn Reynes, Ramon Christopher, Tina Paner, Romnick Sarmenta, Sheryl Cruz, at Keempee de Leon.

That’s Quarantainment!

“Nothing Can Stop Us Now” ang kanta at kitang-kita ang vibe ng kanilang era na kontodo gusto sa pagkanta.

Continue reading below ↓

Isini-share itong video na ito sa mga site ng mga Titos and Titas of Manila.

Nakakatuwa dahil talaga namang talented sila at hindi pilit ang pagkanta.

Meron pang history ang magkaka-love team na na-feature sa naturang video.

I’m sure, marami pang mga creative collabs ang lalabas dahil sa ECQ!!!

GORGY RULA

Nag-reunion. Nagkikita at nagkakausap via Zoom.

Meron nang komunikasyon sa isa’t isa.

Itong pagtitipun-tipon ng mga grupo ng mga artista ay maaaring isa sa mga mensaheng gustong ipahatid nitong pinagdadaanan natin ngayon.

Magsasama-sama muna ang lahat na magkakapatid sa industriya.

Magkaisa at tapusin na siguro ang kung meron mang differences sa isa’t isa bago natin harapin ang bagong normal pagkatapos nitong Enhanced Community Quarantine.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gumawa ng collab videos ang talents ng ALV (kaliwa) at ang That's Entertainment graduates (kanan) para maghatid ng inspirasyon sa mga kababayan natin sa gitna ng ipinapatupad pa ring community enhanced quarantine
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results