Cherry Pie, Mylene, Angelica, may paalala sa taumbayan sa oras ma-lift ang ECQ

by PEP Troika
May 4, 2020
Call Me Tita stars (L-R) Angelica Panganiban, Cherry Pie Picache, Mylene Dizon, Agot Isidro, at Joanna Ampil, magkahalong kuwela at aral ang ibinahagi sa virtual reunion para sa isang online fundraiser.
PHOTO/S: @dreamscapedigital Instagram

GORGY RULA

Kuwela ang huntahan ng titas na bida ng digital series sa iWant TV na Call Me Tita, na sina Cherry Pie Picache, Agot Isidro, Mylene Dizon, Joanna Ampil, at Angelica Panganiban.

Kasama rin nila sina Direk Marlon Rivera at Direk Andoy Ranay.

Nasubaybayan namin sila nitong Mayo 3, Linggo ng gabi, sa Facebook live chat ng iWant TV, Open House, at PhilStage.

Fundraising nila ito para sa mga taga-teatro na nawalan ng trabaho ngayong naka-enhanced community quarantine tayo.

May mga challenges pa sila para lang mapagbigyan ang followers at magbigay ng donasyon.

Pinakanta nila si Joanna ng "Kapag Tumibok ang Puso" na sinayawan nina Angelica at Cherry Pie.

Kinanta naman ni Agot ang hit song niya noong '90s na "Sa Isip Mo."

Sa Mayo 10, Linggo, 8 p.m., ay meron daw sila uling fund-raising via Facebook live chat.

Magkakaroon ng bidding para sa viewers na gustong makaeksena ang titas ng Call Me Tita.

Continue reading below ↓

Ipinaliwanag ni Direk Marlon na ang mananalo sa kanilang bidding ay makakaeksena ang sinuman kina Cherry Pie, Angelica, Agot, Mylene, o Joanna.

Nagbigay sila ng kani-kanyang pananaw sa pinagdaraanan natin ngayon.

Para kay Mylene, malaking bagay na payabungin muli ang local businesses.

Lalo na’t alam daw nating iba na ang takbo ng normal na buhay natin pagkatapos nitong pinagdaanan natin sa COVID-19.

Ani Mylene, “Sana, we support local. Buy local. Use local.

“Hindi naman talaga natin kailangan ng imported. Alam mo, napaka-rich ng Pilipinas, including sa arts, sa entertainment.

“Napakahalaga sa ating lahat na makabangon, at mangyayari lang yun if we support our own.”

Umayon si Angelica sa sinabi ni Mylene.

Nag-suggest din si Angelica na suportahan natin ang local tourism.

“For the last year, 2019, ginawa kong panata na every month aalis ako ng Pilipinas. Punta ako ng iba’t ibang bansa.

“Ngayon, para akong na-feel bad na ginawa ko yun. Bakit ko ginawa sa ibang bansa? Bakit hindi sa Pilipinas? Bakit hindi ko inikot iyung buong Pilipinas?

Continue reading below ↓

“Ngayon siguro ang perfect time din to support local tourism..."

Patuloy ni Angelica, "Siyempre, kating-kati tayo, lumabas tayo ng bahay.

“Kung gusto mo, sana ang una mong gawin, support local muna.

“Tayu-tayo ang magtulungan muna."

Dagdag ni Mylene, “Kasi magiging chain reaction ‘yan, e. Everybody will benefit. The food industry, everything. It’s all interconnected, di ba?”

Ibayong pag-iingat pa rin ang gustong iparating ni Cherry Pie sa lahat sa oras na i-lift ang ECQ sa May 15.

Lalo na't limitado pa rin naman ang kilos ng mga tao pag ipinatupad na ang modified quarantine protocols.

Sabi ni Cherry Pie: “I don’t plan to go out. And really, you know, it's sad. It’s going to be unfortunate…

"Pero sana, medyo kontrolin muna natin iyong excitement natin.

“Sana, let’s still try to stay home, yung social distancing, yung disiplina natin, until we find the vaccine or medicine for it."

Alalahanin daw ng tao na laganap pa rin ang coronavirus, kaya manatali pa rin ng bahay kung wala ring pupuntahang trabaho o essential activity.

Continue reading below ↓

“I don’t think the curve has flattened, e.

"Sana, ipaalala natin yung disiplina sa sarili.

"Sana, yung mga essentials lang muna."


JERRY OLEA

Ang saya-saya rin ng talastasan ng mga batikang aktor sa ikalawang session ng Actors’ Cue nitong Mayo 3, Linggo ng gabi, sa Facebook page ng Extendthelove.

Continue reading below ↓

Binubuyo nina Ricky Davao, Nonie Buencamino, Raymond Bagatsing, at Bembol Roco si Alan Paule na mag-sample ng macho dancing.

Inilunsad kasi si Alan sa pelikulang Macho Dancer (1988), na idinirek ng yumaong National Artist na si Lino Brocka.


Inalala rin nina Alan at Ricky ang panahon na kukunan ang love scene nila sa Ang Lalaki sa Buhay ni Selya (1997) sa Pagudpud, Ilocos Norte.

Continue reading below ↓

Namatayan noon ng anak si Alan, samantalang magsisilang si Jackie Lou Blanco ng anak nila ni Ricky.

Hubo’t hubad daw sila sa rehearsal na nakasampung ulit.

At dahil metikuloso ang direktor nilang si Carlitos Siguion-Reyna, umabot ng 10 takes ang kanilang love scene.

Nakadapa na si Ricky sa papag nang mag-request na maglagay naman ng tuwalyita sa may puwet niya.

Aniya, “Masakit kasi ang mag-plaster.”


Continue reading below ↓

Nagkasama naman sina Ricky at Bembol sa dulang Lihis (Tagalog adaptation ng dulang Bent), kung saan sa poster ay pareho silang walang saplot.

Nag-love scene sila sa entablado na hindi nagdantay ang kanilang mga katawan, at ni hindi sila nagtitinginan.

Siyanga pala, sina Piolo Pascual (Philippines), Ananda Everingham (Thailand), Nicholas Saputra (Indonesia), at Rhydian Vaughan (Taiwan) ang panelists sa ikatlong session ng Actors’ Cue.

Nakatakda ito nitong 8:00 p.m. ng Lunes, Mayo 4, sa Facebook page pa rin ng Extendthelove.

Ang organizer at moderator ng Actors’ Cue ay si Direk Adolf Alix Jr.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Nagtapos ang first season ng Bayanihan Musikahan nitong Mayo 3, Linggo with a fund raising show sa ABS-CBN na "Taumbayan To The Rescue."

Kasama rito sina Ryan "Mr. C" Cayabyab, Louie Ocampo, Martin Nievera, Gary Valenciano, at Lea Salonga.

Marami pang artists ang nakipag-collab, at ang finale ay virtual reunion ng grupo ni Mr. C na Smokey Mountain.

Mukhang magkakaroon pa ng replay ang palabas na ito.

Habang sa Season 2 ng Bayanihan Musikahan, magkakaroon na ng "Recording Labels Night" kapag Monday at "Huntahan" every Friday.

Inaayos pa ang programang ito. Pero sinisiguro nila... Tuloy ang Bayanihan!!!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Call Me Tita stars (L-R) Angelica Panganiban, Cherry Pie Picache, Mylene Dizon, Agot Isidro, at Joanna Ampil, magkahalong kuwela at aral ang ibinahagi sa virtual reunion para sa isang online fundraiser.
PHOTO/S: @dreamscapedigital Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results