Senado, Kongreso, DOJ walang nagawa sa ABS-CBN franchise renewal

by PEP Troika
May 5, 2020
PHOTO/S: ABS-CBN

NOEL FERRER

Cease and desist order against ABS-CBN?

Ngayon pa gayong malaki ang nagagawa nila sa pagtulong sa naapektuhan ng pandemya?

Naisyu ito ng NTC sa kabila ng pagkontra ng Senado at Kongreso, at pagbibigay ng opinyon ng Secretary of Department of Justice.

Wow, ibang klase talaga pag wala ka sa hanay ng Presidente sa isang laban.

GORGY RULA

Hindi pa rin ito nagsi-sink in sa akin kahit makikita ko na sigurong color bars na ang mapapanood sa naturang istasyon.

Mahirap lang ito ngayong aksyunan sa Kongreso dahil 25 lang yata ang puwedeng dumalo sa mga session araw-araw.

Hindi pa nakakasali sa Zoom meeting ang ibang kongresista.

Sana, may kunsiderasyon ngayong naka-ECQ pa tayo at patuloy pang nakatutok sa pagkalat ng COVID-19 at ang ipinapairal na Enhanced Community Quarantine.

JERRY OLEA

Nakakalungkot. Nakakapanlumo. Nakakapanghina.

Hindi na natin malalaman kung ano ang nangyari kay Cardo Dalisay sa FPJ’s Ang Probinsyano?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results