Pamilya ni Peque Gallaga, humihingi ng dasal para sa paggaling ng direktor

May 5, 2020
Humihingi ang pamilya ni Direk Peque Gallaga ng dasal ngayong may pinagdaraanan itong pagsubok.

NOEL FERRER

Sobrang lungkot ko ngayong Mayo 5, Martes ng hapon.

When writer-friend Lualhati Bautista sends you a message like this, you can’t help but tear up:

“Diyos ko, ano ba yan. Itong newsfeed natin, para nang obituwaryo sa dami at dalas ng post tungkol sa mga namamatay. Feeling ko, ang lungkot-lungkot na ng buhay natin.

“Nakaipit ako sa bahay, di man lang makadamay kay Ricky Lee at sa mga naiwan ni Jerry [Ricky's personal assistant of many years].

"Ingat ka rin, Noel.”

And then after that, you get a message that one of your favorite and most loved directors is in ICU right now.

Well, nagbigay ng pahayag ang pamilya ni Peque Gallaga na ipagdasal natin ang mahal nating direktor, at nais nilang maging pribado na lang ang kanilang pinagdaraanan.

Crying, I turned to prayer and said, “Lord, make us survive this PLEASE...”

GORGY RULA

Inaabangan pa naman ang obra nina Direk Peque at Direk Lore Reyes na Magikland, na mahigit dalawang taon na ring ginagawa.

Continue reading below ↓

Tapos na ang principal photography ng naturang pelikula at medyo madugo ang post production nito dahil maraming CGI (computer-generated imagery).

Talagang pinupulido, at buo ang kumpiyansa ng mga taga-Brighlight Productions, na pag-aari ng dating Congressman Albee Benitez, na matapos itong Magikland na pang-international ang quality.

Plano pa nilang ipalabas ito sa grand opening ng ipinatayong theme park na Magikland sa Silay, Negros Occidental.

Nandoon sa theme park ang mga karakter na binuo nina Direk Peque at Direk Lore.

Kaya tulungan natin ang pamilya niya sa pagdarasal na malagpasan ito ni Direk Peque para maging bahagi siya sa grand opening ng Magikland ng kanyang beloved Negros, at sa premiere showing ng kanyang pelikula.

JERRY OLEA

Naglabas ng statement ang pamilya ni Direk Peque para linawing hindi ito comatose, at hindi ito tinamaan ng COVID-19.

Idalangin po natin na malagpasan ng 76-anyos na direktor ang pagsubok na ito sa kanyang kalusugan!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Humihingi ang pamilya ni Direk Peque Gallaga ng dasal ngayong may pinagdaraanan itong pagsubok.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results