Malacañang, nagpasalamat sa serbisyo ng ABS-CBN sa bansa at sa Pilipino

by PEP Troika
May 5, 2020
Malacañang: “We thank the network for its services to the Filipino nation and people especially in this time of COVID-19."

NOEL FERRER

Alinsunod sa utos ng NTC, nag-shut down ang ABS-CBN ngayong Mayo 5, Martes ng gabi.

My #VIRTUALHUGS for today go out to the people, especially my friends whom I have considered family in ABS-CBN.

Kapamilya, WE STAND BY YOU.

And when all these zero in on legalities, ang tanong ko pa rin: Sino ba ang nagkulang at nagpabaya?

WHY DID WE COME TO THIS?

Bakit hindi ba ito naayos agad?

LET US MAKE PEOPLE ACCOUNTABLE and WE WILL NOT FORGET!!!

In the meantime, let us not lose focus. We have a pandemic to attend to!

We have ourselves and the vulnerable sectors to take care of.

IF OUR LEADERS CANNOT HELP & PROTECT US, WE REALLY HAVE TO HELP EACH OTHER.

GORGY RULA

Naglabas na rin ng pahayag ang Malacañang, sa pamamagitan ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Anila, "ABS-CBN is free to exhaust all legal remedies available to it.

Continue reading below ↓

“President Rodrigo Roa Duterte, as a matter of record, accepted the apology of the network and left its fate to both houses of Congress.

"Let the public be informed that broadcast franchises are within the authority of Congress.

"It has discretion on what to do with the legislative franchise of ABS-CBN and other broadcasting companies similarly situated."

May pa-thank you rin ang Palasyo sa serbisyo ng ABS-CBN.

Sabi nila, “We thank the network for its services to the Filipino nation and people especially in this time of COVID-19."

Pero dahil sa wala itong legislative franchise, ang pagpapatuloy ng operasyon ay nakasalalay raw sa desisyon ng NTC.

Na parang hindi naman kapani-paniwala. Dahil napakaliit na opisina nitong NTC kung itatabi sa Malacañang. Ibig sabihin, kung gustuhin talaga ng Palasyo, susunod ang NTC.

JERRY OLEA

Naganap na.

"Vindicated" ba si Jimmy Bondoc?

Ano ang susunod na kabanata?

“Mahihilot” ba ni Senador Bong Go si Pangulong Duterte upang ipagpatuloy ng Kapamilya Network ang pagseserbisyo sa mga mamamayang Pilipino?

Continue reading below ↓

Sabi-sabi noon, mag-aalburoto ang madlang people kapag hindi na nila napanood si Cardo Dalisay sa FPJ’s Ang Probinsyano.

E, umariba ang COVID-19 pandemic.

At ngayon ay sanay na tayong wala na ang teleserye ni Coco Martin.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malacañang: “We thank the network for its services to the Filipino nation and people especially in this time of COVID-19."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results