Betong Sumaya, home alone ngayong quarantine

by PEP Troika
May 6, 2020
Betong Sumaya on solo living in time of quarantine: “Ang pinakamahirap dito, wala kang makakuwentuhan talaga na masasabi mo kung ano yung nararamdaman mo. Wala kang mapag-share talaga na… may mga times na nahihiga ka na, talagang maiiyak ka."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Kahapon, Mayo 5, nagpatawag ang GMA-7 ng online interview kay Betong Sumaya via Google Hangouts.

Sa kalagitnaan ng virtual presser, napaluha ang Kapuso comedian-singer nang napag-usapan kung ano ang nami-miss niya ngayong solo siyang naka-quarantine sa kanyang condo unit.

Hindi ba niya naiisip na dapat meron siyang kasama o katuwang, lalo na ngayong naka-quarantine tayong lahat?

“Sobra ko pong naiisip iyan," pag-amin ni Betong.

"Ako po lahat ngayon, e. Luto, laba, linis, punta ng grocery.

“Ang pinakamahirap dito, wala kang makakuwentuhan talaga na masasabi mo kung ano yung nararamdaman mo.

"Wala kang mapag-share talaga na… may mga times na nahihiga ka na, talagang maiiyak ka.

“Naisip ko ang family ko, sobrang na-miss ko yung family ko.

“So, pinatatag ko talaga ang sarili ko.

“Sige, idaan lang itong lungkot na ito, huwag lang tatambayan. Padaanin mo lang siya.

“Mahirap po, e,” pahayag ni Betong.

Continue reading below ↓

Nasa Antipolo ang pamilya ni Betong. Nandoon ang kanyang ina, ang dalawa niyang kapatid, at ang mga pamangkin na hindi niya mapuntahan gawa ng ECQ.

Mabuti na lang daw na merong social media at iba’t ibang app kaya may komunikasyon sa pamilya at sa mga malalapit na kaibigan at katrabaho.

Pati sa pagkain na dating nagkakasya lang siya sa mga de lata, ngayon ay nai-enjoy niya ang mga pagkaing ipinapadala ng mga kaibigan sa trabaho, gaya nina Paolo Contis, Boy2 Quizon, Kakai Bautista, Geleen Eugenio, at mga taga-GMA News na sina Susan Enriquez, Aubrey Carampel, at marami pa.

“Kasi, sa buong two weeks po yata, nagkaroon po ako ng malalim na relasyon sa mga de lata.

“Sobrang na-attach na ako sa mga sardinas, corned beef, noodles, tuna.

“Pinapaikut-ikot ko lang po iyan.

“Ngayon, nagugulat na lang ako, tinatawag ng guard na may pagkaing iniwan, na pam-five days ko na yun, ha?” natatawang pahayag ni Betong.

Continue reading below ↓

Nagsisimula nang mag-promote si Betong ng first single niya, ang novelty song na pinamagatang "Nang Minahal Mo ang Mahal Ko."

Mapapakinggan ang first single na ito ni Betong sa Apple Music, Spotify, You Tube music, pati sa iba’t ibang Barangay FM radio stations nationwide.

Nai-record ito ni Betong bago mag-ECQ, kaya itinuloy na rin nila itong i-release kahit naka-quarantine na.

Continue reading below ↓

Thankful si Betong sa suporta ng mga kaibigan at katrabaho niya sa GMA-7 na nagda-download nitong kanta niya.

Kakaibang novelty song daw itong "Nang Minahal Mo ang Mahal Ko" na punung-puno ng hugot.

“Ang single na ito ay para sa mga pusong naka-quarantine din dahil sa bigong pag-ibig,” pahayag ni Betong.

JERRY OLEA

Tama, maganda, makabuluhan o naaangkop ba sa COVID-19 pandemic ang timing ng pagpo-promote ni Betong ng kanyang first single?

Makakabusog ba sa mga nagugutom na Pilipino itong kanyang hugot song?

Ang pinagkakaabalahan ng karamihang celebrities ay pagtulong sa mga kababayan, lalo na sa frontliners na isinusuong sa panganib ang kanilang buhay.

Panay-panay ang fundraising activities ng iba’t ibang personalidad.

Tapos, si Betong... sakdal tamis ang ngiti na ibubuhos ang kanyang effort sa promo ng kanyang novelty song?

NOEL FERRER

Out na ba talaga ang first single ni Betong?

Oh well, support natin si Betong lalo pa’t patuloy niyang pinaghuhusayan ang kanyang mga likha.

Continue reading below ↓

In my book, si Betong Sumaya ang puwedeng tawaging counterpart o bagong Jograd dela Torre! Swak!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Betong Sumaya on solo living in time of quarantine: “Ang pinakamahirap dito, wala kang makakuwentuhan talaga na masasabi mo kung ano yung nararamdaman mo. Wala kang mapag-share talaga na… may mga times na nahihiga ka na, talagang maiiyak ka."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results