Edward Barber, binati ng Happy Birthday ang kaibigang si Maymay Entrata

by PEP Troika
May 6, 2020
Edward Barber to Maymay Entrata: "HAPPY BIRTHDAY, MAY and don’t forget that you are #GodsForeverPrincess.”
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Nagbunyi ang MayWard fans nang mabalita nitong Enero 2020 na pagbibidahan ng idols nilang sina Maymay Entrata at Edward Barber ang Pinoy version ng 2015 South Korean TV series na Heart to Heart.

Kaso, sa paglaganap ng COVID-19, at pagpapatupad ng enforced quarantine umpisa noong Marso 15, Linggos, a NCR, naudlot iyon.

Marso 22, Linggo, kabilang sina Maymay at Edward sa humigit-kumulang 100 Kapamilya stars na nagpaningning sa "Pantawid Ng Pag-ibig: At Home Together" concert.

Dahil sa pagsu-Zoom ni Edward, umugong na may ibang dilag na ka-“at home together” ang binata—ang marilag na si L.L.

Abril 5, Palm Sunday, nagpalabas ng joint statement sina Maymay at Edward sa Instagram na hanggang magkaibigan lang sila.

Natsismis kapagkuwan na tinanggal ni Maymay ang lahat ng pictures ni Edward sa kanyang IG.

Kesyo “hell hath no fury like a woman scorned.”

Fake news iyon.

May mga naiwan sila roong mga litrato na magkasama.

Continue reading below ↓

Sa IG ni Edward, may pictures din sila together ni Maymay.

Mayo 5, Martes ng gabi, nagsara ang ABS-CBN.

Goodbye, Heart to Heart?!

Mayo 6, Miyerkules, ika-23 kaarawan ni Maymay.

Nag-post agad ang 19-anyos na si Edward ng litrato ni Maymay sa IG, kalakip ang mensahe mula sa puso:

“Through all the chaos in the World, through all the joy and pain, all the storms brewing in our lives, you are a bright star of Hope.

Continue reading below ↓

“I know things didn’t go how you planned this time. But I know that won’t stop you from smiling.

“Your heart is full of God’s love, and He’s blessed you so you can be a blessing. And that’s what you are.

“God bless you always. Don’t forget that I have your back.

"HAPPY BIRTHDAY, MAY and don’t forget that you are #GodsForeverPrincess.”

Ang komento ni Maymay, “Thank you, Edward, andito lang din ako bilang isang kaibigan mo.”

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Iba na siyempre ang dating niyan sa fans pagkatapos nilang maglabas ng statement na friends lang talaga sila.

Nabawasan na ng kilig, lalo na’t hindi pa alam kung kailan sila mapapanood sa screen.

Pero sa totoo lang, ngayong 23 na si Maymay, ang laki ng iginanda niya.

Sana makabalik agad ang ABS-CBN para maayos na kung ano ang plano ng Kapamilya network sa kanyang career.

NOEL FERRER

Happy Birthday, Maymay!!!

Sa tingin mo, si Edward na ba ang FOREVER mo?

Ang wish ko lang, with all the styling and imaging, you always gear for “authenticity.”

Ngayong lockdown birthday mo —kapag nasa bahay ka—talk to yourself, habang sarado pa lang ang ABS CBN.

Sa laki ng nabago sa buhay mo pre-PBB, it must be good to be back-to-basic again.

Iyon ang gusto naming makita.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Edward Barber to Maymay Entrata: "HAPPY BIRTHDAY, MAY and don’t forget that you are #GodsForeverPrincess.”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results