Direk Peque Gallaga, malaking kawalan sa film industry

by PEP Troika
May 7, 2020
Bago pumanaw si Direk Peque Gallaga ay may naiwan siyang pelikula, ang Magikland.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

NOEL FERRER

Mayo 7, Huwebes ng 3:00 A.M., hindi ako mapakali.

Heto ang huling post ko: “WOKE UP IN THE MIDDLE OF THE NIGHT with your work on top of my headboard. I MISS YOU DIREK!!!

"I’ve been up — texting your closed-in team — my good friends, Direks Lore Reyes and Jo Macasa — wishing we can be in Bacolod to be there for and with you!!!

"HEALING PRAYERS FROM ALL OF US HERE!!! WE LOVE YOU PQ!!!

"#LovePequeGallaga"

Ito ay dahil sa nakuha kong post mula sa pamilya at malalapit na kaibigan kagabi, May 6:


Continue reading below ↓

Just before noon today, May 7, I got a message from Direk Lore:

“Peque is gone. Peque just passed!!!”

I have no words.

Sobrang nakikiramay kami.

Ang hirap sa lockdown, malayo tayong lahat... pero mahal na mahal kita, Direk Peque!!!

Mahal na mahal!!!

JERRY OLEA

Naibalita natin dito noong Mayo 5, Martes, na nasa ICU si Direk Peque, at naglabas ng statement ang pamilya na hayaan sanang maging pribado ang usapin.

Kaya naglabas ng statement ang pamilya Gallaga ay upang linawin na hindi comatose si Direk Peque, na wala itong COVID-19, at para ipagdasal ang kalagayan nito.

Nakarating sa amin nitong Huwebes ng umaga, May 7, na ayaw nang kumain ni Direk Peque, at ayaw na nitong mag-dialysis.

Ganoon pa man ay patuloy natin siyang idinadalangin.

Hanggang nabalitaan natin ang kanyang pagpanaw.

Hiningan namin ng mensahe si Direk Joel Lamangan kaugnay sa pagpanaw ni Direk Peque.

Text ni Direk Joel: “Isang mabuting tao! Isang tunay na artista ang tunay na kahulugan ng salitang ito.

Continue reading below ↓

“Malaking kawalan sa industriyang ito! Mapagmahal sa sining ng pelikula, Tunay na Pilipino!!

“Isang taos pusong pakikiramay sa Pamilya Gallaga!”

GORGY RULA

Nabanggit ko na noon na itong Magikland ang huling obra ni Direk Peque.

Ikinalungkot ng dating Congressman Albee Benitez na hindi naabutan ni Direk Peque ang pagtatapos ng proyektong ito hanggang sa showing.

Proud pa naman daw siya sa proyektong ito.

Hindi lang daw ideya ni Direk Peque ang buong pelikula, kundi pati ang konsepto ng itinayong theme park ni Congressman Benitez na Magikland sa may Silay, Negros Occidental.

“Privilege to have done a movie with him. Great loss in the industry,” text ni Benitez.

Ipinapaabot po namin ang aming pakikiramay sa pamilyang naiwan ni Direk Peque.

Magpahuway ka na Direk.

JERRY OLEA

Andaming memorable films ni Direk Peque!

Manghang-mangha ako sa kanyang Oro, Plata, Mata (1982).

Hindi ko makakalimutan ang mahjong scene matapos maputulan ng daliri si Viring (Lorli Villanueva), at tulaley ang aristokratang si Inday (Fides Cuyugan-Asensio) na ginahasa ng dating katiwala (Abbo de la Cruz).

Continue reading below ↓

Ka-mahjong nila sina Nena (Liza Lorena) at ang liberated na si Dra. Jo (Maya Valdes).


Oo, may breast exposure dito si Maya, at walang saplot si Ronnie Lazaro habang naglulunoy sa batis.

Tumatak din ang papel dito ni Kuh Ledesma bilang diwata, na pinasabog ni Miguel (Joel Torre) ang bungo.

Continue reading below ↓

Di ba, si Imee Marcos sana ang gaganap na diwata?

Wagi ang Oro, Plata, Mata ng anim na tropeyo sa Gawad Urian, kabilang ang Best Picture at Best Director.

Sa “Manananggal” episode ng unang Shake, Rattle & Roll (1984) na iprinodyus ng Athena Films at idinirek ni Peque, wagi si Herbert Bautista bilang best actor sa MMFF 1984.

Ang gumanap na manananggal ay si Irma Alegre.


Continue reading below ↓

Payanig ang kapangahasan nina Anna Marie Gutierrez, Daniel Fernando, at Orestes Ojeda sa Scorpio Nights (1985), isa ring obra ni Direk Peque.


Ibinase rito ang South Korean film na Summertime (2001).

Bonggacious ang symbolism sa menage a trois nina Sarsi Emmanuel, Miguel Rodriguez, at Abel Jurado sa Virgin Forest (1985), isa ring obra ni Direk Peque.

Continue reading below ↓

Mula 1986 ay katuwang na ni Direk Peque si Lore Reyes sa halos lahat ng pelikula.

Matagumpay ang kanilang horror films, gaya ng Hiwaga sa Balete Drive (1988), Tiyanak (1988), Shake Rattle & Roll II (1990), at Aswang (1991).

Ang kanilang Magic Temple (1996) ay topgrosser sa MMFF 1996, at humakot ng awards kabilang ang best director.


Continue reading below ↓

Kabilang pa sa mga pelikulang idinirek ni Peque (katuwang usually si Lore) ay Once Upon a Time (1987), Kid, Huwag Kang Susuko (1987), Isang Araw Walang Diyos (1989), Abandonada (1989), Trese (1990), Adventures of Leon at Kuting (1991), Dugo ng Panday (1993), Darna: Ang Pagbabalik (1994), Batang X (1995), Baby Love (1995).

Kabilang din ang Magic Kingdom: Alamat ng Damortis (1997), Halik ng Bampira (1997), Diliryo (1997), Gangland (1998), Puso ng Pasko (1998), Ang Kabit ni Mrs. Montero (1999), Unfaithful Wife 2: Sana'y Huwag Akong Maligaw (1999), Sa Piling ng Aswang (1999), Pinoy Blonde (2005), Agaton & Mindy (2009), Seduction (2013), Sonata (2013) at T'yanak (2014).

Read Next
Read More Stories About
Peque Gallaga, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bago pumanaw si Direk Peque Gallaga ay may naiwan siyang pelikula, ang Magikland.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results