Keanna Reeves at Pokwang, may birada kaugnay ng ABS-CBN shutdown

by PEP Troika
May 7, 2020
Hindi nagpaawat sina Keanna Reeves (kaliwa) at Pokwang (kanan) sa pagbanat sa mga taong may kinalaman sa pagpapasara ng ABS-CBN at sa mga nagbubunyi dahil dito.
PHOTO/S: Facebook / Instagram

JERRY OLEA

Inusisa ko si Keanna Reeves nitong Mayo 7, Huwebes ng umaga, kung ano ang masasabi niya sa ABS-CBN shutdown noong Mayo 5, Martes ng gabi.

Big winner si Keanna sa Pinoy Big Brother: Celebrity Edition (2006) ng Kapamilya Network.

Naka-chika pa namin siya sa presscon ng teleseryeng Killer Bride (2019) kung saan gumanap siyang ina ni Joshua Garcia.

Ang totoong pangalan niya ay Janet Derecho Duterte, at ang profile name niya sa Facebook ay Keanna Duterte Reeves.

Masugid siyang supporter ni Pangulong Duterte.

Sinabihan namin si Keanna na marami nang personalidad at celebrities — Kapamilya man o Kapuso, maka-Duterte man o hindi — ang nagpahayag ng saloobin kaugnay sa pagpapasara sa ABS-CBN.

Nag-post ang 49-anyos na comedienne ng kanyang insights sa FB ngayong Thursday afternoon.

Ani Keanna, produkto rin siya ng ABS-CBN at kasama siya sa mga nalulungkot.

Apektado siya ng “no work, no pay.”

Naniniwala siyang pansamantala lang ang pagpapasara sa ABS-CBN, at babalik din ito.

Continue reading below ↓

Dagdag ni Keanna, “Simpleng FRANCHISE sinakyan kasi ng pulitika kaya nagkaproblema, kasi kung usaping politika ay hindi talaga pwd tayo magkatugma ng paniniwala kaya tayo nagkawatak watak.

“Sari-saring opinion pero hindi nyo tiningnan yong UGAT ng problema.

“Kayong mga congressman puro lang kayo pabida pero hindi nyo agad ginawa, bakit nag aantay ba kayo ng LAGAY ng panahon?

“Hinayaan nyo munang uminit para kayo ang bida!!!”

Continue reading below ↓

Sumang-ayon si Pokwang kay Keanna, at agad-agad nagkomento:

“TOTOO sis Keanna Duterte Reeves.

"Buti ka pa, pantay ka lang sa paniniwala mo, ‘yung ibang pinalamon ng ABS at binigyan ng magandang break, mga animal, mga AHAS!”

NOEL FERRER

We need to practice SENSITIVITY and COMPASSION sa mga panahong ito, lalo na sa mga nawalan ng trabaho.

Bago ka mag-comment, mangyaring itanong mo sa sarili mo — kung sa iyo sinabi ang comment na iyon, given the context, how will you take it? Makakabuti ba at makakapagpaunlad ba ito sa iyong pagkatao?

I think, maalam na rin ang mga taga-ABS-CBN kung sino ang ie-engage at hindi papatulan na comments at trolls.

Ang susi riyan, CHOOSE YOUR BATTLES!!!

GORGY RULA

Hindi matapus-tapos ang hinaing na maririnig natin mula sa mga gustong sumawsaw sa isyu ng ABS-CBN.

Kung hindi pa ito maaayos sa Kongreso, asahan nating matatagalan pa ang pag-uusap sa renewal.

Dahil sa pagkakaalam ko, hanggang June 4 na lang ang session ng Kongreso.

Continue reading below ↓

Magkakaroon na naman ng recess, at bandang third week of July na sila babalik kasabay ng SONA ni President Rodrigo Duterte.

Sana, magkaroon ng linaw itong inaayos na provisional franchise na maaaring ibigay ng NTC.

Kaya balikan natin ang totoo at mas malaking problema.

Kahapon ay 320 ang nadagdag sa mga nag-positive sa COVID-19.

Ngayon ay 339, kaya umabot sa 10,343 na ang COVID cases sa bansa.

Ang record ng mga gumaling ay 1,618 na at 685 ang pumanaw.

Sa ganitong record, palagay ninyo, hanggang Mayo 15 na lang talaga ang Enhanced Community Quarantine?

Nadagdag ang 11,000 workers ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho.

Pero naniniwala akong kaya pa nilang kumain at makaka-survive pa sila.

Kung maaayos agad sa NTC at posibleng mabuksan uli ang naturang network ay back to work na sila.

Mas marami pa rin ang gutom na, nagtitiis na pumila, magbilad sa init ng araw para makakuha ng Social Amelioration Fund mula sa DSWD.

Continue reading below ↓

May mga pamilya pang namatayan ng mahal sa buhay dahil sa COVID-19.

Meron ding namatayan dahil sa walang ospital na tatanggap at walang pandeposito.

Sila muna ang ating damayan, at sana ay merong maiabot na tulong sa kanila kahit kakapiranggot lang.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi nagpaawat sina Keanna Reeves (kaliwa) at Pokwang (kanan) sa pagbanat sa mga taong may kinalaman sa pagpapasara ng ABS-CBN at sa mga nagbubunyi dahil dito.
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results