Apat na dahilan kung bakit di dapat mabagot sa bahay ngayong May 8

Ang Huling El Bimbo: The Hit Musical, may free streaming sa YouTube.
by PEP Troika
May 8, 2020
Kabilang sa mapapanood online ngayong Biyernes, May 8, (mula kaliwa) ang performance ni Odette Quesada para sa Bayanihan Musikahan; ang free streaming ng Ang Huling El Bimbo: The Musical, ang fifth session ng Actors' Cue; at ang first part ng 12 Days To Destiny.

JERRY OLEA

Stay safe. Stay at home.

Ngayong Mayo 8, Biyernes, more and more ang mga showbiz ganap online.

UNA, sa Facebook page ng Bayanihan Musikahan, may live concert today sina Odette Quesada (10:00 A.M.) at Grace Nono (9:00 P.M.).

This is to provide food and health protection packs for the urban poor reached by Samahan ng Nagkakaisang Pantawid Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IKALAWA, streaming ng Ang Huling El Bimbo: The Hit Musical ngayon at bukas (48 oras) sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment, at Facebook page ng ABS-CBN Network.

Minsan lang ‘to, kaya ‘wag mong palampasin.

Beneficiary rito ang "Pantawid ng Pag-ibig" program ng Kapamilya Network.

IKATLO, ikalimang session ng Actors’ Cue mamayang 8:00 P.M. sa Facebook page ng Extendthelove.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Panelists (in alphabetical order) sina Jason Abalos, Gerald Anderson, Arjo Atayde, Enchong Dee, Martin del Rosario, at Sid Lucero.

“This fund-raising event will benefit our displaced film workers affected by the quarantine,” sabi ng organizer at moderator na si Direk Adolf Alix Jr.

IKAAPAT, premiere ng part 1 ng pelikulang The Next 12 Days mamayang 8:00 P>M. sa YouTube channel ng Blade Auto Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sequel ito ng 12 Days To Destiny, at bida rito sina Mary Joy Apostol at Akihiro Blanco. MaKi!

Makipanood po tayo sa pelikulang handog sa lahat ng frontliners!

Idinirek ito ni CJ Santos, at kasama sa cast nito sina Xander Pineda, Carissa Viaje, Jansen Altamirano, Bridge Martin, Stacey Balagtas, Ella Calderon, at May May Jackson.

GORGY RULA

Kaya walang dahilan para mabagot ka sa bahay!

Simula ngayong umaga pa lang ay makiki-throwback ka na sa mga awitin ni Odette Quesada.

Mamayang gabi naman ay malamang mas maraming viewers itong mga nasa huling henerasyon na mga aktor.

Nasilip ko na sa Facebook kagabi ang Huling El Bimbo, at ilan nga sa mga nagkokomento ay inaasahan pa rin nilang matuloy ang musical ng Tabing Ilog.

NOEL FERRER

Mamaya, sa aking Level-Up radio program, dahil walang mga seremonyang graduation o kahit na anong end-of-the school year event, magkakaroon ako ng isang episode na dedicated sa mga estudyanteng magtatapos ng pag-aaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama rito sina Vice President Leni Robredo; si Fr. Jett Villarin, na magtatapos na ang term bilang presidente ng Ateneo; at si Quiel Quiwa, ang magtatapos na Ateneo Student Council President na tumanggap ng Loyola School Award for the Arts (Theater Performance).

Makakasama rin namin in a rare performance ang nagre-reunion na grupong III Of A Kind, na sina Annie Nepomuceno, Edward Granadosin, at Gelo Francisco, with their immortalized acapella rendition of “Man In The Mirror.”

Kasama rin si Joey Benin ng Side A with his “I Believe In Dreams,” at si Odette Quesada na kakanta ng nakasanayang graduation song na “Farewell.”

Mamayang 3:00 P.M. ito sa Radyo Katipunan at Inquirer 990 TV.

Day 55 ng ating quarantined lives—tuloy ang buhay!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sa mapapanood online ngayong Biyernes, May 8, (mula kaliwa) ang performance ni Odette Quesada para sa Bayanihan Musikahan; ang free streaming ng Ang Huling El Bimbo: The Musical, ang fifth session ng Actors' Cue; at ang first part ng 12 Days To Destiny.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results