Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Ang Huling El Bimbo musical sa YouTube, naka-3M views in less than 2 days

by PEP Troika
May 9, 2020
Mainit ang pagtanggap ng mga netizens sa streaming ng Ang Huling El Bimbo musical sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment at sa Facebook account ng ABS-CBN.
PHOTO/S: PR

JERRY OLEA

Ayon kay Kingson Sian, presidente ng Resorts World Manila, mahigit 150,000 tao ang nanood ng original OPM musical na Ang Huling El Bimbo mula nang ma-open ito dalawang taon na ang nakaraan sa Newport Perfoming Arts Theater.

Palabas ang hit musical sa loob ng 48 Oras—umpisa Mayo 8, Biyernes, 12:01 a.m. hanggang Mayo 9, Sabado, 11:59 p.m.—sa YouTube account ng ABS-CBN Entertainment at sa Facebook account ng ABS-CBN Network.

As of May 9, Saturday, 2:00 p.m., naka-3M views na ito sa YouTube at 1.6M views sa Facebook.

May BABALA bago ipalabas ang musical na hango sa mga awitin ng Pinoy rock band na Eraserheads, “The show contains some graphic scenes and themes that may not be suitable for young audiences. Parental Guidance is advised.”

Bilang tagahanga ng Eraserheads, ilang beses akong napaluha sa panonood nito. Gustung-gusto ko ang pagkakagamit ng awiting "Pare Ko" sa pagsasanay sa ROTC.

Andiyan ang kontrobersyal na “t*ng in*” at “nab*b*r*t.” Sa radio version ng "Pare Ko" na entitled "Walang Hiyang Pare Ko," pinalitan ang mga iyon ng “lang hiya” at “naiinis,” kung tama ang pagkakaalala ko.

Continue reading below ↓

Siyempre pa, andito rin sa musical ang mga kantang "Ligaya," "Tindahan ni Aling Nena," "Overdrive," at "With A Smile."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang pangunahing babaeng karakter ay si Joy, at pinangalanan niyang Ligaya ang kanyang anak.

Nagtatrabaho si Joy sa karinderya na Toyang’s.

Makawasak-puso ang pag-awit nina Gian Magdangal (bilang Hector, taga-media), OJ Mariano (bilang Emman, taga-gobyerno), at Jon Santos (bilang Anthony, mayamang negosyante) sa kantang "Ang Huling El Bimbo":

“Lumipas ang maraming taon/ Di na tayo nagkita/ Balita ko'y may anak ka na/ Ngunit walang asawa

“Tagahugas ka raw ng pinggan sa may Ermita/ At isang gabi'y nasagasaan sa isang madilim na eskinita “Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw/Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw...”

NOEL FERRER

I saw it when it was first mounted. It got even better when it was restaged. Nang mapanood ko ulit, ngayon online—ibang experience—pero nandoon pa rin ang ganda ng music ng Eraserheads at ang husay ng mga arrangement ni Myke Salomon!

Continue reading below ↓

This airing online is made more meaningful dahil sa tulong na maibibigay nito sa Pantawid ng Pag-ibig program ng ABS-CBN. Bravo!

JERRY OLEA

As of May 9, Saturday, 12:00 n.n. ay 2.8M views na ang Ang Huling El Bimbo sa YouTube, at #1 Trending topics.

Puwede pa ninyo itong mapanood online hanggang 11:59 p.m. mamaya!

“Theater has a power to elevate and enhance the soul, at mas kailangan natin iyan, lalo na sa panahon ngayon,” sabi ni Kingson Sian bago simulan ang streaming ng nasabing hit musical.

“Dahil hindi tayo puwedeng pumunta sa teatro, inihahatid namin sa inyo ang palabas na ito na nagpapakita ng galing at talento ng mga Pilipino...”

Pinasalamatan ni Kingson ang cast at creative team, at ang ABS-CBN na katuwang ng Full House Theater Company upang maipalabas online ang Ang Huling El Bimbo.

Dagdag ni Kingson, “Higit sa lahat, salamat kay Ely, Raimund, Marcus at Buddy para sa kanilang musika na naging bahagi na ng ating mga buhay.”

Continue reading below ↓

Sina Ely Buendia, Raimund Marasigan, Marcus Adoro, at Buddy Zabala ang members ng Eraserheads.

GORGY RULA

Minahal ng sambayanan ang mga awitin ng Eraserheads.

Karamihan ay hindi nagkaroon ng pagkakataong mapanood ito sa entablado kaya mabuti na lang at napanood na ito sa YouTube at Facebook.

Pinag-usapan ito noon na isasapelikula sana ng Star Cinema. Matutuloy pa kaya?

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mainit ang pagtanggap ng mga netizens sa streaming ng Ang Huling El Bimbo musical sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment at sa Facebook account ng ABS-CBN.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results