Andrea Torres flattered sa sinabi ni Derek Ramsay na "siya na" ang babaeng pakakasalan

by PEP Troika
May 10, 2020
For Andrea Torres' 30th birthday, may three gifts itong natanggap mula sa boyfriend na si Derek Ramsay.
PHOTO/S: @ramsayderek07 on Instagram

GORGY RULA

Isang kulay pink na golf putter ang birthday gift ni Derek Ramsay kay Andrea Torres, na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Mayo 4, Lunes.

Pero hindi lang iyun ang nagpasaya sa birthday ng dalaga. May video greetings kasi na inihanda si Derek kasama ang pamilya niya, close friends, pati ang manager ng aktor na si Joji Dingcong.

"Sobra akong na-touch. Hindi ko talaga in-expect na meron siyang gagawing ganun,” ang nakangiting pahayag ni Andrea nang nakapanayam namin sa DZRH noong Biyernes, Mayo 8 ng gabi.

“Naiyak talaga ako, kasi, miss na miss ko na sila, iyong family niya, iyong mga kaibigan namin. Nakaka-touch talaga. Kasi, nagkataon din, mga one week bago ako mag-birthday…siguro, birthday blues na rin, saka sa mga nangyayari, parang down na down ako, siguro, sa mga nakikita ko sa news.

"Mas malakas iyong dating sa akin, iyong gift na iyon na may ginawa siyang video. 'Tapos, nagpadala pa siya ng cake,” dagdag niyang pahayag.

Continue reading below ↓

andrea torres birthday cake

Flowers ang design ng birthday cake na ipinadala sa kanya, kasi wala raw mabilhang bulaklak si Derek para sa kanya.

Natuwa rin siya sa putter ng golf na dagdag regalo dahil nakahiligan na rin niya ang golf mula nang sumasama siya kay Derek tuwing naglalaro ito.

Continue reading below ↓

“Ako lang yata ang may putter na pink,” pakli ni Andrea.

Hindi niya napigilang kiligin nang hiningan namin siya ng reaksiyon sa sinabi ni Derek na 100 percent sure na siyang si Andrea ang babaeng makakasama niya sa kanyang buhay.

“Nakakakilig, siyempre. Kasi, iyon talaga ang goal mo, di ba? Na hindi na kayo maghihiwalay, na kayo na talaga hanggang pagtanda.

“Sobra naman akong na-flatter doon,” sabi niya.

“Iba talaga. Nag-standout talaga itong relationship na ito. Kung gaano siya kagaan, kung gaano siya… alam niyo, pag nag-uusap nga kaming dalawa, parang planado ni Lord. Ang gaan talaga. Ang dali-dali, ganun.

"Hindi kami kailangang mag-effort para pumasok ng iba’t iba. Parang lahat na activities namin, lahat na nangyayari, okay lang talaga,” dagdag niyang pahayag.

JERRY OLEA

Patuloy ang pamumukadkad ng kanilang pag-ibig sa panahon ng pandemya. Sana, all.

NOEL FERRER

Dahil tumagal na ang quarantined lIfe natin, at nasa 57th day na tayo, dalawa lang ang puwedeng kapuntahan ng mga relasyon—either magiging mas matatag pa sila dahil nakikita nila na lalong bumubuti ang kanilang samahan o mauuwi sa pagtatalo at pag-aaway at baka after ECQ ay humantong sa hiwalayan.

Continue reading below ↓

Bukod sa tulong pinansiyal, maganda ring malaman na may efforts ang Opisina ng Ina ng Bayan, Vice-President Leni Robredo, para sa Mental Health ng mga kababayan natin.

May mga partner organizations silang tumutulong sa mga nakararanas ng mental health problems sa gitna ng pandemya.

Alarming actually ang data ng pagtaas ng mga kaso ng abuse ngayong ECQ. Buti na lang, hindi kasama at kabaligtaran ang nangyayari kina Derek at Andrea.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For Andrea Torres' 30th birthday, may three gifts itong natanggap mula sa boyfriend na si Derek Ramsay.
PHOTO/S: @ramsayderek07 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results