Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Ang Huling El Bimbo cast, overwhelmed sa mainit na pagtanggap ng netizens

by PEP Troika
May 11, 2020
Gab Pangilinan on Ang Huling El Bimbo's very successful run on YouTube: “It’s just been a crazy 24 hours, and ahhm, we’re all just so grateful...”
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Lumampas sa 7M views ang streaming ng OPM musical na Ang Huling El Bimbo nitong Mayo 8 at 9, Biyernes at Sabado, sa YouTube at Facebook.

“Nasa alapaap pa rin kami dahil sa inyong suporta!” post ng Full House Theater Company sa Facebook nitong Mayo 10, Linggo ng gabi.

“Pero back to earth muna tayo dahil marami pa ring nangangailangan ng tulong.

"Kaya extended ang donation period for ABS-CBN Foundation’s Pantawid Ng Pag-ibig program hanggang May 15.

“Donations accepted until 11:59 PM for online or mobile banking, GCash and PayPal transactions, and banking hours (Manila Time) for over the counter transactions.”

BDO at BPI ang mga bangko na donation channels.

In-upload noong Sabado sa Facebook page ng Full House Theater Company ang insights ng cast members ng Ang Huling El Bimbo, partikular ang kanilang panawagan para sa donasyon.

As of May 11, Monday, 12:00 NN, naka-110K views si Gab Pangilinan na gumanap bilang Joy Manawari, samantalang naka-30.2K views si Bibo Reyes na nakakasilaw ang kili-kili bilang young Hector Samala.

Continue reading below ↓

Nakangiting pahayag ni Gab, “It’s just been a crazy 24 hours, and ahhm, we’re all just so grateful...”

Sabi naman ni Bibo na balbas-sarado, “I would just like to say from the bottom of my heart, from the bottom of all our hearts, thank you!

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Your response has been tremendous, overwhelming. I can’t even begin to describe how amazing the past couple of days had been...”

Bakas sa mukha ni Bibo ang matinding kasiyahan. Hindi raw nila inaasahan na ganoon katindi ang magiging response ng mga tao.

Nang itanghal ang musical umpisa two years ago sa Resorts World Manila, umabot sa 150,000 ang nanood dito.

Dagdag ni Bibo, “I know na baka sa inyo, maliit na bagay lang ang pagla-like, pagtu-tweet, pagse-share, all your fanarts, all your memes, everything...

“Pero napakalaking bagay po nun for all of us, kasi nakakataba po ng puso.

"And that’s your... thank you for sharing that love, for that generosity. It’s amazing!”

Continue reading below ↓

Samantala, 25.5K views si Boo Gabunada (young Emman Azarcon); 21.6K views ang scene-stealer na si Shiela P. Francisco (Cha Dely); 19K views ang guwaping na si Giob Rodriguez (Andre Antonio aka Pangga), na kasama sa ensemble ng All-Out Sundays sa GMA 7; 14.9K views si Phi Palmos (young Anthony Cruz); 13.8K views ang mahusay na si Jamie Esteva Wilson (Councilor Arturo Banlaoi); 13.6K views si Reb Atadero (alternate as young Hector Samala); 11.9K views si Tanya Manalang (alternate as young Joy Manawari); 10K views si Lance Reblando (alternate as young Anthony Cruz); 9.7K views si Vic Robinson (alternate as young Emman Azarcon and Andre Antonio); 8.1K views si OJ Mariano (Kuya Emman Azarcon); 7.7K views si Alexa Salcedo (Ligaya); 7.3K views si Menchu Lauchenco-Yulo (Joy Manawari); 6.7K views si Jon Santos (Anthony Cruz); 6.2K views si Giancarlo Magdangal (Hector Samala); at 6K views si Carla Guevara-Laforteza (alternate as Joy Manawari).

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Ang ganda lang at maraming tumatangkilik sa mga ganitong pagtatanghal online.

At nakakatulong pa ang mga manonood sa mga nangangailangan nating mga kababayan.

Sana, kapag naibalik na ang live performances, suportahan pa rin ito ng mga tao—at hindi hanggang online lang!

GORGY RULA

Mukhang magtatagal pa ito ang quarantine sa Metro Manila. Kaya abangan na lang natin ang mga susunod pang musical na puwede pang ipalabas online.

Ibinalita ng Cinema Bravo nitong Mayo 10, Linggo, sa Facebook na ang hit stage musical na Changing Partners ay malapit nang magkaroon ng limited online streaming soon!

Bida sa musical play sina Agot Isidro, Jojit Lorenzo, Sandino Martin, at Anna Luna. Book, libretto at music ni Vincent A. DeJesus ang musical play, sa direksyon ni Rem Zamora.

May film version ito.

Sana, marami pang mga puwedeng magbigay ng donasyon sa fund-raising projects, kahit pahirap nang pahirap na ang buhay natin.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gab Pangilinan on Ang Huling El Bimbo's very successful run on YouTube: “It’s just been a crazy 24 hours, and ahhm, we’re all just so grateful...”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results