Judy Ann Santos, super blessed at 42; James Reid, may birthday greeting mula kay Nadine Lustre

by PEP Troika
May 11, 2020
Sina Judy Ann Santos at James Reid, parehong nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong May 11. At 42, nababalanse ni Judy Ann ang happy married life at successful career. Birthday boy na si James, happy rin kaya ang love life?
PHOTO/S: @ryan_agoncillo / @james Instagram

NOEL FERRER

Ang ating TeleSerye Queen na si Judy Ann Santos-Agoncillo ay nagdiriwang ng kanyang 42nd birthday ngayong Mayo 11, Lunes.

Dahil nasa Enhanced Community Quarantine pa rin tayo, malamang tulad noong wedding anniversary nila ng asawa niyang si Ryan Agoncillo ay magse-set up lang sila ng dinner sa labas ng bahay nila.

Kasi, may space sa tapat nilang lote.

Juday is really maximizing lahat ng puwede niyang gawin lalo na ngayong lockdown.

She has been doing all sorts of things—from doing face masks to coordinating donations para sa mga personal protective equipment (PPEs), at pagpe-prepare ng pagkain para sa frontliners.

Game na game rin siyang nagpakita sa online programs naming Level Up, pati na yung kay Raymond Isaac, kay Suzi Abrera, at nitong huli, kay Jericho Rosales.

Napanood din siya sa Eat Bulaga ng GMA-7, sa Magandang Buhay ng ABS-CBN, at sa radio show ng Magic 89.9.

Hindi ko alam kung ano na ang kahihinatnan ng gagawin niya dapat na pelikula na life story ni Mother Lily Monteverde with Erik Matti as director.

Continue reading below ↓

I’m sure, habang nilu-look forward ni Juday ang pagbabalik-trabaho muli, ine-enjoy rin niya ang panahon na ito para sa kanyang pamilya.

Sabi nga ng kanyang asawang si Ryan Agoncillo, ito ang pinakamahaba nilang panahong magkasama talaga at walang ibang lakad.

And they’re really happy spending time together with their family.

They’ve become more prayerful and they truly enjoy eating and working out together.

Ang secret naman nina Juday at Ryan as a couple, they make it a point na may ME-time sila.

And at the end of the day, meron sila laging bagong napag-uusapan.

Mula rito sa PEP Troika, happy birthday, Juday!!!

GORGY RULA

Happy birthday, Judy Ann!

Masipag si Juday. Alam kong hahanapin pa rin niya ang umarte sa TV o sa pelikula.

Pero mukha namang hindi siya mababagot kahit naka-ECQ at pansamantalang nakasara ang ABS-CBN.

Marami siyang pinagkakaabalahan—mapa sa kanyang pamilya o sa mga negosyo nila ni Ryan.

Continue reading below ↓

Samantala, buhay na buhay ngayon ang fans nina James Reid at Nadine Lustre (JaDine).

Ngayong Lunes , May 1, ipinagdiwang nila ang 27th birthday ni James Reid.

Nagti-trend ngayon ang hashtag na "#James27REIDyYears" at ang "#JamesReid" sa dami ng netizens na bumabati sa kanya.

Bandang huli ay trending na rin ang "#Nadine."


Continue reading below ↓

Marami sa JaDine fans ang nagbunyi.

Lalo na nang mag-post si Nadine sa kanyang Instagram ng throwback photo nila ni James na nasa bundok at nakatalikod nakaupo.

Sila pa rin kaya?

Maganda ring may bago tayong mapapanood sa dalawang ito.

Puwedeng magkaroon sila ng collaboration sa Careless Music Manila.

Marami pa rin silang fans na patuloy na sumusuporta sa kanila.

Continue reading below ↓

Happy birthday na rin kay James Reid!

JERRY OLEA:

Heartearming ang Facebook post ni Jeffrey Santos para sa bunsong kapatid na si Juday.

Takbuhan daw nila ang isa't isa sa panahon ng lungkot at ligaya.

“We never forgot the promises we made to each other done during times that we had no idea where we were headed.

“We always had each other's backs, held each other's hand and together rose to the occasion even when the chips were down.

“You've been blessed and you were never greedy, you've always shown compassion and was always there ready to give a helping hand."

Proud brother din si Jeffrey dahil saksi raw siya sa lahat ng accomplishments ni Juday sa buhay.

“I'm so proud of who you are not only as my sis but more so to who you are in the eyes of God.

“You've made your own set of promises to yourself and from where I'm standing you've probably done most of them already.

Continue reading below ↓

“Don't stop setting the example and raising the bar in whatever you do."

Sa huli, pinaalala ni Jeffrey na lagi raw siyang maaasahan ng Kapamilya actress.

“We are always here to stand by you and hold your hand in return if need be. HAPPY BIRTHDAY BUNSO! Love you much!”

Ligtas na Kaarawan, Young Superstar!

Advance happy birthday naman sa original Superstar na si Nora Aunor!

Kaugnay sa kanyang 67th birthday, tampok si Nora bilang Lola Doc sa Mayo 21, Huwebes, 6:00 P.M., sa YouTube channel ng Tanghalang Pilipino.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina Judy Ann Santos at James Reid, parehong nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong May 11. At 42, nababalanse ni Judy Ann ang happy married life at successful career. Birthday boy na si James, happy rin kaya ang love life?
PHOTO/S: @ryan_agoncillo / @james Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results