Beth Tamayo, nanghinayang na hindi naging sina Judy Ann Santos at Rico Yan noon

by PEP Troika
May 11, 2020
Kahit naka-based na sa Amerika, hindi pa rin nakakalimot ang dating aktres na si Beth Tamayo na batiin ang best friend na si Judy Ann Santos sa kaarawan nito.
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER

"Thank you, Juday, for your friendship. Sorry for not being there physically with you—during your milestones: your wedding, your 40th, book launching, basta you know that I am with you in spirit."

Ito ang mensahe ni Beth Tamayo sa kaibigang si Judy Ann Santos, na nagdiriwang ng kanyang 42nd birthday ngayong araw, May 11.

Continue reading below ↓

Nakausap namin si Beth sa aming Instagram Live kanina.

Kasalukuyang nasa San Francisco, California, si Beth.

Office girl siya roon. Pero, like all of us under this pandemic, work from home din siya.

Maraming nakakatuwang anecdote si Beth recalling her friendship with Juday.

Hindi pa raw sila close noon sa That’s Entertainment.

Naging close daw talaga sila ni Juday noong ginawa nila ang Esperanza.

And from there, naging tag-team na sila.

Noong sina Juday at Wowie de Guzman, parang high school lang daw na naghahanap ng adventure ang dalawa.

Kasama ng kuya ni Juday na si Jeffrey Santos, nagha-hiking sila sa mga bundok at iyon na ang bonding nilang magdyowa.

Nothing more than those adventures, hindi na nag-level up.

Iba itong kay Ryan Agoncillo.

Kasi, Juday experienced yung kalma at normal na buhay.

Yung sa gitna ng pagod sa taping, hindi kailangang maghanap ng gimik. Pinapahinga ni Ryan si Juday from work.

Continue reading below ↓

Kasi, iyon ang ginagawa naman talaga kapag pagod sa kakatrabaho.

“Juday had more confidence sa sarili niya because Ryan is able to open possibilities that she can do and excel in. At tayo ang cheering squad niya,” sambit ni Beth.

May nagtanong kung naging si Juday ba at ang yumaong aktor na si Rico Yan.

“Sayang, hindi. Kasi, may malaking hadlang!” sagot ni Beth, sabay tawa nang malakas na may kasama pang hagikgik!

Ngunit bumalik kay Beth ang pangangantiyaw dahil tinukso siya ni Juday sa isang dati niyang leading man at mabuting kaibigan.

“Sayang, kasi noong nag-aaya siya noon, taga-Malabon ako noon, malayo ako.

"Hindi naman ako taga-QC o Mandaluyong o Makati.

"So, in between tapings, ang hirap nang lumabas at gumimik pa,” ani Beth.

Dagdag niya, “At noong holidays lang, noong may party kina Deo [Endrinal], nagpadala si Juday sa akin ng picture nga ni Raymart [Santiago]. Sayang, hindi lang natuloy.”

Continue reading below ↓

By that time, free si Raymart, walang commitment, paano siya?

Birong sagot ni Beth, “Yun lang, depende, puwedeng maging free. Chikkkka!”

Sabi ko, “Tingnan natin kung magpapadala diyan ng sardinas.”

“Masarap nga raw sardinas niya. We’ll see!” pa-joke time na punchline ng best friend ni Juday.

JERRY OLEA

Noong nakatira pa si Beth sa Malabon, pinagtagpo sila ni Raymart, pero hindi itinadhana.

Ngayong nasa Amerika na si Beth, hopia at asado pa ba tayo?

Aba, malay natin kung pagdating ng tamang panahon, mag-conspire ang mga planeta at bituin sa universe.

“You can never can tell!” 'ika nga ng isang sikat na artista.

GORGY RULA

Ang active ni Beth sa social media kaya parang lagi siyang visible sa showbiz, lalo na't marami siyang kaibigang movie press.

Siyanga pala, minsan, may napo-post siyang may partner siya noon na kasama niya sa pagtakbo.

Single na ba uli siya ngayon?

E, si Raymart ba? Parang committed na siya sa iba, e.

Continue reading below ↓

Tahimik siya pagdating sa love life. Basta ang mahalaga, happy sila, may partner man o wala.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit naka-based na sa Amerika, hindi pa rin nakakalimot ang dating aktres na si Beth Tamayo na batiin ang best friend na si Judy Ann Santos sa kaarawan nito.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results