Streetboys member Spencer Reyes, bus driver na ngayon sa Scotland; nagbalik-tanaw sa love team with Ice Seguerra

by PEP Troika
May 12, 2020
Spencer Reyes on former loveteam partner Aiza/Ice Seguerra: “Minahal ko siya as a friend, kasi lagi kaming magkasama nun, e. Nagkaroon ng konting nadi-develop, pero alam mong lalaki siya, at mabibigo ka lang.”
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Nakapanayam namin si Spencer Reyes sa aming radio program sa DZRH via Zoom nitong Mayo 11, Lunes ng gabi.

Si Spencer ay miyembro ng dating sikat na dance group na Streetboys.

Nasa Scotland na siya ngayon kung saan nagtatrabaho siya bilang bus driver.

Doon sa United Kingdom, mataas pala ang propesyon ng isang bus driver dahil mahirap ang pagdadaanan mong tests bago ka matanggap sa trabaho.

Ang United Kingdom ay binubuo ng England, Scotland, Wales, at Northern Ireland,

Kuwento ni Spencer, 2008 siya pumunta ng England kung saan nag-aral siya ng Nursing.

Taong 2014 siya lumipat ng Scotland, kasama na ang kanyang asawa at tatlong anak.

Nag-aral siya ng Electrical Engineering, Heating, at Plumbing sa isang vocational school doon.

Pagkatapos ay nag-apply siya bilang bus driver.

Dumaan muna raw siya sa maraming pagsubok bago natanggap sa trabaho.

Kuwento ni Spencer, “Napakahirap pumasok as bus driver.

"You need to do some examinations. Kasi, may license dito sa kotse.

Continue reading below ↓

“Pag pumasa ka doon, merong tinatawag nilang Theory and Hazard.

"Pag pumasa ka doon, magsi-celebrate ka talaga.

"Kasi, aaral ka talaga ng makapal na libro.

“Then, nagka-idea ako… nagpasa ako as bus driver, hindi agad ako kinuha.

“Kailangan, kumuha ako ng another license for bus.

“I need to study again for almost six months, review again."


Continue reading below ↓

Patuloy niya, "Kailangang maipasa mo yung Hazard and Theory, tapos another… almost 10 na online tests na mapasa mo yun.

“Pag hindi mo mapasa isa doon, hindi ka magiging bus driver dito.

“Saka dapat okay ang memory."

Kailangan daw na alam mo ang pasikut-sikot dahil isang beses lang ituturo ito.

"Hindi ganun kadali," sabi pa ni Spencer.

Halos dalawang taon na siyang bus driver, kung saan mga tour bus ang minamaneho niya.

Kaya kabisado na raw niya ang halos kabuuan ng Scotland.

Ngayong naka-lockdown ang Scotland, dahil sa tumataas ang kaso ng COVID-19, tuloy pa rin ang trabaho ni Spencer.

Naghahatid daw siya ngayon ng frontliners sa mga hospital.

Kuwento niya, “Essential ako dito, e... nagda-drive ako ng bus.

“Kailangan kong magdala ng mga nurse sa hospital, e.

“Ako yung naghahatid ng mga nurse na nagtatrabaho sa hospital.

“Naka-mask, naka-PPE, makapal yung glasses ko… everytime na sumasakay ako.

"Kasi, yung bus namin, merong wall na glass, which is safe.

Continue reading below ↓

“Every ano… sina-sanitize yun, e... pati mga... lahat, hawakan.”


Aminado si Spencer na miss na miss na niya ang showbiz, lalo na ang pagsasayaw.

Naiimbitahan daw siya sa ilang activities ng mga Pinoy community, kasama ang isa pang kapwa Streetboys member na si Michael Sesmundo.

Continue reading below ↓

Ang napangasawa ni Michael ay kapatid ng asawa ni Spencer.

“Parehas kaming natuhog, kaya nandito kami lahat.

“Happy family talaga, kasi at least, kasama ko isang taga-Streetboys din,” masayang kuwento ni Spencer.

May YouTube channel si Spencer na Sphencer Reyes, kung saan halos araw-araw ay nagbibigay siya ng update doon.

May Instagram, Facebook at TikTok account siya, kung saan doon siya sayaw nang sayaw dahil sa sobrang pagka-miss sa showbiz.

NOEL FERRER

Nakakatuwa ang kuwento ni Spencer.

Magandang halimbawa ito na magsikhay at magsipag ka sa ibang bansa, makakahanap at makakahanap ka ng maayos na trabaho.

So, hindi siya hosto sa Japan, at wala siya sa Amerika.

Nandoon siya sa lugar na gustung-gusto natin Gorgy—ang UK.

Maganda ring malaman na nagkaka-communicate pa rin sila ng dati niyang ka-love team na si Ice Seguerra.

Ayon kay Spencer, nilalambing-lambing lagi niya noon si Ice, pero suntok at sapak daw ang inabot niya.

Continue reading below ↓

“Habang nilalambing ko siya nun, lagi niya akong sinusuntok, sinisikmuraan.

"Pero tinitiis ko lang. Sabi ko, sige na, e, love team lang naman.

“Talagang sisikuhin ako niyan, sinusuntok niya ako.

"Kasi, lagi ko ‘yan hinahalikan sa pisngi, e."

Pagtatapat pa ni Spencer, “Minahal ko siya as a friend, kasi lagi kaming magkasama nun, e.

"Nagkaroon ng konting nadi-develop, pero alam mong lalaki siya, at mabibigo ka lang.”


Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Frontliner noon si Spencer ng Streetboys na mina-manage ni Direk Chito Roño.

Nag-away noon sina Spencer at Direk Chito dahil sa pera, pero na-realize ni Spencer na tama pala ang dating manager.

Ayon kay Spencer, “Kasi, noong bata ako, siya mismo ang naghahawak ng pera namin, e.

"Which is I’m happy, I’m proud na siya ang naghawak.

"Dahil kung hindi, baka ubos na ang pera namin.

“At least, natuwa ako dahil sa sobrang ano niya… doon nag-away kami dahil sa tinatanong ko sa kanya about sa pera, gusto ko makuha lahat pera ko.

“Pero ayaw niya talagang ibigay. Doon ako nagalit.

"Siyempre, bata ako nun, e.

“Now, I realized na tama ang ginawa sa akin ng manager ko.“

Saksi ako sa pagdisiplina ni Direk Chito sa mga alaga, na pamilya ang turing sa kanila, kaya matibay ang kanilang samahan.

Nakakatuwang halos araw-araw silang nagkakausap via Zoom or video chat ng kapwa Streetboys na sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, at Danilo Barrios.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Spencer Reyes on former loveteam partner Aiza/Ice Seguerra: “Minahal ko siya as a friend, kasi lagi kaming magkasama nun, e. Nagkaroon ng konting nadi-develop, pero alam mong lalaki siya, at mabibigo ka lang.”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results