Make-up artists, hairstylists, stylists, at ekstra maaapektuhan sa Modified ECQ

by PEP Troika
May 12, 2020
Direk Joel Lamangan on fate of TV/movie industry during modified ECQ: “Walang katiyakan ang hanapbuhay natin! Nakakaloka, di ba? Parang walang plano sa atin. Kasi, ang mga construction worker, puwede nang bumalik. Ang mga driver, ang spa, ang salon, puwede na silang bumalik. Tayo, walang kasiguraduhan. Kailan pa tayo babalik?”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Maraming make-up artists, hairstylists, wardrobe stylists, at ekstra sa TV at pelikula ang mawawalan ng trabaho sa ilalim ng New Normal o Modified ECQ.

Bilang paghahanda sa balik-shooting ng mga tagapelikula ay pinag-usapan ng iba’t ibang guild ang kani-kanilang protocol upang matanto kung sinu-sino lang ang kailangan sa set.

“Dati, more or less ay 200 ang tao sa set ng sinu-shoot kong pelikula,” kuwento ni Direk Joel Lamangan nang makausap namin nitong Mayo 11, Lunes ng gabi, sa Makati City.

“Mahirap mag-shooting ngayon, e. Parang ayaw na nilang mag-shooting.

“Seventy [70] people lang ang kailangan sa loob ng set — kasama na ang mga artista, kasama na ang driver, kasama na ang crew, kasama na ang barangay tanod, catering.

“Sitenta! Sitenta lang!

“Bawal na ang maraming ekstra.

"Ang pinakamaraming ekstra lang, sampu. Sampu lang.

“Ang make-up artist, isa lang.”

Ang nag-iisang make-up artist ay magme-make up sa lahat ng artista sa set, at siya na ring mag-aayos ng buhok ng mga ito.

Continue reading below ↓

Hinaing ni Direk Joel sa sitwasyon ng mga taga-showbiz, “Walang katiyakan ang hanapbuhay natin! Nakakaloka, di ba?

“Parang walang plano sa atin.

“Kasi, ang mga construction worker, puwede nang bumalik.

"Ang mga driver, ang spa, ang salon, puwede na silang bumalik.

“Tayo, walang kasiguraduhan. Kailan pa tayo babalik?”

Hirit ni Direk Armand Reyes, na kasama namin nang mga sandaling iyon, ang pelikula ay hindi necessity sa panahon ng COVID-19 pandemic.

“Bakit naman? Necessity din!

"Kailangan din namang ma-entertain ang tao sa gitna ng dusa!” maigting na bulalas ni Direk Joel.

“Malolokah na sila pag walang ganoon, di ba?”

Aba! Wala na ngang ABS-CBN!

GMA-7 na lang ang pagpapalabasan ng mga drama series.

“Saka Channel 5!” saad ni Direk Joel.

“Ang PTV 4, gagawin nang commercial. Lalagyan na ng mga teleserye.

“Noon pa ‘yan in-announce, na gagawin na ring commercial entity na eklay.

“Pero sabi nila, meron daw isang grupo... who will be interested in buying the franchise of ABS-CBN.”

Continue reading below ↓

May naituro noon na korporasyong magte-take over sa Kapamilya Network, pero nag-deny ito.

After a certain duration, puwede na bang i-take over ng gobyerno ang isang TV network kapag hindi ito nakapag-renew ng franchise?

“Yes. Kaya nga. Di ba?” mapait na pagngiti ni Direk Joel.

NOEL FERRER

At habang hinihintay ang pagbabalik ng ABS-CBN sa ere, merong lumabas na announcement tungkol sa isa na namang Laban Kapamilya forum.

Kabilang sa maglalabas ng hinaing at saloobin nsna Angel Locsin, Angel Aquino, Angelica Panganiban, Jodi Sta. Maria, Enchong Dee, Shaina Magdayao, at Jaime Fabregas.

Pakikinggan natin ang kanilang mga punto na, sana, lumampas sa NTC ruling lang.

Mas malawak kasi ang ginagalawan ng isyung ito.

GORGY RULA

Pinaghahandaan na rin ng mga artista ang tinatawag na "bagong normal."

Noong nakausap namin si Betong—nang pinu-promote niya ang kanyang single na "Nang Mahalin Mo ang Mahal Ko"—ikinuwento niyang bumili siya ng scooter.

Gagamitin daw niya ito pagbiyahe mula sa condo na tinitirhan niya sa Quezon City papunta sa trabaho.

Continue reading below ↓

Madalas ay sa GMA-7 lang siya kaya madali lang at kakayanin ng scooter.

Nasa pamilya raw niya kasi sa Antipolo ang sasakyan nila, at madalas ay nagga-Grab siya pagpasok ng trabaho.

Pero ngayon ay parang natatakot na siyang sumakay sa ibang sasakyan.

Marami na raw pag-iingat ang gagawin, gaya ng social distancing sa taping, at hindi na rin daw siya lalabas kung wala namang kinalaman sa trabaho.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Joel Lamangan on fate of TV/movie industry during modified ECQ: “Walang katiyakan ang hanapbuhay natin! Nakakaloka, di ba? Parang walang plano sa atin. Kasi, ang mga construction worker, puwede nang bumalik. Ang mga driver, ang spa, ang salon, puwede na silang bumalik. Tayo, walang kasiguraduhan. Kailan pa tayo babalik?”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results