Kim Domingo, dinedma ang text messages ng "peppery" hunk actor

by PEP Troika
May 13, 2020
Nagbukuhan ang Bubble Gang girls na sina Valeen Montenegro, Chariz Solomon, Arra San Agustin, Lovely Abella, Faye Lorenzo, at Kim Domingo tungkol sa kanilang unpleasant dating experiences. Si Kim, dinedma raw ang text messages ng hunk actor na hiningi ang number niya.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

GORGY RULA

Kuwela ang huntahan ng Bubble Gang girls sa "Ladies Room Pasok Na!"

Natutukan ko ito noong nakaraang Lunes, Mayo 11, sa YouTube channel na ng YouLOL, at meron din sa Facebook account ng GMA Network.

Sina Chariz Solomon at Lovely Abella ang tumayong moderators.

Kasama sa masayang tsikahan nila sina Valeen Montenegro, Arra San Agustin, Faye Lorenzo, at Kim Domingo.

Ang saya ng mga ibinahagi nilang experiences sa mga naka-date at nakarelasyon nilang boys.

Nagkuwento si Faye na may naka-date siyang mabaho ang paa kaya sobrang na-turn off siya.

May naka-date naman daw si Valeen na nakita kung paano sagutin ng lalaki sa phone ang nanay nito na parang hindi nirerespeto.

Na-turn off din siya, kaya deadma na siya sa lalaking yun.

May naka-date naman daw si Chariz na non-showbiz guy, na pagkatapos ng date nila ay hinayaan daw siya ng lalaking maglakad papasok sa bahay dahil sa sobrang traffic.

Continue reading below ↓

Na-experience naman daw ni Lovely na mahuli ng MMDA habang may ka-MOMOL sa kotse.

Aliw ang kuwentuhan nilang walang kapreno-prenong ibinahagi sa lahat ng nakatutok.

KIM AND THE "peppery" HUNK ACTOR

May game din kung saan kailangan nilang sagutin kung may na-experience ba silang ganoon.

Isa sa mga tanong ay kung meron na ba silang nabasted na artista.

Nagtanong si Kim Domingo kung basted na rin bang mako-consider yung hiningi ang phone number niya, pero hindi niya sinasagot kapag tini-text siya.

Sabi nina Chariz, hindi pa iyon masasabing basted.

Naintriga sila kung sino itong aktor na dinedma ni Kim ang text messages.

Kuwento ni Kim, “Nag-guest na siya dati sa Bubble, hiningi yung number ko, ibinigay ko naman.

“Nung nag-text siya sa akin, hindi ko siya sinagot, kasi parang…”

Hindi madiretso ni Kim na hindi niya type si aktor na may pagka-hunk pa naman.

Naintriga ang Bubble Gang girls kung sino ang aktor—kung guwapo raw ba ito at sexy.

Continue reading below ↓

Sinagot naman ni Kim sa private chat nila kung sino itong aktor.

“Ah okay!” reaksiyon ni Chariz.

“Di ba, peppery siya?” naaalangang tanong ni Valeen.

"Peppery," as in "paminta" raw si aktor.

Hirit naman ni Lovely, “Ah! Yung puwede siya sa kemirot, puwede rin sa kemirat?”

Siyempre, kinalkal ko kung sino yung na-message ni Kim sa private chat nila.

Ang dating, parang matagal na nilang pinagdududahang may bahid talaga itong si hunk actor.

Sa tingin ninyo, mga ka-Troiks, pang-"kemirot" at pang-"kemirat" nga ba itong si aktor?

Ang daming naaliw sa "Ladies Room" na tsikahan ng Bubble Gang girls.

Umabot na ng 34K ang views nito sa You Tube at 116K views sa Facebook account.

NOEL FERRER

Hindi ba, matagal na rin nating pinagdududahan ang hunk actor na ito?

Actually, mas star—or starlet pa nga yata itong taong ito.

Sa tagal na niyang nabibigyan ng mapanghamong roles, may pagka-Christmas ham pa rin siya.

Continue reading below ↓

Oh well, kung ano man siya, it doesn’t really matter.

Mas achievable pa nga, di ba? Hehehe!

Pero sana, gumaling naman siya sa pag-arte niya.

O baka kaya hindi niya mailabas ang tunay niyang saloobin kaya may balakid sa kanyang “authenticity”?

Good luck!

JERRY OLEA

Balita natin, sadyang mailap si Kim Domingo sa mga aktor na nagpapahaging, nagdi-DM (direct message), o nagtatangkang pumorma sa kanya.

Kaya hindi na tayo nagtaka kung hindi man lang maka-first base itong hunk actor, na bagay magbida sa isang BL series.

Looking forward tayo sa mas pasiklab na chikahan at revelations ng Bubble Gang Girls!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagbukuhan ang Bubble Gang girls na sina Valeen Montenegro, Chariz Solomon, Arra San Agustin, Lovely Abella, Faye Lorenzo, at Kim Domingo tungkol sa kanilang unpleasant dating experiences. Si Kim, dinedma raw ang text messages ng hunk actor na hiningi ang number niya.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results