Viral memes ng "Law ng Classroom" ni Kim Chiu, isang uri ng cyberbullying?

by PEP Troika
May 14, 2020
Mga malapit na kaibigan at katrabaho ni Kim Chiu, umalma sa kumakalat na pangyuyurak sa "Law ng Classroom" quote ng aktres.
PHOTO/S: @chinitaprincess Instagram

JERRY OLEA:

Masustansya ang Korean side dish na kimchi.

Sabi-sabi, nagpapalakas ito ng immune system, kaya makabubuting kainin sa panahon ng pandemya.

May kakaibang sustansya naman si Kim Chiu.

Ang “Law ng Classroom” niya sa Facebook Live na Laban Kapamilya noong Mayo 8, Biyernes ng gabi, ay viral.

Taob ang paghihimutok ni Coco Martin!

Andaming gumawa ng music videos, memes, Tiktok videos, parodies at kung anu-ano pa gamit ang "Law ng Classroom."

Nagpiyesta man ang trolls, ipinagtanggol si Kim ng mga nakakakilala at nagmamahal sa kanya.

Kabilang ang mga katrabaho niya sa teleseryeng Love Thy Woman na sina Direk Jerry Lopez-Sineneng, Christopher de Leon, Zsa Zsa Padilla, Sunshine Cruz, Ruffa Gutierrez, Xian Lim, at Eula Valdez.

Love Thy Kim Chiu!

Ang katukayo niyang si Kim Atienza, na gaya niya ay may palayaw ring Kimmy, nananatili ang pagmamalasakit at pagmamahal sa kanya.

Hindi lang mga taga-showbiz ang nagtanggol kay Kim Chiu. Maging ang kaibigan niyang ICU hospitalist sa St. Luke’s Medical Center na si Hannah T. Bernardino, may mensahe nitong Mayo 12, Martes ng gabi sa Facebook.

Continue reading below ↓

Ani Hannah, “To all the haters, trolls or people just having a laugh at the expense of KIM CHIU, being cyberbullies without even recognizing it.

“Just because it’s so easy to post and share just about anything on social media, doesn’t mean you should, especially without really thinking about how mean and cruel your words are.

“Kim is one of the most popular celebrities in the country. She has 8.5 Million followers on Instagram, 1.6 Million on Twitter, 1.55 Million on YouTube.

“And yet, she is one of the warmest, kindest, sweetest people I know. She has no air of superiority around her, so easy going, so unassuming. And she has the biggest heart.

“She may not have reached the same level of education as some of us. She doesn’t have masters or a doctorate degree. But she still has way more influence than any of us.

“She may have said some things the wrong way.

Continue reading below ↓

"But she is allowed to be emotional and passionate about the things she cares about.

“What happened was unimaginable for her. The network who made her who she is, opened doors for her, gave her her career, was shut down by the government.

“The whole country was affected. How much more people who are actually part of the company?

“We are so quick to react if a celebrity bashes a doctor online. But is it different if it’s the other way around? Making fun of celebrities who we think are ‘nagpa-bright2x’ or saying ‘Kim, undangi na ang cge tiktok ug exercise nimu kay imuha ginapanulti wa na namao...’ is just as bad.

“You think you’re just having a laugh, right? Maybe think some more.”

Pinasalamatan din ni Hannah si Kim sa ipinadala nitong vitamins para sa medical frontliners kontra COVID-19.

NOEL FERRER:

I feel for Kim at ang ipinaglalaban niya.

Continue reading below ↓

On hindsight though, napagtanto na kaya niya at ng handlers niya kung paano sana naiwasan ang ganoong backlash?

Hindi sana sumuong sa giyera na hindi handa, o panghawakan sana nang mas mahigpit ang emosyon?

Truly, there are a lot of lessons to be learned here.

But again, I feel for Kim and I stand by press freedom!

The bashers will always be bashers. They will meet their karma sooner!

GORGY RULA:

Dito talaga nakita kung gaano ka-creative ang mga tao sa isang pagkakamali ni Kim.

Kung anu-ano na ang naisip at nagawa nila.

At the height of the issue, may kanta na ang lyrics ay ang viral statement ni Kim Chiu.

May Tiktok video pang sinasayawan na ito ni Coco Martin.

Nakakaawa si Kim sa ginawa nilang ito.

Kapuri-puri si Kim na hinarap niya ito at inamin niyang may bahagi ng kanyang pahayag ang hindi niya naipaliwanag nang maigi.

Isang taga-ABS-CBN ang nakausap ko kahapon at nagtatanong kung sino ba ang dapat magsalita para mapakiusapan ang netizens na maging considerate at tigilan ang paglalaro sa kamalian ng ating mga artista.

Continue reading below ↓

Hindi ko kasi alam kung tama bang nagagamit nang husto sina Kim, Coco at iba pang celebrities para lang makaipon ng maraming likes at followers.

Parang napaka-unfair.

Pero sa kabilang banda, magsisilbing leksyon na rin ito sa ating kilalang celebrities na mag-ingat sa mga sasabihin kung kulang pa sa kaalaman sa isyung pinag-uusapan.

Higit sa lahat, huwag na siguro munang magsalita kung punung-puno ka ng emosyon, lalo na kung galit ka.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mga malapit na kaibigan at katrabaho ni Kim Chiu, umalma sa kumakalat na pangyuyurak sa "Law ng Classroom" quote ng aktres.
PHOTO/S: @chinitaprincess Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results