"Acting workshop" ni Paolo Contis sa anak nila ni LJ Reyes, bentang-benta sa netizens

by PEP Troika
May 15, 2020
LJ Reyes on daughter Summer: "Very responsive na kapag kinakausap mo, may response talaga. Before pa siya mag-one [year old]… yung mga pinu-post dati ni Pao na video, very responsive siya. Ang dali niyang maka-adapt kung ano yung sinasabi sa kanya, ang dali niyang maka-comprehend."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Kinatuwaan ng netizens ang huling post ni Paolo Contis sa kanyang Instagram account kung saan may pa-acting workshop siya sa anak nila ni LJ Reyes na si Summer.

Tumatango si Summer habang binibigyan siya ng instruction ni Paolo sa eksenang iyakan na gagawin nila.

Kinantahan ni Paolo ng kantang "True Colors" ang bagets, maya-maya ay napalahaw na ito ng iyak.

Nang sinabi ni Paolo na “Cut!” ay tumigil na si Summer sa pag-iyak at humalik sa Papa niya.

Continue reading below ↓

Umabot ng mahigit 5,000 comments ang post ni Paolo.

Tuwang-tuwa si LJ Reyes nang nakatsikahan namin sa DZRH nitong Mayo 14, Huwebes ng gabi.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Aniya, stress-reliever nila si Summer.

One year and four months pa lang ang anak nila, pero ang bilis daw nitong turuan at nakitaan na nila ng hilig sa pagsasayaw.

“Nauna pa nga siyang sumayaw bago maglakad,” pakli ng Kapuso actress.

Pero itong pa-acting workshop ni Paolo sa kanilang anak ay talagang nakaka-entertain sa kanya.

Kuwento ni LJ, “Si Summer kasi, very responsive na kapag kinakausap mo, may response talaga.

“Before pa siya mag-one [year old]… yung mga pinu-post dati ni Pao na video, very responsive siya.

"Ang dali niyang maka-adapt kung ano yung sinasabi sa kanya, ang dali niyang maka-comprehend."

Pati ang mommy ni LJ na nasa New York ay aliw na aliw kapag ka-video chat nito si Summer.

Continue reading below ↓

Masyado pang maaga, pero nakitaan nang puwedeng mag-artista si Summer.

Sabi ni LJ, “Ang gusto ko sana na makapag-establish sila ng education nila privately.

"Kung gusto talaga nila, at yun talaga ang calling nila, nandito lang kami para suportahan siya.

“I think they will be exposed.

"Pero as parents, gusto din namin ma-experience nila ang normal na papasok sila sa school… yung mga ganun po, na kahit papaano po, matikman nila yung private life.

“Pero hindi po namin sila pipigilan kung ano talaga ang gusto nila.”

Meron na ring YouTube channel si Paolo, na in-announce niya sa kanyang Instagram account.

Malamang na pawang kadramahan nila ni Summer ang ipu-post niya rito.

ALALAY KAY NANAY

Samantala, sa gitna ng pag-aalaga sa mga anak niyang sina Aki at Summer, pinagkakaabalahan din ni LJ ang mga project nilang mga young moms—ang Alalay kay Nanay.

Tuluy-tuloy ang kanilang fundraising dahil mahigit 200 mommies and babies na raw ang nabigyan nila ng cash assistance mula sa mga nakuha nilang donasyon.

Continue reading below ↓

Ang dami na raw nagpaparating ng mensahe mula sa mga nanay na humihingi ng tulong para sa kanilang anak.

Ayon kay LJ, “Humihingi lang po kami ng understanding sa aming mga mommy na medyo mabagal lang po ang pagpapadala namin.

"Kasi kami lang po talaga ang gumagawa at ilang oras lang po kami nakapagtrabaho.

“Sobrang dami po talaga ang nagpadala sa amin ng message.

"At sinasabi nga po namin na isa-isa po namin binabasa ito, kaya medyo mabagal lang po talaga yung proseso.”

Sa mga gustong magbigay ng donasyon para sa Alalay Kay Nanay, puwedeng i-deposito sa BDO account no. 2460001084 o sa BPI 1640002235.

JERRY OLEA

May mga mema at walang patawad sa pang-ookray kay Summer dahil sa mga ipinu-post nina Paolo at LJ.

Siyempre, bilang mga magulang, nasaling ang damdamin nina Paolo at LJ.

Gusto lang daw nilang i-share ang mga masasayang moments ng anak nila sa followers at supporters.

Continue reading below ↓

Saad ni LJ, “Hindi po maiiwasan yun na meron talagang hindi magaganda ang nasasabi, kasi we live in a free country naman na lahat po tayo ay entitled to our own opinion.

“Sana lang po, sana... pakiusap namin na kung meron kayong hindi magandang nasasabi, huwag niyo na lang sabihin.

“Sabihin niyo na lang sa katabi ninyo o sa kaibigan niyo, huwag niyo na lang ilagay sa comments.

"Lalo na po pag bata, huwag naman po.

“The best way talaga most of the time ay i-ignore.

"Kasi, ang mahirap po, nasa mundo tayo na talagang nasa public ang ating life, very open.

"So, open din tayo sa lahat na opinions.

“Puwede tayong makarinig, makabasa ng hindi natin gusto.

"Siguro, the best way talaga is to ignore.

“Kilala naman natin ang ating mga sarili.

"Alam naman natin kung ano ang importante—ang pamilya natin, ang safety natin—and that’s it all that matters.

Continue reading below ↓

“Kung nega ang nag-comment sa ‘yo, bigyan mo ng positive na sagot, baka kung sakali, mabago mo siya.”

NOEL FERRER

Ang galing lang na ang isang bata na katulad ni Summer ang nagpaiba ng takbo ng buhay nina Paolo at LJ, na parehong maligaya ngayon sa kanilang buhay-pamilya.

Sana, ganyan ang epekto ng lockdown sa couples at hindi yung napabalitang nagkakaroon ng hidwaan at abuse.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
LJ Reyes on daughter Summer: "Very responsive na kapag kinakausap mo, may response talaga. Before pa siya mag-one [year old]… yung mga pinu-post dati ni Pao na video, very responsive siya. Ang dali niyang maka-adapt kung ano yung sinasabi sa kanya, ang dali niyang maka-comprehend."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results