Bahay ni Miss Everything sa Western Samar, winasak ng bagyong Ambo

by PEP Troika
May 15, 2020
Kahit sinira ng bagyong Ambo ang bahay niya sa Western Samar, tuloy pa rin ang pagbibigay kasiyahan ng social media sensation na si Miss Everything.
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Sinira ng bagyong Ambo ang bahay ng social media sensation na si Miss Everything—o Ericka Maribojoc Camata—sa Calbayog City, Western Samar.

Ipinost ni Miss Everything sa kanyang Facebook account ngayong Biyernes, Mayo 15, ang litrato ng bahay niyang wala nang bubong at wasak na rin ang pader.

Ang caption niya (published as is): “Our home [breaking heart emojis] We our safe no worrying everyone"

Continue reading below ↓

Naka-post pati ang TikTok niyang nagsisigaw siya sa taas ng bubong ng sira na niyang bahay.

Caption naman niya: “No mattering what always strong [strong emoji] Keep safe everything [cry emoji]”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Noong Huwebes ng hapon, May 14, ay nag-Facebook live pa siya habang sinisira na ng malakas na hangin ang kanyang bahay.

Continue reading below ↓

Nasa caption nito: “Hai everything! Keep safe there to all and everything will be fine [cry emoji].”

Tiniyak ni Miss Everything sa kanyang followers na wala silang dapat ikabahala dahil ligtas daw siya at ang kanyang pamilya.

Lalo pang natuwa ang fans nito dahil sa kabila ng bagyong dumaan sa kanilang lugar, patuloy pa rin siyang nagpapasaya sa TikTok.

NOEL FERRER

Patuloy ang pagbayo ng bagyong Ambo sa atin, at naantala ang broadcast natin kanina.

Signal Number 2 na tayo sa Metro Manila at inaasahan ang kasagsagan nito ay mula 10:00 P.M. hanggang 1:00 A.M. daw.

Ano pa kaya sa lugar nina Miss Everything sa Samar na kasama sa sentro ng bagyo?

May COVID na, may Ambo pa. Quota na tayo sa kalamidad.

Matinding kapit lang, mga kababayan!

JERRY OLEA

Maigting ang hiyaw ni Miss Everything, “Babalikan ko kayo! Ipatitikim ko sa inyo ang impyernong ipinakita ninyo sa akin!”

Low-risk ang Eastern Samar sa COVID-19, pero noon pa man ay binabayo na ang lalawigan ng bagyo.

Continue reading below ↓

Dagdag na anunsiyo: Hindi tuloy ang “big Friday special” concert ng Bayanihan Musikahan ngayong Friday night, na tatampukan sana ng mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Post ng Bayanihan Musikahan sa kanilang Facebook page:

“Due to power fluctuations tonight, May 15, the Bayanihan Musikahan program is postponed to Wednesday May 20.

“Thank you for your incredible support, and the warmth with which you have welcomed Bayanihan Musikahan into your homes and hearts.

“Please stay safe. There's a storm tonight, but like the pandemic itself, let us meet it with care and the bayanihan spirit!”

Continue reading below ↓

Si Martin Nievera, nag-announce sa Facebook nitong Biyernes: “Hello people ‘In the House!’ All you Quaran-twinners! We have decided to go off air tonight because of typhoon Ambo.

“Please stay safe and let’s pray for our brothers and sisters in the path of this storm.

“Hopefully tomorrow will be a better day for all. I love you all! Be safe!”

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit sinira ng bagyong Ambo ang bahay niya sa Western Samar, tuloy pa rin ang pagbibigay kasiyahan ng social media sensation na si Miss Everything.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results