Yayamaning aktor, nagkomento ng "How idiotic!" sa himutok ng controversial actor

by PEP Troika
May 15, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

NOEL FERRER

Hindi ako makapaniwala sa nasagap kong balita.

Habang naghihimutok ang isang kontrobersyal na aktor noong Mayo 8, Biyernes, sa isang Facebook forum ay nagkomento raw nang pabalang ang isang yayamaning aktor.

Sinabi nito, "How idiotic!"

Dahil hindi ako makapaniwala, hindi ko agad makuha ang tinuran ng yayamaning aktor sa isang chat group, na kumalat na rin sa mga kaibigang Kapamilya.

Nagkaroon ng hidwaan ang dalawang aktor mahigit walong taon na ang nakalilipas.

Magkaiba man ang kanilang paniniwala sa politika, sana ay magkaisa sila alang-alang sa kanilang home station.

JERRY OLEA

Pinag-awayan noon ng dalawang aktor ang isang gandarang aktres.

Ang “love triangle” na iyon ay binarubal at tinarantado ng tadhana.

Ang tatlong artista ay may kani-kanya nang ibang irog.

Si yayamaning aktor ay kasal na sa isang mabait na aktres.

Si gandarang aktres ay nakipagbalikan sa ex niyang negosyante.

At si kontrobersyal na aktor, masalimuot at matalinhaga ang status ng buhay pag-ibig.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Ay! May ganun pa palang drama kahit matagal na ang isyu ng dalawang aktor?

Hindi kaya puwedeng maisantabi muna iyon alang-alang sa pinagdadaanan nila ngayon?

Sana, hindi sila umabot sa second round ng sapakan.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results