Mga ipinagpalibang filmfest nang magka-COVID-19, matutuloy pa ba? Paano?

by PEP Troika
May 16, 2020
Dingdong Dantes in red shirt. Coco Martin in sunglasses and jacket.
Kabilang ang inaabangang pagsasalpukan ng mga pelikula nina Dingdong Dantes (kaliwa) at Coco Martin (kanan) sa mga naapektuhan ng pagdating ng pandemyang COVID-19. Hindi natuloy ang 1st Summer Metro Manila Film Festival kunsaan tampok ang kanilang mga pelikula, dahil sa pandemya.
PHOTO/S: Instagram: @dongdantes / @mr.cocomartin

JERRY OLEA

Excited tayo noon sa bakbakan nina Coco Martin (Love or Money) at Dingdong Dantes (A Hard Day) sa 1st Summer Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa primetime kasi ay nagsasalpukan ang kani-kanyang teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano at Descendants of the Sun, respectively.

Kaso, lumaganap ang COVID-19.

Sa Community Quarantine (na naging ECQ o Enhanced Community Quarantine), natigil ang mga ipinapalabas na teleserye, at nagsara sa mga sinehan.

Nagtapos kahapon ang ECQ. Nasa Modified ECQ (MECQ) na ang Metro Manila umpisa ngayong Mayo 16, Sabado pero wala pang linaw kung kailan magbubukas ang local cinemas.

Nakabinbin pa rin sa alanganin ang mga filmfest na ipinagpaliban.

Marso 10, inihayag ng organizers na postponed ang Sinag Maynila 2020 filmfest na naka-sched sa Marso 17-24.

Marso 12, ibinalita na postponed ang 1st Summer MMFF na nakatakda sa Abril 11-21.

May mga nag-suggest noon na itaon sa Hunyo 12, Araw ng Kalayaan ang filmfest na ito.

Continue reading below ↓

Hindi raw puwede iyon dahil nakalaan na sa naturang playdate ang Wonder Woman 1984.

Kaso, sa patuloy na paglaganap ng COVID-19 pandemic ay malabo iyon.

Marso 21 ini-announce ng Cinemalaya Foundation at CCP na postponed ang 16th Cinemalaya filmfest na nakatakda sa Agosto 2020.

Marso 31, naghayag ang Cinema One Originals ng postponement ng kanilang 16th edition this year.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Tuloy po kaya ang 4th Pista ng Pelikulang Pilipino (PPPP4) sa Setyembre 11-17, 2020?

Ito sana ang pagtatapos ng pagdiriwang ng 100 Years ng Philippine Cinema, sa pangunguna ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Dahil sa pandemya, nag-focus muna ang FDCP sa pamamahagi ng ayuda sa mga taga-pelikula at TV na hindi sakop ng DOLE.

Sa tingin ninyo, ano ang magiging kapalaran ng 8th QCinema filmfest sa Oktubre?

At ang 46th Metro Manila Film Festival sa Disyembre?

Ang huling Pinoy film na ipinalabas sa local theaters ay ang horror film nina JC Santos at Agot Isidro na Motel Acacia.

Continue reading below ↓

Nag-open ito noong Marso 11, Miyerkules sa mahigit 160 sinehan nationwide.

Hindi ito nakaisang linggo sa mga sinehan dahil nag-umpisa na ang community quarantine sa Metro Manila noong Marso 15, Linggo.

Hindi na naitanghal ang pelikulang Sana, All nina Meg Imperial at Arvic Tan. Ang original playdate nito ay Marso 25.

NOEL FERRER

Patuloy na naghahanap ng bagong forms of expression at medium para sa mga narratives, kaya pati IG Live ay na-explore na rin katulad ng ginawa nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Hinihintay ko pa rin kung ano na ang kahihinatnan ng MMFF.

Kasi, sinusubukan pang mag-set ng meeting pagkatapos ma-lift ang ECQ.

On another development, nakita ko sa post ni Jonas Gaffud na ang finals ng kauna-unahang Miss Universe Philippines ay na-move na to October 25.

Ibang korona naman ang paglalabanan nila roon.

At least, pagbabadya na ba iyon na magiging kinda “normal” na by then?

Continue reading below ↓

Sana, hindi na lumala pa at magka-second wave ng CORONA!

GORGY RULA

Noong huling nakapanayam namin si FDCP Chairperson Liza Diño, nasa plano pa rin nila ang 4th Pista ng Pelikulang Pilipino sa September.

Hindi pa siya sumasagot kung tuloy pa rin ba o may mababago sa mga plano nila, lalo na’t patapos na iyan sa pagdiriwang 100 Years of Philippine Cinema.

Sa ngayon ay takot pa rin ang karamihang lumabas at okey na silang nai-entertain sa kanilang tahanan.

Kahit sa Facebook ay may napapanood pa ring mga lumang pelikula.

Bentang-benta rin ang FB Live chat ng mga artista, lalo na ang pa-concert online ng mga magagaling na singers.

JERRY OLEA

Umani ng batikos si Coco Martin dahil sa paghihimutok niya noong Mayo 8, Biyernes sa Laban, Kapamilya forum kaugnay sa pagsasara ng home station niyang ABS-CBN.

Love pa kaya ng moviegoers na mapanood ang pelikula nila ni Angelica Panganiban na Love or Money?

Continue reading below ↓

May extra money ba ang moviegoers sakaling ipapalabas na ito sa mga sinehan?

At any rate, may pa-virtual cinema ang Extend The Love, tampok ang mga pelikula ni Direk Adolf Alix Jr.

PHP250 ang bayad sa bawa’t screening. Nag-umpisa ito kahapon.

Tatlong pelikula muli ang naka-line up today:

3:00 PM ang Circa, na isa sa entries ng PPP 2019, tampok si Anita Linda.

6:00 PM ang Chassis, na X-rated ng MTRCB dahil sa eksenang pinutulan ni Jodi Sta. Maria si Paolo Rivero.

9:00 PM ang Madilim Ang Gabi, na pinagbidahan ni Gina Alajar.

Ikinakasa na rin ni Direk Adolf ang ikapitong session ng Actors’ Cue.

May mga iba pang grupo na nagpapalabas ng mga pelikula sa social media.

Kung tatagal pa ang COVID-19 pandemic at mananatiling sarado ang mga sinehan, magiging online na lang kaya ang mga filmfest?

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang ang inaabangang pagsasalpukan ng mga pelikula nina Dingdong Dantes (kaliwa) at Coco Martin (kanan) sa mga naapektuhan ng pagdating ng pandemyang COVID-19. Hindi natuloy ang 1st Summer Metro Manila Film Festival kunsaan tampok ang kanilang mga pelikula, dahil sa pandemya.
PHOTO/S: Instagram: @dongdantes / @mr.cocomartin
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results