Karla Estrada, nagpasalamat sa KathNiel fans na pumalag sa blogger at bashers nina Daniel at Kathryn

by PEP Troika
May 16, 2020
karla estrada. kathryn bernardo hugging daniel padilla
Nagpapasalamat si Karla Estrada (kaliwa) sa KathNiel fans na nagsagawa ng Twitter campaign na #WeBlockAsOne at #StarveTheTrolls laban sa isang blogger at iba pang bashers na umatake kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (kanang larawan) nang magpahayag ang mga ito ng opinyon ukol sa ABS-CBN shutdown.
PHOTO/S: Jerry Olea / Daniel Padilla Instagram

GORGY RULA

Nagpasalamat si Karla Estrada sa suporta ng KathNiel fans kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Nagpakita ng suporta ang fans laban sa mga matinding pahayag ng isang blogger na manager ni Mocha Uson at ng iba pang bashers.

Ito'y pagkatapos magsalita nina Kathryn at Daniel kaugnay sa shutdown ng ABS-CBN 2.

HOT STORIES

Bukod sa nag-trending ang hashtag ng fans na #WeBlockAsOne at #StarveTheTrolls nitong Mayo 15, Biyernes, nagpa-Twitter party pa sila kinagabihan.

Hindi lang daw alam ni Karla kung na-down na ang post na iyon ng blogger pagkatapos na I-report ng KathNiel fans, pero natutuwa siya sa ginawa ng fans na hindi nagpabaya para maipagtanggol ang anak na si Daniel at ang girlfriend nitong si Kathryn.

“Ang hinihiling lang naman na mensahe ng anak ko e respeto,” lahad ni Karla sa programa namin sa DZRH nitong Friday night.

“'Tapos, yung nagtawag ka pa ng poot at galit sa mensahe nila, di ba, napakapangit?

Continue reading below ↓

“Nag-initiate pa sila na i-bash, e.

“Nagpapasalamat talaga ako sa mga KathNiel fans at naisip nila ito.

“For the first time, na-solid ang suporta nila. Hindi sila pumayag na dumami pa ito. “Maraming-maraming salamat sa lahat ng fandom ng KathNiel at sa KathNiel mismo. Maraming-maraming salamat sa ginawa ninyong pagtatanggol sa dalawang bata,” pahayag ni Karla.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sabi ni Karla, kaya niyang harapin kung siya ang tinitira, pero kung anak na niya ang sangkot, hindi raw niya ito kayang palagpasin na lang.

Hindi lang daw ito para sa kanyang anak at kay Kathryn, kundi pati na rin sa iba pang na-bash nang matindi at napapaglaruan pa sa social media.

“Ang pinaglalaban lang naman natin dito, sana ay mabawasan iyung pambabastos, yung pagmumura sa kapwa.

“Hindi kasi kami umaabot na ipapakulong ka pa, di ba?

“Pero malay mo, baka isang araw, pag hindi mo pa tigilan. Pag sumobra na talaga, di ba?

Continue reading below ↓

“Minsan, you will get the dose of your own medicine pagdating ng araw na ganyan, paulit-ulit, e. Pagkakakitaan mo ang manira?

“Sa akin, maari 'kong mapalagpas. Pero pagdating sa anak ko, hindi ko kayang iupo lang yun. Ay, hayaan kita? Dahil hindi ninyo binuhay yang mga anak ko at hindi ninyo alam yung mga pinagdaanan ko para buhayin sila nang maayos.

“Sana, kahit papaano, makatulong kami sa iba pang nakakaranas ng pambu-bully sa social media. Nakakatanggap ng mga salita na hindi naman dapat, di ba?

“Kasi, hindi naman nila alam ang mga sinakripisyo namin sa buhay,” seryosong pahayag ni Karla Estrada.

JERRY OLEA

Ang isa pang pinupunto ni Karla, kung hindi kayo umaayon sa mga sinabi nina Daniel at Kathryn, huwag ninyo silang sundin.

Kung tingin ninyo ay hindi kayo dapat idamay, para naman daw ito sa followers ng KathNiel na naniniwala sa dalawa.

“Para ito sa 12 million followers nina Kathryn at Daniel,” pagdidiin ni Karla.

Continue reading below ↓

“Kung tingin mo, hindi ka dapat idamay, deadma ka na lang, huwag mo na lang kaming i-follow.

“Hindi ka karamay dito sa aming mga sinasabi. Kung sa tingin mo, hindi ito para sa ‘yo, huwag mo kaming i-follow. E, di... wala tayong problema.

“Maglabas kayo ng opinyon ninyo, okey yun. Wala naman kaming pakialam sa buhay ninyo.

“Maglabas ka diyan. Pero huwag naman na minumura ninyo, binabastos ninyo ang pagkatao ng iba.

“Hindi fair iyun. Kasi, kung sinasabi mo na maayos ang buhay namin…kung alam lang naman.

“Ang importante, aware sila na hindi na tayo papayag na kung ano ang gusto nilang sabihin sa atin ay puwede nilang sabihin. Kung ano na lang ang gusto nilang sabihin sa amin. Hindi lang sa amin. Napakarami.

“Paano na lang iyung iba na may anxiety, dumadaan sa depression, 'tapos, biglang nabu-bully?”

NOEL FERRER

Dumami nga raw ang bashers at trolls ngayon.

Naiintindihan ko ang pangangailangan na magbigay ng trabaho sa mga tao. Pero sa ganitong paraan talaga?

Continue reading below ↓

Yung paghahatiin at aawayin mo ang mga taong naninindigan?

Nang tanungin ng isang sikat na actress-singer ang kanyang fans na involved sa ganitong trolling at bashing, P2500 daw ang initial post at P500 sa bawat engagement na papatulan at aawayin at sasagutin nito.

Grabe, isa pala talaga itong industriya?

At walang accountability, ha!!!

Kaya dapat ang attitude diyan—deadma.

Para hindi mag-thrive ang kanilang kabuhayan.

But always speak your truth, for you and not for the bashers!!!

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagpapasalamat si Karla Estrada (kaliwa) sa KathNiel fans na nagsagawa ng Twitter campaign na #WeBlockAsOne at #StarveTheTrolls laban sa isang blogger at iba pang bashers na umatake kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (kanang larawan) nang magpahayag ang mga ito ng opinyon ukol sa ABS-CBN shutdown.
PHOTO/S: Jerry Olea / Daniel Padilla Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results