UPDATE: Kris Aquino, tuloy ang Saturdate sharing of blessing kahit na may rashes

by PEP Troika
May 16, 2020
Kris Aquino Facebook Announcement
Sa kabila ng sakit na nararamdaman, tuloy raw ang pagse-share ni Kris Aquino ng kanyang blessings sa kanyang followers.
PHOTO/S: Kris Aquino Facebook

JERRY OLEA

PHP50,000 ang ipinamudmod ni Kris Aquino noong Mayo 10, Linggo nang tanghali alang-alang sa pagdiriwang ng Mothers’ Day.

Sa Facebook live niya noong Mayo 9, Sabado nang 8:30 PM, sampung pamilya ang pinili ng mag-inang Kris at Bimby upang pagkakalooban ng PHP5,000.

Ang basehan ay ang touching comments ng viewers tungkol sa kani-kanyang ina habang ongoing ang live session.

Para patunayan na totoo ang pagse-share niya ng blessings, in-upload ni Kris sa social media noong Sunday night ang videos ng pasasalamat ng mga naka-receive ng remittance.

Nitong Mayo 15, Biyernes nang hapon ay naghayag si Kris ng isa pang Saturdate live session.

Ini-announce ni Kris na lima ang pipiliin niya sa live session na mag-uumpisa nang 8:30 PM.

Aniya, “We’ll be contacting 5 of you during the LIVE who will receive PHP5,000 from me, your choice para sa inyo or para sa chosen one ninyo.

“Konting tulong para malaman ninyo that I care about you...”

Continue reading below ↓

Kris Aquino facebook announcement

Continue reading below ↓
Recommended Videos

BAD NEWS! Hindi tuloy ang Saturdate with Kris ngayong gabi dahil sa kanyang migraine headache, fibromyalgia, at PMS.

“I’ve learned to really LISTEN to my BODY and prioritize my health,” paliwanag ni Kris.

GOOD NEWS! Sa Mayo 18, Lunes na ang live session... at mas marami ang mabibiyayaan.

Continue reading below ↓

Sabi ni Kris, “And since pinaghintay ko kayo, 8 people will get PHP3,000 each, 5 people will get PHP4,000 each, and 5 will get PHP5,000 each from me. #lovelovelove”

Kris Aquino announcement on Facebook

Opo! Bale labingwalo (18) na ang pipiliin sa Mondate, Mayo 18. PHP69,000 ang kabuuang halaga ng ipamimigay ni Kris sa Lunes nang gabi.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Kung ipinagpaliban ang Saturdate with Kris tonight, tuloy ang birthday mini-concert ni Julie Anne San Jose mamayang 6:30 PM sa Facebook account niya, at sa FB account din ng Artist Center at Universal Records.

Pinamagatang Jam with Julie, selebrasyon ito ng kanyang 26th birthday.

Ang theme ng kanyang mini-concert ay mga awitin ng OPM Bands, na ang hashtag ay #JamWithJulie.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Tuloy rin ang Live Lockdown Kuwentuhan with Maine Mendoza ngayong Sabado nang 5:00 PM sa Facebook page ng All Access To Artists. Iho-host ito ni Tristan Cheng.

Maine Mendoza poster

NOEL FERRER

Naku, wala na akong ibang inaabangan kundi ang news ngayon sa TV. Totoo ba na marami na ang nagsilabasan dahil sa Modified ECQ (Enhanced Community Quarantine)?

Continue reading below ↓

As for me, natatakot pa akong lumabas sa kalye at kung puwede lang mapirmi sa bahay, yun na muna ang gagawin ko!

Kayo ba? Nangahas ba kayong lumabas ng bahay today?

***

UPDATE:

JERRY OLEA

5:46 PM ngayong Sabado, inihayag ni Kris na tuloy ang Facebook Live session niya mamayang 8:30 PM.

“Naantig si Kris sa sobrang buhos ng mga gustong maka-avail ng tulong niya,” sabi ng isang insider.

Noong i-announce kahapon ang FB live session ni Kris for tonight, PHP25,000 ang ipamamahagi niya para sa limang netizen. Bale P5,000 bawa’t isa.

Nang i-reschedule iyon for May 18, Monday — umabot sa PHP69,000 ang paghahati-hatian ng 18 katao.

Continue reading below ↓

Nabasa ni Kris ang ilang komento sa kanyang FB thread, at nanaig sa kanya ang itinuro ng kanyang ina.

“It’s up to us Filipinos to help each other,” sabi ni Kris.

“Sa daming biyaya namin nila Kuya Josh & Bimb dahil sa tiwala at suporta mula sa inyo, chance kong makabawi sa kabutihang loob ninyo... dedma na muna sa rashes sa balat ko.”

Mas marami na ang tutulungan ni Kris. Mula ngayong Sabado nang gabi hanggang Mayo 19, Martes nang gabi... walo ang pagkakalooban niya ng PHP2,500 bawa’t isa.

PHP20,000 bawa’t gabi ang ise-share ni Kris. Apat na gabi iyan, so bale 32 katao ang makakatanggap, at P80,000 na ang kabuuan niyan!

“See you at 8:30 PM tonight, okay? #lovelovelove” paanyaya pa ni Kris.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kabila ng sakit na nararamdaman, tuloy raw ang pagse-share ni Kris Aquino ng kanyang blessings sa kanyang followers.
PHOTO/S: Kris Aquino Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results