Provisional franchise ng ABS-CBN, pirmahan kaya ni Pangulong Duterte kapag nakalusot sa Kongreso at Senado?

by PEP Troika
May 18, 2020
Ngayong Mayo 18, Lunes, ang ikatlong reading sa Kongreso ng House Bill 6732 na nagkakaloob ng provisional franchise sa ABS-CBN upang umere hanggang Oktubre 2020.
PHOTO/S: Jerome Ascano

JERRY OLEA

Mayo 5, Martes, 7:52 P.M., nag-sign off ang ABS-CBN 2.

Magdadalawang linggo nang tumigil sa pagbo-broadcast ang Kapamilya Network.

Ngayong Mayo 18, Lunes, ang ikatlong reading sa Kongreso ng House Bill 6732 na nagkakaloob ng provisional franchise sa ABS-CBN upang umere hanggang Oktubre 2020.

Makalusot man iyon sa Senado, hindi natin tiyak kung kailan iyon pipirmahan ni Pangulong Duterte.

Nag-off the air man ang Channel 2, tuluy-tuloy ang pagtulong ng “Pantawid ng Pag-ibig” program ng ABS-CBN at ABS-CBN Foundation.

Mahigit 700,000 pamilya sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna, at Cavite ang inaasahang magbebenepisyo sa donasyong umabot na ng P388M as of May 15, Friday.


Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

Ito ang ipinambibili ng pagkain at mga pang-araw-araw na pangangailangan na inihahatid ng ABS-CBN sa mga lokal na pamahalaan para ipamahagi sa mga residente.

Unang nagbigay ng donasyong P100M ang Lopez Group of Companies, kasama na rito ang ABS-CBN.

Hindi lamang ang network ang tumulong.

Pati mga artista at empleyado ng ABS-CBN ay kusang gumawa ng iba’t ibang paraan—gaya ng pagbibigay ng PPEs, pagluluto ng pagkain, pagtatayo ng tents, at pamimigay ng relief goods.

Unang-una na riyan si Angel Locsin.

Siyempre, kani-kanya rin ng effort sina Bela Padilla, Pokwang, Kim Chiu, Regine Velasquez, Sharon Cuneta, Matteo Guidicelli, Vice Ganda, at marami pang ibang Kapamilya celebrities and personalities.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Umaasa pa rin ako sa agarang resolusyon sa franchise issue.

Bigyan sana ang ABS-CBN ng pagkakataong sagutin ang mga isyung ibinabato sa kanila, at patuloy na itaguyod ang malayang pamamahayag.

Ang nakukulangan lang ako ay ang solidarity mula sa ibang kasamahan natin sa industriya.

Nawa’y hindi nila mapagdaanan ang ganitong sitwasyon ng ABS-CBN o kahit na anong paninikil ng boses ng media.

Nalulungkot ako dahil nakuha pang maglabas ng ratings ng GMA-7 sa gitna ng shutdown ng kanilang katunggali.

Hindi ba’t dapat solidarity na lang at pagdamay ang ibibigay mo sa kasamahan mo sa trabaho?

Noong nananalo ang 24 Oras (GMA) over TV Patrol (ABS-CBN) sa nationwide ratings nitong panahon ng pandemya, humanga ako sa isang boss na kausap ko nang sabihin nitong hindi ito ang panahon ng pagmamalaki ng ratings, lalo na’t naghihirap ang mga tao.

Anong nangyari?

May pandemya pa rin naman at meron pang issue ng shutdown. Ratings pa rin ba ang ihe-herald ng iba?

Continue reading below ↓

GORGY RULA

May nakausap akong ilang mambabatas.

Ayon sa kanila, napaplastikan sila sa ilang taga-Kongreso dahil may sapat na panahon sila noong dinggin ang isyu ng franchise ng ABS-CBN.

Pero bakit hindi daw nila sinimulan pa bago ang ECQ?

Ngayong pumasok na ang National Telecommunications Commission (NTC), at lumaki na ang isyu, saka sila nagmamadali para mabigyan ng provisional franchise ang Kapamilya Network.

Pinagbibigyan lang ba nila noon ang sentimiyento ng Pangulo?

Pero mukhang matatagalan pa ang kinakailangang batas.

Dadaan pa ito sa Senado at hihintayin kung pipirmahan ba agad ni President Duterte.

Saka ang isyu talaga rito ay ang renewal ng franchise.

May mga haharaping isyu at kaso raw ang ABS-CBN na didinggin kung karapat-dapat bang bigyan silang muli ng 25-year franchise.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong Mayo 18, Lunes, ang ikatlong reading sa Kongreso ng House Bill 6732 na nagkakaloob ng provisional franchise sa ABS-CBN upang umere hanggang Oktubre 2020.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results