Pagtalakay sa provisional franchise ng ABS-CBN, urong-sulong sa Kongreso

by PEP Troika
May 19, 2020
Wala pa ring katiyakan ang pag-aapruba ng panukalang batas para mabigyan ng provisional franchise ang ABS-CBN, matapos bawiin ng Kongreso ang ikalawang pagbasa tungkol dito.
PHOTO/S: Jerome Ascano

JERRY OLEA

“Laban-laban, o bawi-bawi. Laban-laban, o bawi-bawi...”

Mayo 5, Martes ng gabi, nag-sign off ang ABS-CBN.

Mayo 8, Biyernes ng gabi, nag-live forum ang “Laban, Kapamilya” sa Facebook page ni Kim Chiu.

Naglalagablab ang himutok ni Coco Martin, at bumulaga sa ating diwa ang “Law ng Classroom: Bawal Lumabas” ng Chinita Princess.

Mayo 12, Martes, may pa-live forum si Angel Locsin sa kanyang Facebook page.

“Tuloy ang laban para sa ating tahanan...”

Part 2 ito ng “Laban, Kapamilya” campaign.

Maigting ang hinaing ni Jaime Fabregas, pero mahinahon si Angelica Panganiban sa kanyang panawagan.

Sa pagtatapos ng forum, hinikayat ang mga Kapamilya na magpalitrato na nakakuyom ang kanang kamao at nakatapat sa puso — gaya ng ginawa ng mga Kapuso sa isang previous campaign nila.

Mayo 13, Miyerkules, inaprubahan ng House of Representatives Committee of the Whole ang una at ikalawang pagbasa sa House Bill 6732, na nagkakaloob ng provisional franchise sa ABS-CBN para umere hanggang Oktubre 31, 2020.

Continue reading below ↓

Welcome ito para sa ABS-CBN, at partikular na pinasalamatan ng network sina Speaker Alan Cayetano at Majority Leader Martin Romualdez.

Nagbunyi ang mga Kapamilya stars and personalities, sa pangunguna nina Angel Locsin, Vice Ganda, Karen Davila at Sunshine Cruz.

Aba! May kasabihan tayo, huwag bilangin ang mga sisiw hangga’t hindi napipisa ang mga itlog.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Mayo 18, Lunes... Kapag pumasa sa ikatlong pagbasa ang House Bill 6732, ipapadala na iyon sa Senado, at sakaling pumasa sa Senado, ipapadala sa Malacañang upang papitmahan kay Presidente Duterte.

Lumiham si Atty. Larry Gadon sa Senado. Hiniling niya na mag-inhibit ang siyam na senador sa pagdinig at pagboto sa renewal of franchise ng ABS-CBN dahil sa “conflict of interest.”

Ang siyam na senador na pinag-i-inhibit ni Atty. Gadon ay sina Tito Sotto, Ralph Recto, Manny Pacquiao, Lito Lapid, Grace Poe, Bong Revilla, Sonny Angara, Francis Pangilinan, at Pia Cayetano.

Ngunit... subalit... datapwat... ang inaasam na paglusot ng House Bill 6732 sa ikatlong pagbasa nitong Lunes sa Kongreso ay hindi naganap.

Continue reading below ↓

“Kamara, binawi ang pagpasa sa ABS-CBN franchise bill sa 2nd reading. Ibinalik sa period of debates and amendments ang bill.”

Shout out iyan ni Bb. Vivian Velez sa Facebook nitong Lunes ng 5:05 P.M.

Si Bb. Vivian ang kasalukuyang director general ng Film Academy of the Philippines (FAP).

Ang masaklap pa... nanganganib nang bawiin ng NTC (National Telecommunications Commission) sa ABS-CBN ang ini-assign ditong frequencies para makapag-broadcast.

“Laban-laban, o bawi-bawi. Laban-laban, o bawi-bawi...”

NOEL FERRER

Kasabay nito ay ang tahasang pag-amin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na wala sa plano ng pamahalaan ang mass testing, at ipinauubaya nila ito sa pribadong kumpanya.

Ano na lang ang kakapitan natin sa ngayon?

Sa huli’t huli ba’y wala tayong salitang panghahawakan?

At tayo-tayo rin lang ang magsasakripisyo’t magtutulungan sa ating mga laban?

Hayyyyy, bayan!!!

GORGY RULA

Ang sabi sa Saligang Batas, hindi raw puwedeng pagsabayin ang 1st and 2nd reading ng isang panukalang batas sa loob ng isang araw.

Continue reading below ↓

Dapat magkaroon pa ng sapat na panahon para ma-interpellate ang 1st reading hanggang sa umabot ng 3rd reading bago ito maaprubahan.

Bakit nila minadali noong nakaraang Miyerkules, May 13, at binawi na nitong Lunes, May 18, dahil hindi pala puwede ang ganoong proseso?

Alam ba nila ang ginagawa nila? O ito ay isang malaking eklay lang?

JERRY OLEA

Narito ang opisyal na pahayag ng ABS-CBN sa mga bintang sa Network nitong Monday hearing sa Kongreso:


Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wala pa ring katiyakan ang pag-aapruba ng panukalang batas para mabigyan ng provisional franchise ang ABS-CBN, matapos bawiin ng Kongreso ang ikalawang pagbasa tungkol dito.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results