Mga anak ng showbiz mom, umalma sa pekeng blind item na nanghihingi ng ayuda ang ina

by PEP Troika
May 19, 2020
Anak ng sikat na showbiz mom, nabahala sa fake news na kumakalat tungkol sa kanilang pamilya.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

Sa tulong ng isang kaibigang PEP contributor, ginambala niya ang magkakapatid na artista kaugnay sa blind item ng isang blogger.

Tungkol ito sa isang showbiz mom na humihingi na raw ng ayuda sa mga anak niya.

Merong isang anak si showbiz mom na hindi raw niya gaanong kasundo, pero nahingan din nito ng grocery items.

Wala raw cash na naibigay ang hindi gaanong kasundong anak.

Sa kuwento ng blogger, obvious kung sinu-sino ang mag-iinang tinutukoy.

Nakarating ito sa atensiyon ng magkakapatid.

Hindi raw totoong may ganoong pangyayari, at never daw silang nahingan ng tulong ng kanilang ina.

Tinanong ng nakatatandang aktres ang nakababatang kapatid na isa ring aktres kung nahingan ba ito. Wala rin daw.

Naisip din nila, baka ibang magkakapatid na artista naman ang tinutukoy ng blind item.

Pero sa kuwento ng blogger, tila wala nang ibang tinutukoy kundi ang pamilya ng showbiz mom.

Ayaw naman nilang mag-react dahil blind item lamang ito.

Continue reading below ↓

Ang concern ng mga taong malapit sa magkakapatid na artista, baka isipin pa ng mommy nilang sila ang nagkakalat ng ganitong kuwento.

Kung meron man silang isyung mag-iina, gusto nilang tahimik na lang at huwag nang gawan ng isyu para mapag-usapan sila uli.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa totoo lang, marami na ang nakakapansin na OA at mali-mali ang bina-blind item ng blogger na ito.

Nakakaintriga. Pasabog na BI.

Pero kapag kalkalin mo ang mga taong sangkot sa kuwento, wala namang ganoong pangyayari.

Kelan naging okay ang blind item na fake news?

JERRY OLEA

Mahirap umaray at magpaliwanag kaugnay sa blind item.

Sapat ba ang pinsalang dulot ng blind item para idulog ito sa piskalya, o makabubuting ipagkibit-balikat na lang ito?

“It’s unfair! It’s unfair!”

Memorable line iyan ni Susan Roces sa Regal movie na Paano Kung Wala Ka Na (1987), na idinirek ni Mel Chionglo mula sa panulat ni Ricky Lee.

Unfair man ang blind item sa showbiz mom, lulutang at lulutang ang totoo sa takdang panahon.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Nakakahiya kung imbento at walang patunay ang blind item na ipinangalandakan.

Respeto na lang sana sa senior actress.

Pagsama-samahin man at bilangin ang mga blind item ng blogger na ito ay hindi papantay sa naabot na ningning ng showbiz mom.

Ang hindi marunong kumilala sa kanyang pangalan ay aso lamang!

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anak ng sikat na showbiz mom, nabahala sa fake news na kumakalat tungkol sa kanilang pamilya.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results