Arnell Ignacio, isinauli ang P5K financial aid mula sa DOLE

by PEP Troika
May 20, 2020
Arnell Ignacio: "Kapag ganito ang posisyon mo, lalo na kapag pro-government ka, ano, e... yung pag-iingat mo, talagang i-multiply mo ng 100 o one thousand, kasi sisilipin ka, e."
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Isinauli si Arnell Ignacio ang cash assistance na ibinigay sa kanya ng Department of Labor and Employment (DOLE) kahapon, Mayo 19.

Nang nakapanayam namin si Arnell sa DZRH kagabi, May 18, nabanggit niyang kagagaling lang niya ng DOLE para isoli ang limang libong pisong cash assistance na ibinigay ng COVID 19 Adjustment Measures Program (CAMP).

Kuwento ni Arnell, nag-file ang mga tauhan niya sa CAMP dahil nagsara ang kumpanya nila.

Pati siya ay isinama ng mga tauhan niya sa humingi ng ayuda.

Kumpleto ang requirements at naghintay sila.

Dumating ang cash assistance sa mga tauhan niya, pati sa kanya.

Tingin ni Arnell, hindi alam ng mga taga-DOLE na para sa kanya yun dahil ang ginamit sa apllication ay ang tunay niyang pangalang Arnaldo Ignacio.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

Naisip niyang isoli ang ayuda dahil alam ng lahat na dati siyang taga-gobyerno.

Nakadalawang taon siya sa PAGCOR bilang AVP for the Community Relations and Services Department, at inilipat siya sa OWWA bilang Deputy Executive Director.

Kailangan daw niyang mag-ingat at baka mahanapan siya ng butas.

Sabi ni Arnell, “Kasi, ang mga ganoong bagay, ayaw mo nang… baka mamaya, mapag-usapan ka pa, e.

“Kaya ang pag-iingat mo talaga, hindi lang times 10, kundi times 100 talaga.

"Kasi, ang dami mong sasagutin, e.”

Sabi pa ni Arnell, madalas siyang nagbibigay ng mga opinyon niya sa mga isyung pinag-uusapan. Baka buweltahan siyang pati ayuda ay pinapatos niya.

“Tapos eto ako, kuda nang kuda.

"E, sabi nila, 'Iyan pala, kuda nang kuda, tapos P5,000, kumukuha pa siya!'

“Isipin mo, lahat ng reputasyon ko, nasira dahil lang sa five thousand?!

“Kapag ganito ang posisyon mo, lalo na kapag pro-government ka, ano, e... yung pag-iingat mo, talagang i-multiply mo ng 100 o one thousand, kasi sisilipin ka, e,” dagdag niyang pahayag.

Continue reading below ↓

Ang pagkakaalam namin, ibabalik na sana si Arnell sa OWWA, sa di lang namin alam na posisyon ito.

Pero hindi lang naayos ang mga papeles niya dahil naka-ECQ.

Hiningan ko na rin ng reaksiyon si Arnell sa isyung hinaharap ni OWWA Deputy Administrator Mocha Uson, bilang dati siyang nasa parehong ahensiya.

Inimbitahan si Mocha ng National Bureau of Investigation noong May 18, Lunes, upang ipaliwanag ang lumabas na "fake news" sa kanyang Facebook account.

“Ingat na lang,” tila napilitang sagot ni Arnell.

“Sabihin ko na lang sa kanya, ‘Ingat.’ Napaliwanag naman niya nang mahusay.

"Basta, ingat na lang sa susunod.”

NOEL FERRER

Kaya naman nakakamangha ang ganyang acts of delicadeza ngayon, tulad ni Arnell.

Sana may natututunan sa kanya yung mga nagha-honest mistake na never nating nakitang naparushan.

Honest ba itong personalidad na ito? O malaking mistake talaga?

JERRY OLEA

Sana, all.

Sana, lahat ay may delicadeza at pag-iingat sa reputasyon.

Continue reading below ↓

Sana, lahat ay kumikilos nang naaayon sa kani-kanyang talino at ganda, at mag-behave ang mga mema at mamaru.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arnell Ignacio: "Kapag ganito ang posisyon mo, lalo na kapag pro-government ka, ano, e... yung pag-iingat mo, talagang i-multiply mo ng 100 o one thousand, kasi sisilipin ka, e."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results