Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Nora Aunor, hirap na hirap sa kanyang monovlog; Daniel Padilla, tinanggihan noon ng GMA-7

by PEP Troika
May 20, 2020
Nora Aunor will be featured in a monovlog titled Lola Doc, which can be streamed via YouTube on Superstar's birthday, May 21; Daniel Padilla will have a one-on-one session with director Adolf Alix Jr. in Actors' Cue on Friday, May 22.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Tuluy-tuloy ang mga showbiz kaganapan online, na lumilikom ng pondo para sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.

Nagbabalik ang "Huntahan Musikahan" with Maestro Ryan Cayabyab ngayong Mayo 20, Miyerkules, 8:00-9:00 P.M., sa Facebook page ng Bayanihan Musikahan.

Makakahuntahan dito ni Maestro Ryan sina Martin Nievera, Pops Fernandez, at Mich Dulce.

Segue ang "Huntahan Musikahan" sa BIG Wednesday Special ng "Bayanihan Musikahan," kung saan tampok ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Continue reading below ↓

Naudlot ang online concert ng mag-asawang Regine at Ogie noong Biyernes dahil sa power fluctuations na dulot ng bagyong Ambo, pero tuloy na ang powerful concert mamayang gabi.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

So far, mahigit P75M na ang nalikom ng Bayanihan Musikahan concert series.

Siyanga pala, may Facebook live din with Kapuso actor Kelvin Miranda mamayang 8:30-9:00 P.M. sa FB page na IlabanNatinYanGMA. Di ba, Tyronne James Escalante?

Bukas, Mayo 21, Huwebes, ang ika-67 kaarawan ni Nora Aunor.

Tampok si Nora sa monovlog na "Lola Doc" bukas ng 6:00 P.M. sa YouTube channel ng Tanghalang Pilipino.

Continue reading below ↓

Ikinuwento ni Nora sa video na nasa Facebook page ng Tanghalang Pilipino kung paano nabuo ang monovlog, sa paanyaya at paggabay ng iniidolo niyang si Nanding Josef.

“Noong ibinigay po sa akin iyong script,” napamulagat si Nora sa paglalahad, “walang biro po, nagulat po ako. Ang haba nung sasabihin ko.

“Pero sa akin naman, naging challenge naman po iyon...”

Kinabahan si Nora sa nagawa niyang sets ng monovlog, na isinulat ni Layeta Bucoy.

Paulit-ulit siya sa paggawa ng sets ng monovlog dahil parang hindi siya happy sa interpretasyon niya. Pakiwari ni Nora ay nakakahiya ang gawa niya.

Dagdag ng beteranang aktres, “Noong ginagawa ko po ito, parang gusto ko nang sumuko.

"Kasi nga, parang... talagang hirap na hirap po ako talaga.

“Iba po pala talaga iyong gumagawa ka ng eksena na wala kang kausap. Para kang luku-luko!” natatawang pagmuwestra ng dalawang kamay ni Nora sa kanyang sentido.

“Na kinakausap mo... wala. Kinakausap mo ang sarili mo. Tinatanong ka, ikaw rin ang sumasagot!

Continue reading below ↓

"Ang hirap po talaga!”

NOEL FERRER

Ang ganda lang na tuluy-tuloy pa rin ang efforts sa pagtulong sa ating mga kababayang nangangailangan.

Ikasiyam na session na ng Actors’ Cue bukas, Huwebes ng 7:00 P.M., sa Facebook page ng ExtendTheLove.

Tampok dito sina Jake Cuenca, Joross Gamboa, Joem Bascon, Jameson Blake, at Mon Confiado.

At sa ikasampung session ng Actors’ Cue sa Mayo 22, Biyernes ng 7:00 P.M., ay makaka-one-on-one ng moderator na si Direk Adolf Alix Jr. si Daniel Padilla. Good luck!

Sa Mayo 24, Linggo, 8:00 P.M. (GMT), ay tampok naman si Darren Espanto sa D’ Birthday Concert From Home.

Ito na bale ang celebration ni Darren ng kanyang ika-19 na kaarawan.

Continue reading below ↓

Napabalita ring meron na namang nilulutong Gary V at Lea Salonga fundraisers na aabangan pa rin natin!

JERRY OLEA

Naidirek ni Adolf Alix Jr. si Alden Richards sa short film with Nora Aunor na Kinabukasan (2014), sa Kapuso docudrama na Alaala: A Martial Law Special (2017), sa TV film ng Eat Bulaga! na Love Is... (2017) na nagtampok din kay Maine Mendoza, at sa isang epidode ng Wagas drama anthology.

Pero nauna pang makaka-one-on-one ni Direk Adolf si Daniel Padilla sa 10th session ng Actors’ Cue.

Continue reading below ↓

“We’ll ask Daniel po about his preparations for a role and yung tungkol sa mga anecdotes niya from his previous films,” sabi ni Direk Adolf nang maka-chat namin via Messenger nitong Miyerkules ng tanghali.

Ikinuwento namin kay Direk Adolf na inilapit ni Douglas Quijano aka Tito Dougs (namayapang talent manager) si Daniel sa mga taga-GMA 7, pero tinanggihan ito ng mga Kapuso.

Naniwala si Tito Dougs sa potential ni Daniel kaya inilapit niya ito kapagkuwan sa mga taga-ABS-CBN.

Ang nagkuwento sa amin nito ay ang ina ni Daniel na si Karla Estrada noong Hunyo 20, 2009, Sabado ng tanghali, sa Heritage Memorial Park sa Taguig City, habang kine-cremate ang mga labi ni Tito Dougs.

Kaharap namin ang totoy na totoy na si Daniel nang mga sandaling iyon.

GORGY RULA

Pitong aktor ang panelists sa 7th session ng Actors’ Cue noong Mayo 18, Lunes ng 8:00 P.M., sa Facebook page ng ExtendTheLove.

Continue reading below ↓

Ang mga ito ay sina Louise Abuel, Christian Bables, Kokoy de Santos, Tony Labrusca, Kelvin Miranda, Rocco Nacino, at Khalil Ramos.

Ang ikawalong session ay nitong Mayo 19, Martes ng 8:00 P.M.

Nawalan ng signal ang moderator na si Direk Adolf Alix Jr.

Kaya bumangka pansamantala si Vance Larena bilang host sa pakikipagdiskusyon kasama sina Benjamin Alves, Elijah Canlas, Albie Casino, JC de Vera, Kit Thompson, at Arron Villaflor.

Continue reading below ↓

Nagkuwento si JC tungkol sa maalab na kissing scene nila ni Jordan Herrera sa indie movie na Best.Partee.Ever.

Inilahad naman ni Vance ang eksena sa dulang Dilaw o Pula kung saan nasa harapan niya ang b*y*g ng kaeksena.

Kapwa nagkamit ng best actor award sina JC at Vance sa kanilang pagganap sa mga proyektong may maseselang eksena.

Continue reading below ↓

Simula bukas, Huwebes, ay 7:00 P.M. na ang Actors’ Cue.

Kaabang-abang ang mga pakuwela rito ni Joross Gamboa, at asahang hindi basta-basta papakabog si Jake Cuenca.

Andiyan din sina Joem Bascon, Mon Confiado, at Jameson Blake.

At sa Biyernes ng 7:00 P.M., nasa spotlight ng Actors’ Cue si Daniel Padilla.

For sure, maraming anekdota si Daniel sa buhay-artista, lalo pa at marami siyang kapamilya na taga-showbiz din.

Bunga si Daniel ng maalab na pagmamahalan nina Karla Estrada at Rommel Padilla. Pamangkin siya nina Robin Padilla at BB Gandanghari.

Siyempre, malaking bahagi rin ng career ni Daniel ang ka-love team at kasintahan na si Kathryn Bernardo.

Minsang naging Kapuso si Kathryn, na gumanap bilang batang Marian Rivera sa teleseryeng Endless Love (2010).

Ka-partner doon ni Kathryn si Kristoffer Martin na gumanap bilang batang Dingdong Dantes.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nora Aunor will be featured in a monovlog titled Lola Doc, which can be streamed via YouTube on Superstar's birthday, May 21; Daniel Padilla will have a one-on-one session with director Adolf Alix Jr. in Actors' Cue on Friday, May 22.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results