Elijah Canlas at Kokoy de Santos, game na game nag-shoot ng Pinoy Boys Love series kahit naka-quarantine

by PEP Troika
May 21, 2020
Tampok sina Eleijah Canlas, (Kalel, 15) at Kokoy de Santos (Fuccbois) sa Pinoy Boys Love series na Gameboys, na mapapanood sa YouTube simula ngayong weekend.
PHOTO/S: The IdeaFirst Company

JERRY OLEA

Mapapanood na ang first episode ng Pinoy Boys Love series na Gameboys ngayong weekend sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company.

Pinagbibidahan ito nina Kokoy de Santos at Elijah Canlas, sa direksiyon ni Ivan Andrew Payawal.

Si Kokoy ay isa sa mga bida sa controversial Cinemalaya 2019 film na Fuccbois, samantalang bida si Elijah sa pelikulang Kalel, 15.

Gamers ang karakter dito nina Kokoy at Elijah.

“Kung gaano ka-game, malalaman na lang natin. Hahaha!” sabi ni Direk Perci Intalan nang maka-chat namin via Messenger nitong Mayo 21, Huwebes ng umaga.

Ang mag-asawang Direk Perci at Direk Jun Lana ang executive producers ng Gameboys, sa ilalim ng The IdeaFirst Company.

Sabi pa ni Direk Perci, “Pero sa dami ng mga pelikula at direktor na naka-work sina Kokoy at Elijah, alam ng lahat gaano sila ka-committed sa roles nila bilang mga aktor.”

Ongoing pa ang production ng naturang Pinoy BL series.

Continue reading below ↓

“Tapos na tapos na ang unang episode. Ang target is this Friday night namin ipo-post,” pagpapatuloy ni Direk Perci.

“Kasi, masaya rin na kita mo ang reaksiyon ng mga tao habang in-production ka pa.

“Pareho kami ni Jun na trained ng TV kaya ibang energy rin pag may feedback ka agad from the audience.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Parang ratings lang. Hahaha!”

Paano nagsimula ang konsepto ng BL series na Gameboys?

“Regularly, may pitching ang creative team namin sa IdeaFirst,” lahad ni Direk Perci.

“Noong nag-ECQ, siyempre na-challenge lahat na makapag-produce pa rin kahit na maraming limitations.

“Kaya tiningnan namin ang mga concepts at nakita namin na ito ang kuwentong babagay sa sitwasyon.

“Interesting ang naging process namin dito, kasi maraming rehearsals at test shoots para magawa ito nang maayos, pero walang lumalabas sa mga bahay nila.

“Siyempre, si Jun ang nakabantay rito at hindi puwedeng hindi pulido ang pagkaka-shoot, kahit ang pagkaka-record ng audio.

Continue reading below ↓

“Last week of April kami nagre-reading at rehearsals. First week of May nag-shoot.

“Nakalimang reshoot kami, kasi nga, di agad pasado kina Direk Ivan at kay Jun, kaya maraming adjustments.

“Kung sa dating shoot, parang retake at re-set lang ito.

"Pero since magkakalayo, naging magkakaibang araw.

“Buti na rin talaga, matiyagang mag-prepare si Direk Ivan at maabilidad ang producer naming si Jen Mauricio.

“At sina Kokoy at Elijah, talagang game kahit na trial and error kami sa simula.”

Paano ang logistics ng shooting sa panahon ng ECQ? Ang direktor, wala sa set. Paano ang production design?

“Naku, karir ang logistics! Totoong bahay kasi nila ang location,” pahayag ni Direk Perci.

“Pero siyempre, kailangan ng production design para buo ang characters.

"So, inaral pa ni Direk Ivan at ng PD naming si Nestor Abrogena remotely iyung rooms.

“Nagpadala paisa-isa ng props — na disinfected siyempre. Sa technical, ganun din ang process.

Continue reading below ↓

“'Tapos, noong naayos na lahat, nag-reading, nag-rehearse nang nag-rehearse, then nag-shoot at reshoot at reshoot!

“Ayoko munang magbigay ng expectations sa tao. Basta sana, magustuhan nila.

“Gusto lang naman namin na we still continue telling stories kahit pa may ECQ.

"Kasi stories are limitless… naks! Hahaha!"

Ang writer ng Gameboys ay si Ash Malanum, at ang editor at si Benjamin Tolentino.

“Ang audio namin, Wildsound pa ang gumawa. Ang musical scorer ay si Emerzon Texon, na nag-score ng mga movies namin ni Jun before.

“Medyo bigatin ang team, para na talaga kaming gumawa ng pelikula!” pagmamalaki ni Direk Perci.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Tulad ng Love Lockdown ng iWant, magandang suportahan ang mga ganitong efforts, tulad ng Boys Love series na Gameboys ng Idea First, para sa ibang klase ng narrative storytelling.

Sana lang, kumita at maibalik ang kanilang investment kahit medyo hindi pa kalakihan ang agarang balik ng investment sa streaming sites.

Pero ito na ang pag-adapt natin sa “new normal.”

Sana, makaahon tayo sa kinasasadlakan nating pandemya sa lalong madaling panahon!

GORGY RULA

Tama ang sinabi ng karamihan na hindi na muna tayo makakagawa ng malalaking pelikula.

Mahirap bawiin ang puhunan kung online pa lang muna mapapanood.

Bahagi ng new normal na haharapin natin ay wala na munang sinehan.

Sa online at sa ilan pang digital platforms tayo makakapanood ng pelikula.

Kaya sa TV na lang muna nakatutok ang MTRCB dahil hindi sakop ng ahensya ang online or digital platforms.

Nakikipag-coordinate ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa iba’t ibang streaming sites at digital platforms para matulungan nila ang producers na doon i-distribute ang mga pelikulang nagawa.

Continue reading below ↓

Pahayag ni FDCP Chairperson Liza Diño, “Siyempre, in-amplify namin yung mga partnership namin sa mga international distribution platforms.

“So, nagkaroon na kami ng meeting with Netflix.

“Next week, we’re reaching out to iflix and other streaming platforms para yung mga content natin na puwede nang i-distribute o puwede nang maghanap ng platforms para ipalabas, puwede nang makatulong ang FDCP para mag-bridge ng connection na yun.”

Gusto niyang active pa rin ang kanilang Sine Lokal, na hindi na sa mga sinehan kundi online na rin.

Hindi raw kasi lahat ng mga pelikulang nagawa ay pasable sa Netflix at iba pang streaming sites.

Kaya puwedeng sa Sine Lokal na ito ipalabas.

Siyempre, hindi naman lahat ng content natin, ia-acquire ng mga platforms na yun.

"Kasi, very stringent yung mga requirements, pagdating sa quality, may mga technical requirements iyan.

“Ayaw naman nating walang platform yung local films o iyung mga hindi talaga alam pa at sanay pa sa ganitong klaseng distribution negotiations.

Continue reading below ↓

“Itong Sine Lokal online, it’s a streaming platform na magkakaroon ng option to monetize their content and, at the same time, we can also to host online film festivals.

“Yung mga onground natin na events na mapu-postpone, at least with this one, puwede nating ituloy.

“Mas malaki na ang audience natin, kasi digital na siya at malawak na global can actually watch.

“FDCP will create this platform for them.

“Ito yung tulong ng gobyerno sa kanila to create this platform,” saad ni Chair Liza.

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tampok sina Eleijah Canlas, (Kalel, 15) at Kokoy de Santos (Fuccbois) sa Pinoy Boys Love series na Gameboys, na mapapanood sa YouTube simula ngayong weekend.
PHOTO/S: The IdeaFirst Company
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results