Sylvia Sanchez: "Ako, umaasa pa rin ako na mag-o-open ang ABS"

by PEP Troika
May 21, 2020
Pabor ang aktres na si Sylvia Sanchez (kaliwa) na naka-lockdown ang lahat ng mga artista habang nagti-taping ng isang teleserye hanggang matapos ito. Ipinaliwanag naman ni Direk Joey Reyes (kanan) kung bakit mas madaling sundang ang protocols na ipatutupad ng Inter-Guild Alliance.
PHOTO/S: Gorgy Rula / Instagram

GORGY RULA

Wala pa man katiyakan kung kailan magbubukas uli ang ABS-CBN, pinag-aralan na ni Sylvia Sanchez ang guidelines na dapat sundin kapag nasa taping na o shooting.

Hindi lang nilinaw kung guidelines and protocol ba yun na inihanda ng Inter-Guild Alliance (IGA) o ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Pero agree si Sylvia na dapat walang maglalagare.

Okay lang sa kanya na ma-lockdown muna sa isang set hanggang sa matapos ang buong teleserye.

“Dapat yun, e. Mas delikado ngayon, e.

“Let’s say magti-taping kami ng show naming Pamilya Ko, nandoon kami lahat, naka-lock-in kami.

“Tapos, merong lumabas na aktor o staff na aalis, tapos babalik.

"What if baka mahawa siya doon? Puwede pang mahawa tayong lahat doon.

“E, mabuti na yung doon na lang tayong lahat. Wala nang lagare o segue-segue.

“Tama yung ginawa nilang iyon. Tama yung bagong norm,” pahayag ni Sylvia nang nakapanayam namin sa DZRH nitong Mayo 20, Miyerkules ng gabi.

Continue reading below ↓

Kampante ang Kapamilya actress na matatapos na ang isyu sa franchise ng ABS-CBN at magbabalik na sila sa ere.

“Ako, umaasa pa rin ako na mag-o-open ang ABS,” pakli ni Sylvia.

Pero habang naghihintay, okay pa rin daw ang kalagayan ni Sylvia dahil may negosyo siya kagaya ng Beautederm store.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kahit sarado pa ang store niya sa Quezon City, mabenta pa rin daw ang mga produkto niya online.

Si Julie Anne San Jose naman ay nakatakda nang gawin ang The Clash na nasa third season.

Pero hindi pa raw siya nabi-brief sa inilabas na guidelines.

Naka-focus daw muna sila ngayon sa auditions online na matatapos na sa June 28.

Pagkatapos ay ilalatag na kung kailan sila magsisimulang mag-taping.

Yun nga lang, medyo nakakalito kung alin ang susunding guidelines—ang sa Inter-Guild Alliance o sa FDCP.

Ano ba dapat ang susundin ng lahat na production, mga ka-Troiks?

JERRY OLEA

Sa guidelines ng FDCP, 50 persons ang maximum na nasa set.

Continue reading below ↓

Sa IAG, 70 katao.

Parehong isinasaalang-alang ng 2 sets of protocols or guidelines ang kaligtasan ng mga taga-industriya ng pelikula, TV at advertising.

GORGY RULA

Nakasama ako sa virtual presscon ng IGA at Philippine Motion Pictures Producers Association (PMPPA) noong Mayo 19, Martes, via Zoom.

Nilinaw ritong hindi nila isinasantabi ang inihanda ng FDCP.

Pagkatapos ng mahabang talakayan sa iba’t ibang guilds, napagtanto nilang mas detalyado at mas specific ang inihandang Safety Guidelines for Filming ng IGA dahil ito ay ibinase sa trabaho ng bawat guild.

Pahayag ni Direk Joey Reyes, “Ang statements ng FDCP protocols are larger statements.

"Pero if you go to the IGA protocol, mas detalyado, mas work-related at mas work-specific.

“Mas madaling sundan ang IGA."

Dagdag niya, “Ang protocol na ginawa ng Inter-Guild Alliance is done by people who are really at work. The ones talaga na nagtatrabaho sa field.

“Kung meron mang makakaalam kung ano ang hazard o kung ano ang mga pangangailangan sa trabaho, it would be the people who are working.

Continue reading below ↓

“Ang maganda nito, pagkatapos nilang pinagsama-sama ang kanilang mga suhestiyong protocol, iniharap ito sa producers na siya namang magtutustos ng pera para matuloy.

“Nagkasundo ang mga producers at ang Inter-Guild Alliance.

“In other words, inihanda ang protocol na ito ng mga batang ito, nag-agree ang mga matatandang producers.

“Nag-agree kami na okay, okay ito. This will work, this is financially viable, and this will protect anyone sa set.

“Nagpapahayag ito that we are supporting the IGA protocol. This is the protocol that will be followed by all productions.”

Nagpahayag na ang PMPPA at ang Commercial Production Houses Group (CPHG) na itong ginawa ng IGA ang kanilang susundin.

Ipinarating din ng PEP Troika kay FDCP Chairperson Liza Diño ang pahayag ng IGA.

Text niya sa amin: “We are aware of some of the content because we hosted several consultation meetings with them.

"But the final document was officially transmitted last night."

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

So, kaninong guidelines ang susundin?

Bakit nagkaroon ng sarili at ibang version ang FDCP?

Bakit may komento ang FAP Director General Vivian Velez, na board member ng FDCP, na hindi sila nakonsulta sa ginawang guidelines ng FDCP?

Ang tanong ng mga taga-telebisyon, gumagawa sila ng sarili nilang guidelines sa kanilang sektor—sakop pa ba sila ng FDCP?

Tapos, yung mga taga-Live Events Group, may guidelines ding sinusunod.

Kasama rin ba sila sa jurisdiction ng FDCP?

Sabi ng mga kasamahan natin sa industriya, mag-concentrate muna sana ang FDCP sa mandato ng mismong pangalan nila.

Concentrate sa FILM WORKERS na feeling ng ibang kasama sa mga Inter-Guild at sa Film Academy of the Philippines ay naitsapuwera.

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pabor ang aktres na si Sylvia Sanchez (kaliwa) na naka-lockdown ang lahat ng mga artista habang nagti-taping ng isang teleserye hanggang matapos ito. Ipinaliwanag naman ni Direk Joey Reyes (kanan) kung bakit mas madaling sundang ang protocols na ipatutupad ng Inter-Guild Alliance.
PHOTO/S: Gorgy Rula / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results