Singer-songwriter Adrian Crisanto sa bashers ni Kim Chiu: "Huwag na po kayong pumasok sa class."

by PEP Troika
6 days ago
Singer-songwriter Adrian Crisanto on meeting Kim Chiu via Zoom: “Noong time na yun, nakakatuwa nga, kasi napaka-radiant niya. Sobrang starstruck nga talaga ako kasi, feeling ko, sobrang good vibes na niya noon.”

GORGY RULA

Hindi makakalimutan ng singer-songwriter na si Adrian Crisanto ang collab nila nina Kim Chiu at DJ Squammy na "Bawal Lumabas (The Classroom Song)."

Pinag-aralan ni Adrian ang nag-viral na “Law ng Classroom” statement ni Kim noong Mayo 8, Biyernes, sa Facebook forum na “Laban, Kapamilya.”

Nagtaka siya kung bakit na-bash nang husto ang Kapamilya actress.

“Hindi ko talaga naintindihan. Kasi, sabi ko nga, confusing naman yung statement ni Kim Chiu.

"Pero at the same time, I don’t get why the people are bashing her.

“Hindi naman natin naintindihan, e. Kaya anong sense bakit natin siya binaba-bash?

“Parang ganun po yung sa akin, e,” pakli ni Adrian nang mainterbyu namin sa DZRH noong Mayo 20, Miyerkules ng gabi.


Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

Mayo 14, Huwebes, ipinost ni Adrian sa Facebook ang open letter niya para sa aktres, at nag-viral ito.

Nakarating sa ABS-CBN at Star Records ang sulat niya.

Nakipag-ugnayan si Jonathan Manalo ng Star Records dahil pumayag na si Kim na i-record ang ginawa nila ni DJ Squammy na kantang" Bawal Lumabas (The Classroom Song)."

Sobrang natuwa siya nang nag-meeting na sila ni Kim via Zoom dahil napaka-positive ng dating ng aktres.

“Noong time na yun, nakakatuwa nga, kasi napaka-radiant niya.

“Sobrang starstruck nga talaga ako kasi, feeling ko, sobrang good vibes na niya noon,” sabi ni Adrian.

Malaki ang pasasalamat niya at nag-viral din ang ginawa nilang kanta at ang music video nito.

Nanawagan si Adrian sa netizens na tuluy-tuloy sana ang pag-view sa "Bawal Lumabas (The Classroom Song)."

“Sa mga classmates po, i-push po natin ang pag-view to inspire more people.

“At sa mga bashers po, hindi po kayo kasama sa attendance. Huwag na po kayong pumasok sa class,” napangiting pahayag ng 33-year-old singer-songwriter.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

JERRY OLEA

Noong Mayo 18, Lunes, bandang 10:30 P.M., in-upload ni Kim Chiu sa eponymous YouTube channel niya ang kanyang vlog (33 minutes, 17 seconds) na ang finale ay ang full version ng kantang "Bawal Lumabas (The Classroom Song)."

Within 19 hours ay lumampas na iyon sa 1.5M views.

Sa ngayon ay 2.1M views na iyon sa YT channel ni Kim.

Iyong lyric video na pinost sa YouTube channel ng ABS-CBN Star Music, konting kandirit na lang at 2M views na.

Sa YouTube pa lang ang mga iyan.

Sa Facebook, mas marami ang nakapanood ng "Bawal Lumabas (The Classroom Song)."

Ini-release na ba ito sa iba’t ibang pang digital platforms?

Sina Kim, Adrian, at DJ Squammy ang magkakahati sa rights ng kanta.

Thankful si Adrian na napaka-supportive ng Star Records sa kanila.

May mga nagawa nang kanta noon si Adrian na isinasama sa albums ng ilang artists, pero ito lang ang kanta niyang nag-hit.

Continue reading below ↓

“Suwerte ko lang po talaga and blessed, kasi, ito po iyung nag-hit na ginawa ko,” sabi pa ni Adrian.

Ang gusto lang nila ay maging positibo ang mensahe ng kanta at magbigay inspirasyon sa lahat.

“If I’ll be given a chance to write songs pa, hangga’t maari po, iyung inspirational songs po talaga.

“Kailangan po is we should learn our lesson. Kasi, ang lesson po talaga dito is to be kind to one another,” sabi pa ni Adrian.

NOEL FERRER

It’s a classic case of turning a sad situation into something productive.

Bravo, Kim Chiu, DJ Squammy, at Adrian Crisanto sa effort na ito!

At habang ang bashers ay bash pa rin nang bash sa kanegahan, kayo at patuloy na kumikita na puwedeng gamitin ninyo sa kabutihan.

Sa susunod, mga kantang hindi naman sa booboo ang pagmumulan, ha?!

Ang sabi, during this quarantine... it is the perfect time to create!!!

Continue reading below ↓

MORE!!!

RECOMMENDED ARTICLES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-songwriter Adrian Crisanto on meeting Kim Chiu via Zoom: “Noong time na yun, nakakatuwa nga, kasi napaka-radiant niya. Sobrang starstruck nga talaga ako kasi, feeling ko, sobrang good vibes na niya noon.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results