Daniel Padilla, Joshua Garcia, at Zanjoe Marudo magsasanib-puwersa sa Actor's Cue fundraiser

by PEP Troika
6 days ago
Solid fans nina Daniel Padilla, Joshua Garcia, at Zanjoe Marudo, inaasahang malakas ang hatak sa mga magdo-donate para sa Actor's Cue online fundraiser.
PHOTO/S: @supremo_dp / @garciajoshuae / @onlyzanjoemarudo Instagram

JERRY OLEA

Pagod na ba ang mga tao sa pagdo-donate sa Bayanihan Musikahan online concert series?

Paubos na ba ang budget ng netizens para sa mga fund-raising show?

As of May 21, Wednesday, 5:00 P.M., nakalikom na ang Bayanihan Musikahan ng mahigit PHP82M sa pamamagitan ng sunud-sunod na pagko-concert sa loob ng dalawa’t kalahating buwan.

Nagpasiklab ang icons ng local music industry nitong Mayo 20, Miyerkules ng gabi, sa "Huntahan Musikahan."

Tampok ang National Artist na si Maestro Ryan Cayabyab; at guests niya sina Martin Nievera, Pops Fernandez, at Mich Dulce.

As of 2:00 P.M. this Friday, umabot sa PHP89,980 ang nalikom nila mula sa 50 donors.

Ka-back-to-back ng Martin & Pops sa "Big Wednesday Special" ng Bayanihan Musikan ang power couple na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

Na-interrupt ang broadcast kaya two-part ang Ogie-Regine (OgRe) special.

Humahagod sa puso ang pag-awit ni Asia’s Songbird ng "Sa Kanya."

Palatak ng mister niyang Big Bird, “Ang daming nasisindak, doon sa kanta mo! Galing!”

Sa unang pagkakataon ay kinanta nang buo ni Regine ang bagong hugot song na likha ni Ogie para sa mga sawi na "Huwag Mo Akong Iwan.

“Masarap siyang kantahin,” pakli ni Regine.

“Thank you, honey, for letting me sing this song.”

So far, naka-PHP42,464 ang set ng OgRe mula sa 24 donors.

Dalawang Kapuso tandems ang tampok nitong Mayo 21, Huwebes ng gabi.

Nasa 8:00 P.M. slot ang magkasintahang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, na kilig overload sa kanilang "CoLove" duets na "I Finally Found Someone" at "Nothing’s Gonna Stop Us Now."

Continue reading below ↓

Tinawagan nila si John Prats na direktor ng "CoLove Live" concert nila noong Pebrero sa New Frontier Theater, Araneta City, Quezon City.

Nag-pledge si John na magdo-donate.

May gimik pa sa Instagram ang DenJen. Dalawa ang tinawagan nila, at pinahulaan kung ano ang kinanta nila. Nahulaan naman.

Kaya nag-donate sina Dennis at Jennylyn sa ilalim ng pangalan ng mga kachika nila sa Instagram.

So far, ang nalikom ng DenJen ay PHP16,559 mula sa 15 donors.

Ang sumunod na set ay sina Lovi Poe at Rhian Ramos, na nakalikom ng PHP3,517 mula sa tatlong donors.

Continue reading below ↓

Ngayong Mayo 22, Biyernes ng gabi, back-to-back ang palabas ng dalawa pang Kapuso.

Nasa 8:30 p.m. slot si Tom Rodriguez (Concert 150), at 9:00 P.M. naman ang toka ni Manilyn Reynes (Concert 151).

Continue reading below ↓

Ang Bayanihan Musikahan ay isang online fundraiser na naglalayong magbigay ng relief packs at medical supplies sa "urban poor communities" na sineserbisyuhan ng Samahan ng Nagkakaisang Pamilyang Pangtawid, Likhaan, at Caritas Manila.

GORGY RULA

Totoong may "donor fatigue" na ngang tinatawag, na understandable naman.

Saka mas marami ring diretso nang namamahagi ng tulong sa mga nangangailangan.

Hindi na kailangang mag-click ng "donate" button sa mga online event.

Pero mataas ang expectations ko sa 10th session ng Actors’ Cue mamayang 7:00 P.M. sa Facebook page ng ExtendTheLove.

Panelists sina Daniel Padilla, Joshua Garcia, at Zanjoe Marudo, with Direk Adolf Alix Jr. as moderator.

Tiyak na hindi magpapabaya ang solid fans ni Daniel at buong KathNiel fandom.

Sana malaki ang malikom na donasyon sa Actors’ Cue ngayong gabi.

Ang Actor's Cue ay isa namang online fundraiser na naglalayong magbigay ng ayuda sa production staff/film workers na tigil-trabaho dahil sa COVID-19 crisis.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Introducing si Joshua Garcia sa pelikulang Barcelona: A Love Untold na pinagbidahan nina Kathryn at Daniel noong 2016.

Positibo ang samahan ng tatlo hanggang ngayon.

Noong 2019, naiulat dito sa PEP.ph ang pagsama nina Kathryn at Daniel kay Joshua nang mapansin ng couple na solong kumakain si Joshua sa isang after-party.

Naganap iyon matapos ang sweet-sweet-an at holding hands nina Joshua at Julia Barretto sa duet nila sa ASAP Natin ‘To Bay Area concert party.

Agosto 3, 2019 iyon sa SAP Center, San Jose, California.

Samantala, this is the second time ni Zanjoe Marudo sa Actors’ Cue.

Nakasama si Z sa 6th session, noong May 14, Thursday, with Kalayaan (2012) co-stars Adrian Alandy, Angeli Bayani, Evelyn Vargas, and Ananda Everingham.

Si Angeli ay nakadalawang sessions na rin.

Nakasama ni Angeli sa 4th forum ng Actors’ Cue sina Sylvia Sanchez, Iza Calzado, Jodi Sta. Maria, at Meryll Soriano.

NOEL FERRER

Continue reading below ↓

It’s giving until it hurts... until it hurts no more!

Sabi nga, lahat ng hinihingi natin ay TULONG at PANTAWID.

Sana, habang ginagawa ito ng pribadong sektor, iyung dapat na nag-aalaga sa atin na pamahalaan para sa ating basic needs tulad ng pagkain, gamot, seguridad, at iba pa ay mag-level up din.

Napapa-hayyyy na lang sa kawalan ng pag-asa ang iba sa ating mga kababayan.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Solid fans nina Daniel Padilla, Joshua Garcia, at Zanjoe Marudo, inaasahang malakas ang hatak sa mga magdo-donate para sa Actor's Cue online fundraiser.
PHOTO/S: @supremo_dp / @garciajoshuae / @onlyzanjoemarudo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results