Veteran actress at PUP professor Rustica Carpio, nangangailan ng tulong pinansiyal

by PEP Troika
6 days ago
Naka-confine ngayon ang veteran actress na si Rustica Caprio sa Capitol Medical Center. Nananawagan naman ang mga kaanak ng tulong pinansiyal para sa gastusin sa kanyang hospitalization.
PHOTO/S: Mark Atienza / IMDB

NOEL FERRER

Bumungad ngayong Sabado ng umaga, May 23, ang balita tungkol sa tinatawag nating Lola Puring—si Ma'am Rustica Carpio—na nangangailangan ng tulong.

Naka-confine ngayon sa Capitol Medical Center ang award-winning actress, former dean, at PUP professor.

Bukod sa mahina na ang kanyang likod ay may pneumonia rin daw siya.

Sana ligtas siya sa anupamang puwedeng komplikasyon.

Her family needs all the help we can give.

You can send your monetary donations to the bank account below:


Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Nag-alala tayo nang mabalitaan natin kamakailan na may pinagdaraanan sa kalusugan ang master cinematographer na si Romy Vitug.

Natuwa tayo nang mabalitaang umokey na ang kalagayan nito.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kagaya ni Romy Vitug, ang 89-anyos na si Rustica Carpio ay isa sa Living Treasures ng Philippine Cinema.

Dalangin nating malagpasan ng premyadong aktres ang pagsubok na ito sa kanyang kalusugan sa panahon ng pandemya.

GORGY RULA

Nakakalungkot ang mga ganitong balita sa ating veteran stars.

Malaki na rin siguro ang nalikom na donasyon sa iba’t ibang online shows, baka puwedeng ibigay kay Ma’am Rustica ang ilang bahagi nito.

RECOMMENDED ARTICLES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naka-confine ngayon ang veteran actress na si Rustica Caprio sa Capitol Medical Center. Nananawagan naman ang mga kaanak ng tulong pinansiyal para sa gastusin sa kanyang hospitalization.
PHOTO/S: Mark Atienza / IMDB
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results