First episode ng BL series na Gameboys, patok sa netizens

by PEP Troika
5 days ago
Overwhelmed sina Elijah Canlas (kaliwa) at Kokoy de Santos (kanan) sa mainit na pagtanggap ng netizens sa first episode ng kanilang Boys Love series na Gameboys.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

JERRY OLEA

Naka-71K views within 24 hours ang unang episode ng Pinoy Boys Love series na Gameboys.

In-upload ito nitong Mayo 22, Biyernes ng gabi, sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company.

“Pass or Play” ang title ng first ep ng love story ng CaiReel — blending ng names ng characters nina Cairo (Elijah Canlas) at Gavreel (Kokoy de Santos).

Ang landi ni Gavreel, huh?!

“Yes naman!!! CaiReel!!! Izz real!Hahaha, me ganun?” sabi ni Kokoy nang maka-chat ko nitong Mayo 23, Sabado ng gabi, via Messenger.

“Ganun talaga pag bet mo yung isang tao. Landiin mo na agad.

"Baka mapunta pa sa iba ‘yan... ikaw rin!"

Sobrang happy si Kokoy dahil nagustuhan ng maraming netizens ang first episode ng Gameboys (10:41 ang running time).

May mga nag-effort pang gawan iyon ng subtitles sa ibang wika (English, German, French, Spanish, Italian, Portuguese) upang maintindihan ng BL fans sa iba’t ibang bansa.

Continue reading below ↓


Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Yung iba, nag-message pa sa akin na sana may EP2 na agad. Kasi, sobrang nabitin daw sila,” lahad ni Kokoy.

“And umabot na siya hanggang sa ibang bansa.

"I mean, yung viewers natin, e, may mga ibang lahi na rin. Kaya nagkaroon tayo ng ibang languages sa subtitles.

“Nakakatuwa! Na-appreciate ko.”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Natutuwa ako na isang independent at pioneering company tulad ng IdeaFirst ang nagpasimuno ng ganitong klaseng panoorin na gagawin din ng iWant TV.

BRAVO, Jun at Perci, sa team ninyo!

Narito lang kaming nakasuporta sa lahat ng magagandang efforts tulad nito—sa iba’t ibang platforms—habang sarado pa at parang wala pang kasiguraduhan sa business ng theater operations sa "new normal."

RELATED STORY

JERRY OLEA

Overwhelmed and grateful si Elijah sa suporta ng fans sa Gameboys.

“Si Direk (Ivan Andrew Payawal) po kasi, he kept telling us that the BL craze and fandom is really big and really involved,” pahayag ni Elijah.

“I understood it but I’m still surprised by how many people liked our series, in a really good way.

“I’m really grateful for the feedback we’ve been getting.

"Maraming na-attach kaagad kina Cairo and Gavreel.

“May mga gumawa na nga po agad ng mga fan accounts and nag-trend na agad on twitter yung Gameboys.

Continue reading below ↓

“It makes me really happy because nadya-justify yung hard work of everyone involved in the series.

“Naka-private nga po ang Instagram ko ever since, but after the episode released last night... I had to to make it public dahil overflowing na ang follow and message requests haha.”

Nagpapasalamat din si Elijah sa mga kaibigan at colleagues sa industriya na sumusuporta sa Gameboys at isini-share sa socmed ang first ep ng nasabing BL series.

“It’s motivating to know that what we’re making is giving enjoyment to the people who have watched it,” pakli ni Elijah.

“Makes me excited to work on the next episodes.”

GORGY RULA

Nakakatuwa at mukhang "success" itong BL series ng IdeaFirst sa kanilang YouTube channel.

Nabuo nila ang unang episode sa gitna ng pandemya at sa guidelines at protocols na inihanda ng Inter-Guild Alliance (IGA).

Sa unang episode pa lang ay nagawa at nasunod nila ang lahat ng itinakdang alituntunin ng IGA.

Continue reading below ↓

Sabi nga ni Direk Joel Lamangan, naniniwala siyang masusunod ang lahat ng patakaran.

Kung nagagawa na sa ibang bansa, magagawa rin dito sa atin.

Kapag nag-hit nang husto ang ganitong projects, na mapapanood sa digital o online platforms, mukhang hindi mawawalan ng trabaho ang mga maliliit na artista.

Magaling sina Kokoy at Elijah, sa totoo lang, at bagay sila sa takbo ng kuwento.

Sila ang tipo ng mga artistang puwedeng makagawa nito para mapagkasya ang tipid na budget.

Ito na rin ang bagong entertainment natin sa pagharap sa bagong normal!

JERRY OLEA

Kailan ba mapapanood ang second episode ng Gameboys?

“Maraming humihingi na every Friday na ito,” tugon ni Direk Perci Intalan, na katuwang ang asawang si Direk Jun Lana bilang executive producer ng Gameboys.

“Ang stand namin sa IdeaFirst, kailangang maganda yung ilalabas namin.

"Hangga’t hindi pa kami happy, hindi namin ilalabas.

“Honestly, dahil sa hirap ng shoot ng first episode, marami kaming natutunan.

Continue reading below ↓

"Malamang na marami pa kaming challenges na dadaanan.

“Kasi nga, hindi normal na production ito.

"Basta ang importante, magawa nang tama yung pagkukuwento.

“I think, yun ang secret kaya mabilis kumapit ang tao.

"Nabusisi kasi lahat ng kailangang busisiin para maramdaman mo ang kilig.

“One thing is for sure, alam namin kung gaano kaimportante ang fans.

"So now that nakita namin kung gaano sila karami at gaano sila ka-supportive, inspired talaga kami to do our very best para lagi silang mapasaya!”

Nagulat ang mga taga-Gameboys sa suporta ng netizens sa Pinoy BL story ng CaiReel.

“Nakakatuwa na in-embrace ng napakaraming BL fans here and abroad itong Gameboys,” saad ni Direk Perci.

“Marami kaming nakita na hindi pa nanonood ng BL, now pa lang daw nila nasimulan. Pero consistent naman na nagandahan sila.

“Humingi rin kami ng feedback kahit negative.

"OK naman kahit iyung negative comments — puro minor lang at pwedeng ayusin agad sa next ep.

Continue reading below ↓

“Ang pinakamahalaga… kinilig sila!”

Work in progress ang Gameboys.

Mahigpit na binabantayan nina Direk Jun Lana (executive producer), Ivan Andrew Payawal (direktor), at Ash M. Malanum (manunulat) ang istorya nito.

“Malaking tulong itong nakita muna namin kung ano ang gusto ng viewers,” pag-amin ni Direk Perci.

“Kagabi pa nag-uusap ang team, at kanina nag-meeting pa uli. Maraming aabangan dito.

“Ang tanong ng bayan... kung magkikita sila eventually.

“Well, sana, hahaha. Sana, matapos ang MECQ, baka magkaroon sila ng chance magkita.

“Pero hindi pa natin alam kung nasaan talaga sila, ha?”

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Overwhelmed sina Elijah Canlas (kaliwa) at Kokoy de Santos (kanan) sa mainit na pagtanggap ng netizens sa first episode ng kanilang Boys Love series na Gameboys.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results