Ruru Madrid at Gabbi Garcia, nagkaaminan tungkol sa kanilang nakaraan

by PEP Troika
May 24, 2020
Nagbalik-tanaw sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia sa kanilang tambalan sa fantaseryeng Encantadia (2017), kung saan gumanap sila bilang Ybarro at Alena.
PHOTO/S: Instagram / Noel Orsal

JERRY OLEA

Umamin si Ruru Madrid na hinalikan niya ang kili-kili ng dating ka-love team na si Gabbi Garcia off-camera, sa set ng telefantasyang Encantadia (Hulyo 2016-Mayo 2017).

Naganap ang pag-amin sa Facebook chatroom ng GMA Network nitong Mayo 24, Linggo ng tanghali, kung saan inurirat nina Michael V at Paolo Contis ang mga bida ng Encantadia requel na sina Glaiza de Castro, Sanya Lopez, Gabbi, at Ruru.

Panlimang tanong ni Bitoy kung sino ang humalik sa armpit nino sa set ng naturang telefantasya.

Hirit ni Paolo, sa kapapanood niya ng Sherlock Holmes, na-deduce niya ang sagot base sa reaction ng mga taga-Enca.

Natigilan lang kasi sina Glaiza at Sanya na nagpahiwatig na hindi sila aware, samantalang napatalikod agad-agad si Ruru, at tawang-tawa si Gabbi na tumalak kung si Mikee Quintos ba ang source ng tanong.

Si Mikee ay co-star nila sa Encantadia 2016.

Sabi ni Gabbi, napagtatawanan na lang nila ang kanilang nakaraan dahil pare-parehong nasa mabuting kalagayan na sila ngayon.

Continue reading below ↓

Bagamat marami ang curious kung bakit hinalikan ni Ruru si Gabbi sa kili-kili, hindi nagdetalye ang dalawa tungkol sa nakakakilig na eksenang ito.

Gumanap si Ruru bilang Ybarro sa Encantadia.

Seryosong pahayag ni Ruru, iba na siya at nag-mature na.

Hirit ni Bitoy, swak kay Ruru ang karakter na Ybarro... IbaRuru!

GORGY RULA

Okay na sina Gabbi at Ruru.

Naka-move on na sila pagkatapos ng mga isyung pinagdaanan nila noon.

Bahagi talaga yun ng relasyon nila noong magka-love team pa sila.

Mukhang inspired pa rin si Gabbi, at si Ruru naman ay kinarir ang pagpapaganda ng katawan habang naka-quarantine.

Continue reading below ↓

Gustung-gusto na raw niyang bumalik sa trabaho, pero wala pang makapagsabi kung kailan.

May mga naririnig na akong posibleng sisimulang programa, pero wala pang katiyakan hangga’t hindi pa okay ang lahat, at kung makakaya na bang sundin ang mga inilatag na guidelines and protocols.

NOEL FERRER

Ang ganda ng reunions ng mga magkakasama sa show tulad ng Encantadia.

Nagkaroon din ng ganyan sa Ismol Family ng talent kong si Ryan Agoncillo, kasama sina Carla Abellana, Mikael Daez, Miguel Tanfelix, at Bianca Umali.

Nakakatuwa, kasi pati sina Carmi Martin at Dello ay naging surprise guests.

Kung sina GabRu ay OK sa Encantadia, OK rin sina Miguel at Bianca (BiGuel) sa reunion ng Ismol Family, na ipapalabas daw muli sa GMA International.

Come to think of it, bukod sa news, comedy at hindi drama ang mataas ang viewership sa TV ngayon.

At kung minsan, hindi mo na alam kung alin sa dalawa ang mas nakakatawa.

Continue reading below ↓

RECOMMENDED ARTICLES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagbalik-tanaw sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia sa kanilang tambalan sa fantaseryeng Encantadia (2017), kung saan gumanap sila bilang Ybarro at Alena.
PHOTO/S: Instagram / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results